Chapter 38

300 6 1
                                    

 

SARAs POV

 

"Papa?! Pa nasan ka na?!" Nasa bahay na kami ngayon ni jin at parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Ano kayang ngyari kay papa? Bakit parang kabadong kabado siya kanina.

 

 

 

"Pa? Nandito na po kami! Nasan ka na?" Sigaw ni jin pag kapasok niya sa main door ng bahay. Halatang nag aalala din siya.

 

 

 

Nag lakad kami at nag desisyon na mag hiwalay para icheck lahat ng kwarto. Maayos naman lahat malinis at walang gulo. pero bakit walang tao? Nasan sila manang at papa?

 

 

 

"Wala sila sa mga kwarto sa 3rd floor." pag papaliwanag ni jin, siya kasi ang nag check ng mga kwarto dun.

 

 

 

"Wala din sila sa 2nd floor. Nacheck ko na din tong first floor pero wala sila." Pag ka sabi ko nun may narinig akong kaluskos sa garden area kaya tumakbo kami ni jin dun.

 

 

 

"Papa? Manang? Nandito ba kayo?" Walang sumasagot. Kaya nag lakad lakad kami hanggang makarating kami sa isa sa apat na pavilion na ipinatayo ni papa para sa tea party. May kalawakan din tong garden kaya mag kakalayo yun. Pinulot ko yung papel na nakapatong sa lamesa.

 

 

 

"East?" Pag tatanong ni jin. Yung ang nakasulat sa papel.

 

 

 

Ano bang gusto nila? Nakikipag laro ba sila? Baka naman tinutukoy nito yung east pavilion. Yun kasi ang pinakamalaki kumpara sa iba.

 

 

 

"East pavilion. Nasa south pavilion tayo ngayon, tara pumunta tayo dun." Mag lalakad na sana ako pero hinawakan ni jin yung kamay ko kaya napahinto ako sa pag lalakad.

 

 

 

"Pano kung nandun yung mga nag iwan ng papel na to? Pano kung may dala silang baril? Hindi tayo pwedeng pumunta basta basta dun sandra. Baka masaktan ka, hindi ko hahayaan mangyari yun. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may ngyari sayo." Pag ka rinig ko nun, gumaan yung pakiramdam ko. Nawala lahat ng kaba na nararamdaman ko. Ang corny hindi ganyan si jin, pero bakit parang gusto kong kiligin? Kainis wrong timing! -___-

 

 

 

"Alam ko nag aalala ka." Hinawakan ko yung kamay niya na nakahawak sa braso ko. "Pero papa ko yung nandun. Hindi naman pwedeng pabayaan ko lang sila." Naramdaman kong lumuwag yung pag kakahawak niya sa braso ko hnggang sa bumitaw na siya.

 

 

 

"Sige na nga. Teka tumawag muna tayo ng pulis." Hindi na ko tumangi dahil alam kong kailangan din namin yun. Sana okay lang sila papa.

Cheating through her diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon