Chapter 31

470 8 0
                                    

SARAs POV

"Bangooon! bangoon na dali na! malalate na tayooooo!"  ang sarap sarap pa ng tulog ko ng maramdaman kong umaalog yung kama ko.

"Hmmmm... ano nanaman... sino ka ba... alis na.. shooo shooo"  hinatak ko yung kumot ko tsaka ko yun itinakip sa mukha ko. ughh inaantok pa ko eh.

"Besty ano ba! malalate na tayooooo!" napabangon ako pag karinig ko ng sinabi niya.

"Ha? anooo nanaman ba problema mo? ang aga pa oh! wala pa nga yung araw besty! 9 am pa first class natin!" napatingin kasi ako sa bintana! akala ko late na talaga kami, pero ang dilim dilim pa eh T_____T

"Ay hindi! maligo ka na dalian mo! kapag sinabi kong late na tayo late na! kaya bangon na diyan at punta na sa banyooo!" hinatak niya ko patayo ng kama kaya wala na kong nagawa, kahit tamad na tamad pa kong maligo at puyat pa ko hindi ko magawang tumanggi eh!

matagal din akong naka tunganga sa CR feel na feel ko kasi yung heater eh. ang sarap palang mag isip ng iba't ibang bagay kapag naliligo no? 

"Seryoso kaya talaga silang dalawa?" bigla kong natanong sa sarili ko. 

hanggang ngayon kasi hindi pa talaga ako makapaniwala, parang ang bilis ng lahat eh? parang nung isang araw lang  naka salubong namin sila sa mall tapos biglang magiging mag kakaibigan na kami. tapos may mga nasaktan na, nag hiwalay na, nag agawan pa. 

"Hoy! ang lalim ng iniisip mo diyan! lumabas ka na dalian mo!!" kinatok pa ni sync  yung pinto ng CR ko. sa susunod nga ipag babawal ko na papasukin siya sa bahay ng ganito kaaga -_____-

nag madali akong maligo. at mag ayos, medyo madilim pa rin nung lumabas kami ng bahay eh. ano kayang meron bakit ang aga aga? ang alam ko mamaya pang 9 yun eh!

"Oh okay na? sige sige! galingan niyo ah!" pag ka sabi nun ni sync binaba niya yung phone niya. 

"sino yun?" nag tatakang tanong ko sa kanya, wow may kausap na siya sa phone? sino kaya!! anong galingaaaan?

"Ah wala, may pinaayos lang ako sa taekwando club! oh ayan na pala tara na dali!" agad naman siyang bumaba ng sasakyan. anong meron? bakit ang daming estudyante? ang aga aga pa ah! 

Cheating through her diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon