Chapter 29

502 12 1
                                    

 

DIARY ENTRY #5 

 

 

Dear diary!! namimiss ko na si jeff! uwaaaaaa T______T nasa province siya ngayon eh, hindi ko alam kung kailan siya babalik. ang hirap naman ng wala yung baby ko dito sa tabi ko huhuhu. ayan tuloy puro movie marathon ako dito, ewan ko lang ha? pero puro romance tong pinapanood ko! may scene nga dun kanina na nag sulat yung bidang babae sa diary niya, kaya naalala tuloy kita! pero uwaaa nakakaingit yung bida!! nag kiss sila sa ilalim ng ulan, huhuhu kailan kaya namin magagawa ni jeff yun? shomay iniisip ko palang kinikilig na ko! pano pa kaya pag actual na? hala baka himatayin ako!! teka nga diary hindi ko pa natatapos yung isang movie eh. ciao~

 

 

SARAs POV

 

ilang araw na ang nag daan simula nung sinabi sakin ni lance na gusto niya ko, at simula nun. lalong gumulo yung dating tahimik kong mundo -_______- 

 

 

 

"hoy besty ang lalim ng iniisip mo diyan ah!" inakbayan niya ko tsaka siya tumawa ng malakas.

 

 

 

sino pa ba yan? edi si sync, oo ang energetic niya na ulit. masakit na nga yung ulo ko kila jin at lance dadagdag pa siya! nakikita kong malungkot parin siya, yung mata niya umiiyak padin pero pag tinginan mo siya at hindi mo siya ganun kakilala iisipin mong siya yung pinaka masayang tao sa buong mundo. pinahihirapan niya yung sarili niya eh, mas maiintindihan ko pa kung iiyak siya sakin araw araw, hindi yung ganito na nag kukunyari siyang masaya

 

 

 

"oo, pinag iisip mo ko ng malalim eh! ano ba kasing pumasok sa utak mo at ganyan ka ngayon?" binigyan ko siya ng signature death glare ko. pero huminga lang siya ng malalim tsaka siya ngumiti. 

 

 

 

"alam mo kasi besty napag isip isip ko ------"

 

 

 

"may isip ka pala? akala ko puro ka superhero eh!"  

 

 

 

"Grabe ka! tsk ayoko na mag kwento wag na ayoko na!" tinangal niya yung pag kaka akbay niya sakin at aalis na sana siya pero hinawakan ko yung kamay niya.

 

 

 

"joke lang besty! ano ba kasing naisip mo?" umupo ulit siya sa tabi ko.

 

 

 

"hmmmm. naisip ko lang ang laki ng mundo." casual na sagot niya?

 

 

 

"oh ano ngayon meron kung malaki? ano ba yan logic ba yan? idioms?" nag tatakang tanong ko sa kanya. buset minsan talaga hindi ko magets kung anong sinasabi nito!

Cheating through her diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon