Chapter 43

338 4 0
                                        

 

SARAs POV

 

Siguro nga tama siya, siguro nga mali ako. 

 

 

 

"teka nga ano ba tong iniisip ko! hindi! si jin ang mali!" napabitaw sa yakap sakin si besty at pinahiran yung mga luha niya tsaka tumingin sakin ng nag tataka.

 

 

 

"Alam ko kung anong iniisip mo." hinawakan niya yung kamay ko tsaka siya ngumiti ng matamlay. "Patawarin mo na si jin, siguro may reason siya kaya niya nagawa yun, kahit naman mukhang napakasamang tao nun alam kong pag dating sayo puro kabutihan lang laman ng puso nun." 

 

 

 

"kabutihan. eh ninakaw niya nga yung cellphone ko!" pag tatangol ko sa sarili ko.

 

 

 

"yun lang ba yung dahilan kung bakit ka galit besty? galit ka kasi ninakaw niya yung cellphone mo? umiyak ka ng umiyak at nag mukhang tanga sa debut mo dahil lang ninakaw ng BOYFRIEND MO yung cellphone mo?" boom, parang sinaksak ni sync yung mga salitang yun sa puso ko ah. 

 

 

 

"H-Hindi naman yun eh!"

 

 

 

"eh ano?" nakataas yung isang kilay niya at naka cross arms pa siya. bakit nga ba? bakit ako nagagalit?

 

 

 

"Kasi, kasi... binasa niya yung diary ko! nakielam siya sa buhay ko!" nag salubong bigla yung kilay niya at tinusok tusok niya ng pointing finger niya yung noo ko. bakit mali ba yung reason ko?!

 

 

 

"binasa niya yung diary mo? kasalanan niya ba yun ha? eh diba pinaalalahanan kita na lagyan ng password yung cellphone mo, kasalanan niya ba na burara ka. and besides boyfriend mo siya. sooner or later malalaman niya din lahat yun tungkol sayo!" 

 

 

 

Sooner or later malalaman niya din lahat yun tungkol sayo~

Sooner or later malalaman niya din lahat yun tungkol sayo~

Sooner or later malalaman niya din lahat yun tungkol sayo~

Sooner or later malalaman niya din lahat yun tungkol sayo~

 

 

 

"T-Talaga?" yun nalang ang naisagot ko. 

 

 

 

Ang tanga ko para hindi maisip yun. yun lang ba yung ikinakagalit ko all along? galit ako kasi mas mabilis siya napalapit sakin dahil nasa kanya yung diary ko? galit ako kasi akala ko nandaya siya para mapalapit ako sa kanya? ughhh. i'm an idiot for letting my stupidity ruin our relationship! this is my fault!

Cheating through her diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon