*SPECIAL CHAPTER* - (ReLaMy)

574 5 0
                                        

MYNXs POV


"SIge na pumunta ka na sa kanya." yun nalang yung nasabi ko pag katapos ko siyang ngitian. Nakakainis ang bakla ko pakingan, gusto na ring tumulo ng mga luha ko. Kadiri -____- hindi ako to bakit ako nag kakaganito dahil sa kanya? 

Yumuko lang siya kaya yumuko na din ako. hindi ko alam kung nandun pa ba siya o umalis na. kahit naman alin sa dalawa wala paring mag babago sa katotohanan na pumili na siya. at si red ang pinili niya. 


"Oh honey san ka pupunta?"  napatayo ako sa bench. tsaka ko pinigilan yung luha kong muntik na talaga tumulo. phew buti nalang nakaya ko pang pigilan! Nababakla na ba ako? -_____-

 "Teka bakit ka umiiyak? hoy mynx pinaiyak mo ba tong honeybabes ko?!"  teka umiiyak siya bakit? akala ko ba pinipili niya sa red?

"Ah w-----" mukhang nag papanic na siya. isip mynx isip gumawa ka ng paraan. 

"Hahahaha bro! napaka iyakin pala niyang 'soon to be girlfriend mo' biniro ko lang ng konti umiyak na."  Shooot ~! yun na yun, siguradong galit na sakin si sync. alam kong iniisip niyang pinatripan ko lang siya. 

humarap siya sakin, mukhang lalapit siya para sampalin ako? okay lang yun tanggap ko yun. pero sana alam niyang nasasaktan din ako ng sobra sa ginawa ko para sa kanya. 

"Baby ko" pinigilan siya ni red. hindi ko alam kung may alam ba si red pero "Wag ka ng umiyak please? alam mo naman ayokong umiiyak ka."  Boom. Sakit nun ah? diba dapat ako yung gumagawa nun kasi ako yung nag paiyak kay sync.

*FLASHBACK*

"Sasagutin mo na ba si red ngayon?"

"Ha? bakit mo naman natanong yan, tsaka ano naman sayo!"

"Sagutin mo nalang"

"Ahmmm. oo?"

"Mahal mo na ba siya agad?"

"Hay ang weird mo talaga kahit kailan. kanina ang sungit mo ngayon naman seryosong seryoso ka."

"Sumagot ka nalang kasi." 

"Tsk. gusto ko siya, pero hindi ko pa sigurado kung mahal ko na siya, siguro isang tulak nalang." 

"Isang tulak?"

"oo tulak yung tipong isang sweet na line, isang sweet na gawin. isang patunay pa na seryoso siya. maitutulak niya na ko tapos mafafall na ko ng tuluyan sa kanya." 

"Pwede bang hawakan kita ng mahigipit para kahit itulak ka niya hindi ka mahuhulog?" 

*END OF FLASHBACK*

Damn yun na yun? hinawakan ko ba siya. eh parang mas lalo ko siyang tinulak. 

Cheating through her diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon