Chapter 15

113 7 3
                                    

CHAPTER 15

Isang taon na naman ang lumipas, ilang buwan nalang ang natitira at makakaraos na rin ako sa unang taon ko sa science high school na 'to.

CRRRRRRRRRNG!

Ba't parang naranasan ko na 'to dati?

Ay, oo nga pala! Halos ganito rin ang naramdaman ko nung first day ko.

Hay nako, kawawa naman ako noon. Walang kamalay-malay sa lahat ng hinanakit na maidudulot sakin ng isang lalaking nakilala ko nung araw na iyon.

Tumingin ako sa paligid... nakita ko agad si Anthony nakaupo sa may likuran. Hindi ko namang maiwasang di mapansin si Elena at si Jeremy sa isang tabi. Nakakainggit naman sila tignan... Sana ganyan nalang din kami ni Anthony.

MAGFOCUS KA NGA ALYSSA! Wag mong iisipin si Anthony. Diba nga kakalimutan mo na siya?

“Good morning, Newton!”

Ay teka, dumating na si Ma'am Marjorie. Hmm, ano kaya meron para sa araw na ito? As usual, kwentuhan tungkol sa bakasyon. Nakakawalang gana! Wala naman kasing masayang nangyari sa bakasyon ko dahil sa isang taong yon!

ANO BA? Akala ko mag-momoveon ka na, eh ang bitter mo parin!

Nagugulantang ang isip ko araw-araw eh. Lagi nalang silang di nagkakasundo ng puso ko. Hindi ko talaga alam kung anong susundin ko. Basta, bahala na si Lord kung ano man ang mangyari.

"Newton, dahil sa bagong taon at bagong quarter na tayo... Iibahin ko na ang seating arrangement niyo."

Aw shet. Kinabahan ako bigla doon ha, ewan ko bakit. Every quarter nga naman kasi, nagpapalit talaga kami ng upuan. Pero bakit ngayon lang ako kinabahan ng ganito?

Sana nga hindi na ako ilipat ni Ma'am, gusto ko na sa dating pwesto ko. Malapit sa blackboard, nasa gitnang grupo at hindi masyado ganong kainit. Sana talaga hindi na ako ilipat!

Hindi ako ililipat. Hindi ako ililipat. Hindi ako ililipat. Hindi ako ililipat. Hindi ako ilili----

"Ms. Marcelo, sa tabi ni Arnaiz"

"Ha??" ANO RAW?!?!?! Tama ba ang narinig ko? Hindi maaari yon!

"Sa tabi ni Arnaiz."

"Ma'am, hindi ko po makita doon!" Ayoko talaga! Mag-momoveon nga ako diba?!?! Paulit-ulit na ako dito ah.

"Hindi! Dyan ka, lapit ka nalang pag hindi mo makita."

Wala naman akong magawa kundi sumunod nalang. Hindi naman kasi totoo na hindi ako makakita doon, sadyang ayoko lang sa pwesto na yon. Pero aaminin ko naman na gusto ko rin syang tabihan. Napatingin ako sa mga kaibigan ko, at doon pa lamang, nababasa ko na ang mga laman ng utak nila.

Edi ayun, ang tahimik tuloy. Hindi niya ako man lang kinakausap! Hindi ko rin naman siya kinakausap eh. Alam niya na siguro kung gano ako patay na patay sa kanya. Tutal, sila na yata ni Katrina eh, mas lalo niya na akong iiwasan ngayon.

Potek. Hindi ko siya unang kakausapin! Ang sakit kaya ng ginawa niya sakin nun, bahala siyang unang kumausap sa akin. Maghihintay nalang ako…

HAY NAKO! Naghihintay lang yata ako sa wala! Hindi talaga kami nag-uusap! Kausap niya yung nasa right side niya, malamang ako ang nasa left. Kausap ko naman ang bespren kong nasa harapan ko lang.

“Kausapin mo na kasi siya.”

“Siya muna.”

“Eh pano kung hindi ka niya kausapin, edi hindi na kayo mag-uusap forever?”

“Ayoko nga! Basta, bahala siya sa buhay niya!”

“Sinong bahala sa buhay niya?”

“Echosero ah! Bakit ba---?”

Teka… parang kilala ko ang boses na yon ah, at hindi yon ang bespren ko! Pero imposible yung iniisip ko eh. Ang echosero naman kasi! Nakikisali sa usapan ng may usapan! Hindi ko na rin kasing napansin na napalakas ang boses ko nun. Oo, ako na bitter! Lumingon ako para makita kung sino…

Yun pala, tama ang hinala ko. Si Anthony nga!

Napahiya ako, grabe ang pamumula ko nun! Hindi ko na alam kung ano na ang sasabihin ko, natulala nalang ako sa kanya. Hindi mo lang kasi alam na ikaw yung tinutukoy ko!

“Wala, masama bang magtanong?”

“Hindi, at bakit ko naman sasabihin sayo kung sino man siya?”

IKAW! IKAW! IKAW! IKAW! IKAW! IKAAAAAAAAAAAAW!

“Basag siya oh. Geh, iwanan ko nalang kayong dalawang mag-usap diyan.”

Syempre gusto din naman ni bespren na mag-usap kaming dalawa. Basta, bahala na.

“Makapal rin mukha mo nuh?”

“Makapal na kung makapal, atleast sinasabi ko kung anong nararamdaman ko.”

Teka, NAGPAPATAMA KA BA? Hindi na ako makakibo, pero kung wala naman akong masabi edi mas lalo niya akong mahahalata nito. Pero wala talaga eh, alam niya na ba talaga yung nararamdaman ko? Baka kinapalan ko na mukha ko nung Dance Night! Ano bang gusto mo? Lapitan kita tapos sasabihin kong “HOY! Sayawin mo nga ako, mahal na mahal kasi kita eh. Pwede bang tayo nalang?” Ganon ba?!

“So, ako hindi? Kapal mo talaga, dre.”

“Bakit? Sige nga, sabihin mo nga kung bakit.”

Ito na talaga, hindi ko na kaya! Sabi ko na nga bang kakasuklaman ko yung lugar na ‘to eh! Nakakainis na talaga siya ha. Ewan ko ba kung nasasabi ko ‘to dahil bitter lang ako o talagang nakakairita lang siya. Nakatingin lang ako sa kanya, walang lumalalabas sa bibig ko.

“Oh, bakit wala kang masabi ngayon?”

Namumuro na talaga si Anthony! Alam kong gusto niya akong paaminin, ngayon ko lang siya nakita nang ganito. Baka nga napapansin niya yung mga GM ko, pero di lang siya kumikibo? May gusto talaga siyang mangyari kaya niya ‘to ginagawa. Hindi ko alam kung feeler lang ako, pero yun talaga nararamdaman ko.

"Uh, kasi..."

“Good morning, class!”

“Good morning, Ma’am!”

Buti nalang! Sa wakas, natapos din ang usapan namin dalawa. Pagkatapos nun, hindi na kami muling nagkibuan. Wala lang, parang wala ring nangyari kanina. Pero syempre, para sakin, hindi ko parin maalis sa isipan ko yun. Naiwan nalang akong natutulala buong araw, pinag-iisipan kung bakit ganon siya umasta kanina. Ano bang meron?

Pero kahit papano, kikilig parin ako sa kanya! Hindi ko mapigilan. Haaaay.

Nako, mukang mahihirapan ako nitong matupad yung New Year’s Resolution ko.

Baka ayaw lang talaga ni Lord na pasukuin pa ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She will be Loved || ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon