CHAPTER 7
Second quarter na agad. Ambilis talaga ng panahon...
San na ba tayo papunta?
Yung panghihiram pala sakin ni Anthony ng homework ay hindi pa pala nagtatapos doon. Madalas, nakakachat ko siya sa YM dahil nagpapatulong siya sakin sa mga homework niya. Umiiral nanaman ang pagkafeeler ko. Pero bakit ka naman kasi sakin nagpapatulong? May mga kaibigan ka namang mga lalaki, pati na rin babae. Sa mga higher years, meron din. Pero bakit sa akin? Wala naman ako sa Top 10 ah.
Ang feeler ko naman talaga... basta pagdating sayo.
Gustong-gusto ko talagang sabihin yon lahat kay Anthony... Pero syempre, hindi ko naman magawa.
Hindi naman kami close eh. Sa school, dedmahan lang kami. Sa chat kasi siya nagpapatulong sakin ng mga schoolworks. Sana magtuloy-tuloy na kasi 'to. Gusto ko siya laging makasama, kausap... kahit ba hindi personal na usapan yon. Basta't andyan siya, masaya na ako.
Kaso... magiging personal na rin pala.
"Buzz!"
Uy, si Anthony pala 'to. Kilig naman agad ako.
"paupersprincess: Hi Anthony. :) Ano meron?"
"anthony_arnaiz19: May homework ba?"
"paupersprincess: Wala... Yon ang alam ko."
"anthony_arnaiz19: Ah, ganon ba..."
"anthony_arnaiz19: Sige, thanks. :D"
"paupersprincess: May ginagawa ka ba?"
Grabe. Hindi ko aakalaing masasabi ko yun sa kanya.
"anthony_arnaiz19: Wala naman... Bakit?"
"paupersprincess: Ah, wala lang."
"anthony_arnaiz19: Nga pala.. May gusto akong sabihin sayo."
"paupersprincess: Hala? Ano naman yon?"
"anthony_arnaiz19: Wag mo 'to sasabihin kahit kanino ah... Ikaw palang at yung best friend ko ang sinabihan ko nito."
Wow. Bakit kaya sa akin pa niya sasabihin?! Ano kaya 'to...
"paupersprincess: Sige lang."
"anthony_arnaiz19: Tinamaan na ata ako ni Kupido eh."
"paupersprincess: Oh? Kanino naman?"
Hala... Wag ka maging feeler Alyssa!
Pero hindi ko talaga maiiwasang umasa na pangalan ko ang sasabihin niya...
"anthony_arnaiz19: Kay Katrina Romero ng I - Faraday..."
"anthony_arnaiz19: Kilala mo ba yun?"
Aray! Sabi ko na nga ba eh, huwag ka talagang magiging feeler. Masasaktan ka lang eh.
"paupersprincess: Ah.. Hindi eh."
"paupersprincess: Bakit mo sakin sinabi 'to?"
Ayoko naaaa. Ang hirap talagang umasa. Napaasa niya nanaman ako. Gusto ko nang umiyak... Parang pinamukha niya pa sakin na may iba siyang mahal. Pero sino ba naman ako para magselos at pumapapel sa buhay niya? Hindi naman kami. Hindi nga man lang nagkaroon ng kami eh.
Hanggang dun nalang yata talaga. Diba nga, homework ang gusto niya. Hindi ikaw.
"anthony_arnaiz19: Hindi naman yata kakalat ang sikreto ko pag sayo eh... Tapos, may tiwala na ako sayo. :)"
"paupersprincess: Ge... kaya mo yan. May gagawin pa ako eh.. Bye. :-h"
"paupersprincess signed out"
Pero sa totoo lang, hindi naman ako nag-sign out eh. Nag-invi lang ako... tapos paulit-ulit na tinitignan yung pangalan niya. Hangga't sa nag-sign out na rin siya. Ang sinungaling ko talaga! Hindi ko na 'to kaya... Alam ko namang darating din ang araw na 'to eh. Yung araw na may magugustuhan na rin siyang babae, na hindi naman ako. Malabo talaga eh.
Masaya lang ako dahil pinagkakatiwalaan niya ako. At diba kapag may tiwala, may pagmamahal? Hay nako, ang feeler mo nanaman.
Hindi ko nga lang alam, pero sana hindi nalang kami umabot sa ganon...
Manhid ka rin nuh. Kailan ka ba susuko, Alyssa?
Ewan ko ba...
Kinabukasan, mababalewala lang din naman pala ang lahat...
Nung English class kasi namin, naglaro kami ng Consequence. Dahil malapit na rin ang periodical test namin, nagrereview na kami sa klase. At ang pagrereview namin ay through nung laro. Malas nga naman ako, kasi nagkamali agad ako sa first question ko palang.
"Alyssa, who do you think is most handsome in I-Newton?"
Hindi ko naman kayang sabihin ang pangalan ni Anthony... bakit ba ang torpe ko masyado?! Gwapo nga lang tapos hindi ko pa masabi pangalan niya. Mabuti sana kung yung tanong ay kung sino yung mahal mo sa classroom.
"Uh... Jeremy..."
Nang-asar pa yung mga iba kong kaklase sakin at kay Elena. Alam naman nilang may something kay Elena at Jeremy.
Ang sinungaling ko talaga! Hindi ko nasabi yung pangalan ni Anthony. Oo, gwapo naman si Jeremy. Pero mas gwapo para sakin si Anthony, syempre crush ko siya eh. Iba yung pagtingin ko sa kanya kaysa sa ibang lalaki.
Sinwerte na ako dun sa mga sumunod na tanong kasi tumama na ako.
Kaso... nagkamali naman si Anthony.
Patay... Alam ko masasaktan lang ako nito eh.
"Anthony, can you tell the class the full name of the girl you like?"
Lalong patay... Grabe, hindi ko na kaya 'to. Alam ko naman kung sino eh... syempre, umaasa parin talaga akong pangalan ko ang sasabihin niya. Mahirap talagang maiwasan eh.. Mahal ko na siya. Hindi ko naman yata mapapaalis yun ng ganon-ganon lang.
"Can it be in another section?"
"Of course, Anthony."
"Uh... but can this remain as the class' secret?"
Pumayag naman yung mga kaklase ko. Grabe talaga eh. Ayokong marinig... Kung sa chat nga lang, masaklap na... Pano pa kaya kapag marinig ko sa kanya mismo?
"Katrina Angelica Ocampo Romero"
So, alam na rin niya middle initial ni Katrina. Ibig sabihin nun, nagkakausap na sila... O kung hindi naman, nagtanong-tanong na rin siya sa mga kaklase o kaclose ni Katrina. Ouch, ang saklap naman ng buhay ko o. Hindi ko pa nga nakikita itsura niya eh... Naka-private pa yung Friendster niya, tapos yung profile picture pa niya ay cartoon character. Oo, nakapagstalk na rin ako. Pero sigurado naman maganda siya, para ba naman magustuhan ni Anthony.
Edi nabalewala din ang tiwala niya sa akin... sinabi niya rin naman sa buong klase at pati na rin sa teacher namin. Tapos nagpaparamdam na rin pala siya kay Katrina eh. Mabuti sana kung hindi, at kung gusto niya talagang itago yung pagtingin niya sa kanya.
Basta, ang swerte talaga ni Katrina, kung sino man siya...
Siya na yata ang pinakaswerteng babae sa mundo ngayon.
BINABASA MO ANG
She will be Loved || ON-HOLD
Teen FictionHe was everything she could ever want, but could she be everything he could ever want as well? I don't know yet.