dedicated to ate bernadeth10 Love you ate!! thank you sa votes and comments <3
JINs POV
Ang corny naman ng application na to? Diary sa cellphone. uso na talaga tamad na tao sa mundo ngayon no. Isa na yung sandra na yun sa kanila -____-
pag bukas ko ng application. may mga details na nakalagay kung gano na karaming entries yung naisusulat ng owner. Aba't mukhang ganadong ganado siya mag sulat ha? may 15 entries na siya eh!
Hindi ko alam kung bakit. pero binasa ko yung entry no. 1 Tsk hindi ako chismoso no! pero malay mo mas makilala ko siya pag binasa ko to. mas mapapalapit ako sa kanya, mas madali ako mananalo. yun lang naman ang intensyon ko hindi ko naman siya gusto eh.
DIARY ENTRY # 1
Hello dear diary! Alam ko ang corny mo. pero dahil ang cute cute mo at kulay orange ka. Pag chachagaan kita! HAHAHAHA Hmmm. Ano bang isusulat ko sayo? Ah alam ko na! alam mo ba kaninang umaga binigyan ako ni jeff ng orange rose! uwaaa super favorite ko talaga to. ang sweet ng boyfriend ko no? Maingit ka! HAHAHAHA sana tumagal pa kami. lagi akong masaya kapag ganito kami, sana siya na talaga. pag kami yung ikinasal ipapa museum kita itaga mo yan sa pink na bato! at sa bato ni darna <3 yung lalakeng yun talaga. alam na alam niya kung anong gusto ko, kaya lalo ko siyang minamahal eh. Hahaha osiya may lakad pa kami ni stella! Ciao diary~
"PSHHHHH! YUN LANG?! ROSE LANG NA ORANGE MASAYANG MASAYA KA NA? PULUBE PALA YANG BOYFRIEND MO EH!! AISH PANIRA NG ARAW KASAL KASAL KA PANG NALALAMAN! ANG CORNY MONG PANGET NA BABA------"
"Sir bakit po kayo sumisigaw?!" napatigil ako sa pag sasalita ng biglang may pumasok na maid.
"W-wala! labas dito sinong nag sabi sayong pumasok ka dito?!"
"Ah eh. yung daddy niyo po kasi inutusan akong tignan kayo kasi daw po ang ingay niyo eh."
"Ah maingay ako? Sige na mag impake ka na. pwede ka ng lumayas dito sa mansyon!" Bwisit to ah? maingay daw ako -____-
"S-Sir!! sorry po. napag utusan lang po ako! wag niyo na po akong paalisin sorry po!"
"Ikaw ang maingay eh! lumayas ka nga dito!"
Dalidali naman niyang sinara yung pinto at umalis.
"Damn this shit!" tsaka ko ginulo yung buhok ko. "Bakit ba nabibwisit ako?!"
BINABASA MO ANG
Cheating through her diary [COMPLETE]
RomansaThis is not a Rated-R story. don't expect any sex scenes. Maybe the site labeled some chapters as Rated-R but i think it's an error. Thank you.