Chapter 40

316 6 1
                                        

 

SARAs POV

 

"Besty okay ka lang ba?" lumapit ako kay sync at umupo sa tabi niya. natapos ang buong araw sa school kanina. ibang iba sa nakasanayan ko na, yung maingay silang dalawa ni mynx. narinig kong may kumatok sa pinto at nagsalita.

 

 

"ah maam may dala po akong sandwich at juice iiwan ko nalang po dito sa tapat ng pinto." siguro yun yung maid nila besty. 

 

 

 

"Sige, salamat." nasa bahay ako ngayon ni besty, gusto ko sana siyang kausapin tungkol sa ngyari. alam kong mahirap para sa kanya lahat, lalo na kapag si red ang pinag uusapan.

 

 

 

pumunta ako sa pinto at kinuha yung tray na may lamang sandwich at juice. hindi sa patay gutom ako -___- baka kasi isipin ng maid nila na mataray ako, at hindi ko pinapahalagahan yung effort nila. dinala ko yun sa maliit na lamesa sa kwarto ni besty at naupo ulit sa tabi niya. sakto namang sumandal siya sakin at umiyak.

 

 

 

"Tahan na, naiintindihan kita." matagal tagal ko din hindi nakitaumiyak si sync, kaya ngayon hindi ko alam kung pano siya pakikitunguhan. hindi ako sanay ng ganito siya eh.

 

 

 

"A-Alam mo ba yung.. pakiramdam. niloko niya ko eh, bakit hindi man lang niya sinabi?! alam niya kung gano ko kamahal si red! bakit hindi niya ko tinulungan? ano bang gusto niyang mangyari?" magkahalong sakit at galit yung tono ng boses niya habang sinasabi yun sa gitna ng pag iyak. siguro si mynx yung tinutukoy niya. 

 

 

 

"Siguro may reason siya. kilala mo siya, alam mong hindi niya gagawin yun dahil lang trip ka niya." kilala namin si mynx, matagal na din kaming nag kasama at alam kong hindi niya kayang gawin kay besty yung ganun.

 

 

 

"HINDI! HINDI KO SIYA KILALA! HINDI NAMAN TOTOO YUNG PINAPAKITA NIYANG UGALI! MANLOLOKO SIYA!" lumayo siya sakin at pumunta sa table kung saan nakapatong yung laptop niya, binuksan niya yun, kaya lumapit na ako sa kanya.

 

 

 

"Pictures niyo ni red?" tinignan ko yung mga picture na nasa folder. ang saya nila dun, mukhang inlove na inlove talaga sila sa isa't isa. siguro hanggang ngayon si red parin talaga.

 

 

 

"Hayaan mo na muna yan please?" hinawakan ko yung kamay niya para matigilan siya sa pag scroll. at pag tingin sa mga pictures. "Eto. sana naman naalala mo." ngumiti ako sa kanya ng matamlay, at kinuha na yung bag ko.

 

 

 

"SORRY BESTY!" aalis na sana ako, pero narinig ko siyang sumigaw. "sorry nakalimutan ko. thank you nag abala ka pang dalin to, sorry talaga." niyakap niya ko, buti naman at naging okay na siya kahit konti.

Cheating through her diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon