SARAs POV
"Ready ka na ba?" lumapit sakin si sonya at inayos ang gown ko. huminga ako ng malalim tsaka ako ngumiti sa kanya.
monday 7 pm. dito sa mansyon ng mga ainsworth, gaganapin ang debut ko. mayroong two thousand guest sa baba ng hagdan na nag hihintay sa pag labas ko. ang bilis ng tibok ng puso ko! hindi ko alam kung kakayanin ko ba lumabas sa kurtina na to.
"Ahm pwede bang sabihin niyo nag ka LBM ako kaya hindi ako naka punta?" pabirong tanong ko.
"Nako miss sara ang ganda ganda mo nga ngayon, wagkang kabahan. debut mo to walang mangyayaring masama at wala kang dapat ikakaba. sige na wag ka ng mahiya." inayos naman ni sonya yung buhok ko. nilagay niya yung ilang strands sa likod ng tenga ko. medyo gumaan yung pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. pero nandito parin yung kaba.
humarap ako sa kurtina. mamaya lang ng konti tatawagin na ko ni papa.
"Excited?" lumingon ako para tignan kung sino yun. si jin.
"Oh bakit ka nandito?" natatawang tanong ko. biglang nawala yung lahat ng kaba ko ng makita ko siyang nakangiti sa harap ko.
"pumayag si future-daddy na samahan kita sa entrance mo." yumuko siya at parang nahihiya.
"tamang tama iisipin nilang katulong kita!" inakbayan ko siya at ginulo yung buhok niya. tinangal niya yung pag kakaakbay ko at parang inis na humarap sakin.
"Buti nga hindi kita ibinili ng regalo! katulong pala ha!" tinalikuran niya ko tsaka siya nag cross arms. aw bakit parang ang cute niya ngayon? dati naman kapag nag c-cross arms siya lalo lang akong naiirita sa kanya ah?
"Regalo da------"
"My only daughter and the successor of all the ainsowrth bussines fields. our debutant for tonight Sandra rachel ainsowrth!" hindi ko napakingan yung mga speech ni papa kanina kaya nabigla ako, oras na pala para lumabas ako.
"mamaya ka na mag tampo! oo na ikaw na escort ko." kumapit ako sa braso ni jin at kasunod nun ang pag bukas ng kurtinang naka harang samin. nakakasilaw na ilaw ang bumungad at maingay na tugtugan. ang daming tao halos punong puno yung venue.
BINABASA MO ANG
Cheating through her diary [COMPLETE]
RomanceThis is not a Rated-R story. don't expect any sex scenes. Maybe the site labeled some chapters as Rated-R but i think it's an error. Thank you.