Chapter 12

124 6 6
                                    

CHAPTER 12

Nagpakasaya nalang ako sa mga sumunod pang banda. Walo pa kasi yon oh, alangan namang tumunganga lang ako dun eh wala na si Anthony sa stage. Alangan naman magdrama-drama ako doon? Edi paplastikin ko nalang sarili ko, ngingiti na parang wala akong narinig kanina.

Plastik naman ako eh... basta pagdating sa sarili ko.

Ang gaganda pa naman ng mga kanta sa BOB. Sasayangin ko ba dahil lang sa nararamdaman ko? Hindi diba.

Pero kahit anong gawin ko... hindi ko parin maiwasang isipin yung nangyari kay Anthony at Katrina after ng performance nila. Kinausap na yata ni Kat si Anthony eh. Hindi ko pa siya nakikita doon sa may fountain, unless nalang kung lumipat siya ng tinatambay dahil nga sa nangyari kanina. Ang kapal naman niya kung ganon yung gagawin niya! Hindi nga siya dapat mahiya dun eh. Unless nalang kung nahihiya siya dahil pinaabot niya pa sa ganong level si Anthony.

Hindi ko rin naman nakikita pa si Anthony pagkatapos nun. Yung iba niyang kabanda, nakita ko na... pero siya hindi pa talaga.

Baka... magkasama sila ngayon?

Wag na nga lang. Ayokong damdamin yan ngayon. May Dance Night pa.

Aw. May Dance Night pa pala mamaya... Malamang masasaktan nanaman ako nito. Halata naman kanina kung sino yung mahal ni Anthony diba? Sasayawin kaya ako niyan, eh syempre faithful siya ngayon kay Katrina? Siya lang naman ang gusto kong makasayaw eh. Kahit pa kung sinong gwapo ang sumayaw sakin niyan, di parin magiging kumpleto ang araw ko dahil hindi sila si Anthony.

Tska nga pala Alyssa, imposible namang may sasayaw sayong gwapo nuh. Hindi pa nga gumagabi, nananaginip ka na agad. Tsk tsk.

Ok, back to reality. Malapit na matapos yung BOB. Yung nagpeperform ngayon, sila na yung huling banda for the event. Yung pineperform na rin nila ngayon ay ang last song na. Nakakarelate pa naman ako dun.

The sun is breaking in your eyes

To start a new day.

This broken heart can still survive

With a touch of your grace.

Shadows fade into the light.

I am by your side,

Where love will find you.

"What About Now" ng Daughtry naman yon. Isa nanaman sa mga napakaraming kanta ko para kay Anthony. Haha, para sa isang mahiyain at tahimik na tulad ko, music lang talaga ang paraan para maglabas ng nararamdaman. Tignan mo nga naman oh. From A-Z, may kanta yata ako para kay Anthony eh! Hahaha. Hindi naman siguro, pero you get the point.

What about now?

What about today?

What if you're making me all that I was meant to be?

What if our love, it never went away?

What if it's lost behind words we could never find?

Baby, before it's too late,

What about now?

Now that we're here,

Now that we've come this far,

Just hold on.

There is nothing to fear,

For I am right beside you.

For all my life,

I am yours.

She will be Loved || ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon