SARAs POV
"Sige ayan ayan babes ishoot mo yan!! Yes hot chick for three points!!!" Nakakabinging sigawan ang narinig ko kasunod ng sigaw na yun ni mynx. Kainis! Matatalo kami kapag nag patuloy yung ganito.
"Bwisit!" Nakapamewang na sabi ni sync sa tabi ko. "Nakakita lang ng babaeng makapal yung nguso na may red lipstick bumaliktad na kagad yang bwisit na lalake na yan!" Siguro si mynx yung tinutukoy niya. Selos?
Oo nga pala, start na ng basketball game namin ngayon. Ang daming tao, akala ko kami kami lang pero pag dating namin dito sa gym halos puno na lahat ng upuan -_____- 4th quarter na at 3 v 3 kami. Si sync, ako at isang babae galing sa section namin laban kila katarina, cyrene at isang babae galing sa club nila. Patapos na ang laban at 35 - 25 na ang score. Ugh sinong lamang? Malamang sila!!
Narinig kong sumipol nanaman si mynx. Kanina niya pa ginagawa yan enjoy na enjoy tong unggoy na to.
"Woah, ang daming legs. Dude di ko alam ang kinis pala ng legs ni cyrene!" Siniko ni mynx si lance tsaka tumawa. Manyak! Buti safe yung legs ko sa mga mata niya.
Bakit? Ganito kasi yun..
FLASHBACK
"Ano hindi pa ba tayo tapos? Pagod na pagod na ko eh! Kanina pa tayo dito!!" Pag rereklamo ko kay jin. Kanina pa kaming 2 pm dito. Inabot na kami ng 5 pm T____T
"Hindi , hindi pa! Sa 10 shoots mo 3 palang pumapasok tapos mag aaya ka na umuwi? Mag shoot ka ulit!" Sigaw niya tsaka hinipan yung pito niya.
"Ehhhhh??! Pagod na ko!!" Naupo ako sa gitna ng gym tsaka nag maktol dun! Wala akong pakielam pagod na ko!
"Tayo na diyan! Sige na last 3 na! Kapag hindi ka pa tumayo mamayang 7 pm pa tayo uuwi!" Pag ka rinig ko nun dali dali ako tumayo, duh sino ba naman gustong mag practice ng basketball hanggang 7 pm?
"Isa... Dalawa ..... Tatlo"
"Oo na eto na! Nakatayo na nga eh!"
"Good." Lumapit siya sakin dala ang isang bola ng basketball at pumwesto sa likod ko.
"T-Teka anong gagawin mo?" Ang lapit lapit niya na sakin, at amoy na amoy ko na yung pabango niya! Bumibilis nanaman yung tibok ng puso ko. Uwaaaa T____T
BINABASA MO ANG
Cheating through her diary [COMPLETE]
RomantikThis is not a Rated-R story. don't expect any sex scenes. Maybe the site labeled some chapters as Rated-R but i think it's an error. Thank you.
![Cheating through her diary [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/8771077-64-k974068.jpg)