The heart does not know what it wants,
until it finds what it wants.
----------------------------------------------------------
CHAPTER 1
CRRRRRING!
Ayun, nagbell na pala.
Official na talagang high school student na ako, at etong papasukan ko? Hindi lang siya ordinaryong high school, kundi isang science high school.
Alam ko na kung anong iniisip nyo. Malamang sinasabi niyo ngayong isa akong matalinong estudyante dahil nakapasa ako dito. Pero sa totoo lang, normal lang akong dalagang maghihighschool na.
Kinakabahan nga ako eh. May mga sabi-sabi kasi noon, na kapag taga-science high school daw ang isang bata, puro stress ang sumasalubong sa kanya araw-araw. Yung tipong wala nang pahinga gabi-gabi, puro aral nalang daw ba? Sana nga lang nagkamali sila. Bakit, sino ba sila para sabihin yon? Natry na ba nila? Haha, joke lang.
Section I-Newton nga pala ako. Noong una natakot ako kasi yung mga section daw dito ay nakarank. Eh nasa may bandang dulo pa naman ako. Tapos nalaman ko nalang na random pala pag freshmen. Edi ayun, ayos lang pala.
At dahil nga nasa dulo ang section namin, kami ang huling umakyat sa freshmen. Nakapila kaming umakyat at tahimik parin ang lahat. Syempre, ganon naman talaga diba kapag first day?
Pagkapasok namin sa room, wala paring nagsasalita o nag-iingay. Medyo umingay nga lang mga kaklase ko nung pipili na sila ng upuan. Kahit saan naman kasi pwedeng umupo dahil wala pa naman ang adviser namin. Hindi naman ako choosy, kaya kahit saan nalang ako umupo. Sinwerte nga lang ako kasi may bakante pa palang upuan sa may third row, edi doon nalang. May pagkamalabo pa naman kasi ang mata ko.
After ng ilang minutes, pumasok na rin ang adviser namin. Babae siya, matangkad, ayos lang naman ang itsura at payat. Muka naman siyang mabait at masayahin eh.
Bago siya mag-good morning sa amin, sinulat niya na muna pangalan niya sa blackboard. In fairness, maganda sulat niya ah. Mautak din pala siya - yung iba kasing teacher, pinapagreet muna ang mga estudyante niya tapos nagkakailangan na pagdating sa pangalan niya.
"Good morning, I-Newton!"
"Good morning, Mrs. Marjorie Pascual!"
"Please your take your seats."
"Thank you, Ma'am."
"Before we start, I will call you one by one for the attendance."
Hala. Attendance na pala. Buti nga ganyan lang eh. May iba kasing teachers na habang nag-checheck ng attendance ay may introduction pa.
Inuna niya na muna yung mga lalaki ng Newton.
"Arnaiz, Anthony Michael?"
"Present."
Grabeng pambungad yan. Ang gwapo niya, tapos ang ganda pa ng boses! Nakakainlove lalo. Hindi nga lang yata basta gwapo eh. Muka pang nanggaling siya sa isang prestigious private school nung elementary.
Wew. Siya pala yung lalaking kanina ko pang tinitignan sa pila namin. Oo, kaninang umaga palang sa pila, napansin ko na siya. Kaso mukha siyang masungit eh... Yung mga tipong bad boy sa mga pelikula. Yung parang dinedescribe na bad boy sa Good Girls Go Bad ng Cobra Starship. Ayun, sakto.
Hay nako. Crush ko na yata siya. Na-"love-at-first-sight" ako sa kanya eh. Pero syempre, hindi naman niya ako napapansin. Diba nga, ordinaryong estudyante lang ako.
Sino ba siya para mapansin ang isang babaeng katulad ko?
Isa pa, kitang-kita ko naman sa reaksyon ng karamihan ng mga babaeng kaklase ko nung tinawag pangalan niya eh. Nagkadaldalan saglit sa room.
"Crush ko na yan! Wag ka maingay ah."
"Hindi, akin yan!"
O kung hindi naman ganon,
"Swerte naman nating kaklase natin siya."
Mga halimbawa lang yan ng mga narinig ko sa mga babaeng malapit sakin o sa mga di hamak na malalakas ang boses. Syempre, sa loob-loob ko, nasabi ko na rin yan. Gwapo naman nga kasi siya talaga.
Kaya alam ko, magkakaroon ako ng madaming kaagaw diyan. Kung sa room pa nga lang eh ang dami na, pano pa kaya sa campus - pati na rin sa labas ng campus?
Bahala kayo dyan. Habang nagkakandarapa kayo kay Anthony, mauna lang kayo. Baka sakaling pag nagsawa na kayo sa kanya, ako naman ang matitirang matibay.
Pag heartthrob nga naman kasi. Alam mo na, mahirap.
Hindi ko na namalayang nasa girls na pala si Ma'am Pascual. Hay nako, masyado ko nanamang iniisip si Anthony.
"Marcelo, Alyssa Mae?"
"Present."
Potek. Eto na naman ako. Tumingin silang lahat sa akin, nakakahiya naman.
Oo nga pala... Nakalimutan kong ipakilala sarili ko.
Ayun, Alyssa Marcelo nga ang pangalan ko. Ano bang alam niyo tungkol sa akin?
Una, normal lang ako. Pangalawa, hindi choosy. Pangatlo, malabo mata. Pangapat, may crush kay Anthony.
Syempre, nabanggit ko na yun kanina diba?
Sa itsura ko... Maputi naman ako. May pagka-chinita, at hanggang balikat ang buhok ko. Kaso hindi naman yata ako matatawag na maganda eh. Di ko nga alam kung may nagkakagusto o nagkagusto na sa akin, kasi hindi ko naman kayang magtanong if ever. Wala din namang nakakarating sakin na mga balita, edi wala.
Basta, hindi ako ganong kamasayahin at kafriendly di tulad ng ibang tao diyan. Minsan naman, inaakala ng iba na mataray o masungit daw ako sa unang tinginan. Pero kapag nakilala mo na ako nang mabuti, dun na lalabas ang totoong ugali ko. Mahiyain nga ako diba?
Pero may pagkalandi din ako enu. Kasi nung tumingin sakin mga kaklase ko nung tinawag pangalan ko, ang una kong tinignan ay si Anthony. Nasa may harapan ko lang naman siya eh - sa may right side, kaya madali lang... Kaso hindi naman siya tumingin sakin eh. How sad.
Malapit nang matapos si Ma'am sa attendance nang biglang may kumatok sa pinto...
"Good morning, Mrs. Pascual. Sorry po kung nalate ako."
"What's your name, please?"
"Jeremy Diaz."
"Jeremy Martin Diaz?"
"Yes, Ma'am."
"Ok. You may go in. Don't be late next time."
In fairness, gwapo din yung Jeremy Diaz na bagong pasok sa room.
Baka nga kung mas nauna ko siyang nakita...
Joke lang! Hindi naman... kay Anthony parin siguro ang bagsak ko nito.
Pero may something na kakaiba tungkol sa kanya eh. Hindi ko nga lang masabi kung ano, pero nararamdaman ko talagang meron...
Buti nga pinapasok pa siya ng guard sa baba, o kahit nga si Ma'am eh. Alam ko kasi strikto yung school namin kapag late ang isang estudyante. Siguro dahil first day... pinagbigyan nalang sila.
Nung pumasok siya ng room, medyo dumaldal na naman ang mga babaeng kaklase ko. Andami ko nanamang narinig sa kanila.
"Gwapo din niya."
"Mas gwapo kaya si Anthony."
Grabe. Ang landi din nila enu? Hay nako, ganyan talaga siguro sa high school.
Dahil nalate si Jeremy, umupo nalang siya dun sa mga natitirang bakante dun. Umupo siya sa may fourth row, sa tabi ng kaklase naming babae na si Elena Vargas.
Sino ba 'tong si Elena Vargas? Siya nga yata yung pinakamagandang babae sa room eh. May magkamestiza siya - maputi at maganda. Kaso mukha rin siyang tahimik na babae. Ewan ko lang pag tumagal na...
Kinaiinggitan nga siya ng ibang kaklase kong babae dahil sa kanya tumabi si Jeremy kahit may iba pa namang upuan sa room na bakante. Ayon lang naman iyon sa mga narinig ko sa mga tabi-tabi ko ah.
Hindi kaya ako kasama sa kanila. Si Anthony ang laman ng puso ko...
Hay nako, mapapansin niya kaya ako?
BINABASA MO ANG
She will be Loved || ON-HOLD
Fiksi RemajaHe was everything she could ever want, but could she be everything he could ever want as well? I don't know yet.