Chapter 4

90 6 1
                                    

CHAPTER 4

BAKIT SA AKIN PAAA?! Hirap na hirap nga akong makipag-close kay Anthony, tapos may tutulungan pa ako para mas maging hindi kapansin-kapansin ako sa kanya? Madaya naman yata 'to oh.

Ano bang nagawa ko????? Ako na nga 'tong hindi maganda. Ako na nga 'tong outcast. Ako na nga 'tong nerd. Ako pa yung pagdidiskitahan ng tadhana????

Pinindot ko yung arrow sa chatbox para makita yung picture ni Camille. Naka-hide kasi yung mga picture namin eh. Kaso... NAGULAT NALANG AKO SA NAKITA KO.

Parang nawala ang picture ko dun, dahil yung picture nalang niya ang napapansin ko. SHET LANG, ANG GANDA PALA NIYA! Mabuti sana kung parehas lang kaming normal o mukang chaka para patas ang laban, pero hindi! Bakit pa niya kakailanganin yung tulong ko?? Kung gusto mo ng tulay, andami nyan sa may Pasig River!

Pano kung maunahan niya ako kay Anthony?

Pano kung sa kanya ma-inlove si Anthony?

Pano kung ligawan siya ni Anthony?

Pano kung sagutin niya si Anthony?

PANO KUNG MAGING SILA?!?!?!!

PANO KUNG-

"BUZZ!"

Hindi ko na namalayang naka-sampung message na pala si Camille. Inlove na inlove siya ah! Daig pa niya ako. Atleast ako, hindi nagpapatulay sa kung sino-sino. Atleast ako, hindi isang desperadang echoserang-

"camedina_xoxo23: sensya po .. andyan pa po ba kayo ??"

HALA. Pano ako makakalusot sa gusot na 'to? Baka isipin niyang ayaw ko... pero ayoko naman talaga eh!

"paupersprincess: AY. Sorry! Nag-hang bigla computer ko eh. :("

"camedina_xoxo23: so .. ano po sa tingin nyo? :D"

"paupersprincess: Uh..."

Ayoko. A-Y-O-K-O!

"paupersprincess: Sure, why not diba? :)"

ANO BA ALYSSA? Ano bang pumasok sa isip mo at natype mo yan?! Wala nang bawian yan, dre...

"camedina_xoxo23: YEHEY !! salamat po talaga .. :">"

"paupersprincess: Kelan mo pa ba naging crush si Anthony?"

"camedina_xoxo23: hindi ko alam eh !! siguro, two weeks na ? "

"paupersprincess: bakit mo ba kailangan ng tulong ?"

"camedina_xoxo23: ang hirap nya lang abutin eh !! hindi na nga kami magkaklase, hindi pa niya ako kilala .. swerte nga ng mga kaklase niya, parang ang dali lang .. :("

MADALI LANG?!?!?!?! Porket kasi maganda siya kaya nadadalian siya eh. Excuse me lang noh, may paawa effect ka pang nalalaman dyan, hindi madaling mapa-inlove sayo si Anthony kahit magkaklase kayo! Ang dami-dami ngang lumalandi sa kanya sa Newton, pero wala parin siyang nililigawan sa kanila. Syempre, alam ko!

"paupersprincess: Hindi rin.. Wala pa nga siyang crush eh."

"camedina_xoxo23: o ????"

"camedina_xoxo23: haysz .. kung ako nalang sana crush niya. =(("

Hindi, kung AKO nalang sana. Shet, amplastik ko ah.

"paupersprincess: Aw. Kaya yan, sa ganda mo bang yan?"

Pero, SANA HINDI...

"camedina_xoxo23: di naman .. mas maganda ka pa nga po sa akin eh .. :P"

"pauperprincess: Sus, nambola ka pa. Ikaw kaya..."

She will be Loved || ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon