Chapter 42

300 4 0
                                        

 

SARAs POV

 

"Sandra.. mag papaliwanag ako. please.."  kasabay ng pag tulo ng luha ko ang pag sabi niya nun. hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para sumagot. pero..

 

 

 

"Mag papaliwanag ka? so totoong nasayo all along? ay oo nga bakit ko pa itatanong eh nakita ko naman na. maliwanag na maliwanag. ang tanga ko sorry ha." aalis na sana ko pero hinawakan niya yung kamay ko. please bitawan mo na ko. ayokong saktan ka. ayokong makita mo kong ganito. 

 

 

 

"Makinig ka muna sakin please!" hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko. 

 

 

 

*PAK* 

 

 

 

"MAKINIG SAYO?! BAKIT? SIGE NGA SABIHIN MO SAKIN KUNG BAKIT AKO DAPAT MAKINIG SAYO!" hindi ko na napigilan yung sarili ko, ang tanga ko! niloko niya na ko pero hindi ko parin siya magawang saktan ng todo. kung kaya ko lang, kung kaya ko lang... hindi lang sampal. pero bakit ganito isang sampal palang ang natatangap niya mula sakin hindi na agad kaya ng puso ko. "Bitawan mo na ko. please lang." yun nalang ang kaya kong sabihin. hindi ko siya kayang tignan direkta sa mata. hindi parin niya ko binibitawan ano ba sara niloko ka na ng taong yan!

 

 

 

"GUARDS ILAYO NIYO ANG LALAKING YAN SA ANAK KO." nagulat ako ng marinig kong sumigaw si papa, at halos madurog ang puso ko ng makita kong hatakin ng mga guard si jin palayo sakin.

 

 

 

"BITAWAN NIYO KO! ANO BA BITAWAN NIYO KO SINABI EH!" nag pupumiglas siya pero masyado silang malakas. madami sila para kay jin. "SANDRA MAKINIG KA MUNA SAKIN PLEASE! SANDRA!" 

 

 

 

"sige na pumasok ka na. ako ng bahala." isinuot sakin ni papa yung coat niya. 

 

 

 

"Papa. please..." gusto kong sabihin na wag nila siyang sasaktan, mahal ko padin siya kahit niloko niya na ko. mahal ko padin siya kahit ang sakit para sakin na malamang niloloko niya ko simula palang nung una. pero nakita ko yung galit sa mata ni papa. alam kong hindi siya papayag na masaktan ako ng ganito. 

 

 

 

"Pumasok ka na." cold na sagot niya. wala na kong nagawa kundi sundin siya, tutal yun naman ang gusto kong gawin kanina pa. nag lakad ako palayo sa kanila, palayo kay jin. palayo sa lalaking mahal ko. 

 

 

 

"Hope you learned your lesson." napahinto ako, si cyrene yun. hindi ko siya nakita dahil nakayuko akong nag lalakad. tinignan ko siya sa mata, pero lahat ng galit ko, lahat ng inis ko hindi ko magawang ilabas. 

Cheating through her diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon