Chapter 6

64 4 1
                                    

CHAPTER 6

So ayun, 1st periodical exams namin ngayon. Maganda lang pag perio dahil halfday kami, pero bukod nun, hell week na kung ituturing. Submission kasi ng mga projects tapos isasabay pa sa pag-aaral para sa exam mismo. Puyat sessions kumbaga.

Ang gaganda pa ng mga subject namin ngayong first day. GenSci, AP, English at MAPEH. Kaya bang i-shotgun yan? Hindi talaga pwede kung GC ka. Pero para sa mga tao tulad namin, shotgun lang ang MAPEH. Kung parehas tayo ng school, sigurado akong alam mo na kung bakit.

Hindi naman ako GC - sa ngayon. Bagsakan nga ang mga quizzes ko, nasanay lang siguro sa 50% passing score sa dati kong school. Iba na kasi dito eh.

Since major subject ang Science, dapat itong sineseryoso. Pero anong magagawa ko kung hindi talaga kayang seryosohin sa hirap? Mahirap naman kasi talaga mga test dito, lalo naman sa Science subjects. Kaya nga science high school diba?

Buti nalang multiple choice SA LAHAT ng perio namin. Yun nalang yung tanging pambawi kung sakaling mahirap ang exam. Madali lang manghula. Isa pa, hanggang 50 items lang siya. Tapos yung Math, hanggang 40 lang. Ayos nga eh! Nung elementary ako, nakakaabot pa lagpas 100 yung items.

Pero hindi yon ganong kadali ah, kung inaakala mo. Kinulang pa nga ako ng time para sa GenSci eh! Ayun, hinulaan ko nalang tuloy. Nakikita ko na nga magiging grade ko sa GenSci sa 1st Quarter eh - bagsak.

Buti pa si Anthony! Wala yatang kaproble-problema sa GenSci. Nakuha pa niyang makatulog ha?

At dahil AP at English naman ang favorite subjects ko, nadalian nalang din ako sa exam. Maaga akong natapos, kaya ako naman ang "nakatulog" ngayon. Sa memorization naman talaga ako magaling eh. Pagdating sa analysis at math, wala na.

Pagdating sa MAPEH, ayun nga. Wala akong ibang masabi kundi SHOTGUN. Lahat naman yata kami eh? Ewan ko lang sa mga GC dyan. Gulat nga kami dahil 100 items ba naman, tapos di pa multiple choice lahat! Minor subject pa yun ha.

Maaga akong nakauwi. Tapos pagkadating ko sa bahay, diretso tulog agad ako. Wala na akong oras mag-YM, kelangan kong makabawi sa tulog eh...

---

Sa second day naman - Math, Filipino, Values. Medyo malupet, pero keri naman. Madali nalang para sakin yung Filipino, lalo naman ang Values! Anghel yata 'to. Hahaha, joke lang!

Pero seryoso, kinakatakot ko talaga ang Math dahil slow talaga ako pagdating dyan. Ang bagal-bagal kong magsolve. Hindi ko kaya yung mental computation na sinasabi nila. Kahit nga sa subtraction, nabobobo pa ako eh! Si Anthony naman, kabaliktaran ko. Magaling talaga siya sa Math. Minsan nga kapag may seatwork kami, sa kanya nanggagaling yung mga sagot ng klase eh. Ay teka, secret lang natin yon ha.

Skip na muna tayo dito. Wala namang nangyaring importante sa panahong 'to eh. As usual, hindi kami nagpapansinan ni Anthony. Puro kaseryosohan dahil sa exams. Na-explain ko nanaman yata sa inyo kung pano yung proseso dito kaya wala na akong makekwento muna.

Pagkauwi ko sa bahay, hindi na muna ako natulog. Bawi na ako sa tulog kagabi, kaya kahit hindi na ako makatulog nang matagal ngayon. Nag-OL na muna ako sa YM, check na rin siguro kung online din si Anthony. Bakit, kakamustahin ko mga exams niya kanina. Hindi naman kami nag-uusap ah?

Kaso... OFFLINE eh.

Bakit ba sadyang ayaw ng TADHANA saming dalawa? Kung kelan gusto ko siyang makausap, siya naman ang wala. Kung kelan andyan naman siya para kausapin ko, ako naman ang may ginagawa. Kalechehang timing naman oh!

Mag-oout na rin sana ako, wala naman siya eh so bakit pa?

Yun nga lang...

Biglang nakipagchat naman si Camille sakin!

She will be Loved || ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon