Chapter 5

69 5 3
                                    

CHAPTER 5

"10:57:45am camedina_xoxo23: psst !! alyssaaaa .. :D"

Pagising na pagising ko sa umaga, yan agad ang bumungad sakin. Wow ah. Anong akala nya, 24-7 akong online? Hindi naman yata ako robot niyan.

Hindi naman sa plastik ako ah... pero sadyang nakakaloka lang 'tong babaeng 'to.

"paupersprincess: Oh bakit? :P"

"camedina_xoxo23: naka-chat ko siya !! :"">"

So, anong pake ko? Hahahahaha. Joke lang naman. Peace out.

­­"paupersprincess: Oh? Kelan?"

"camedina_xoxo23: khapon .. kgbe .. knina po .. :x"

Mauunahan niya na talaga ako! Hindi ko pa nga nakakachat si Anthony kahit isang beses eh. Ouch... Kasalanan mo yan, Alyssa! Ikaw gumagawa ng sariling sakit mo.

"paupersprincess: Good to know. :) Siya unang nagchat? /:)"

"camedina_xoxo23: hndi .. ako po !! :D"

Wew. Onga naman pala... sakin unang nag-PM si Anthony, sayo hindi. Wahahahahaha!

"paupersprincess: Lakas mo naman. Ano nman npag-usapan nyo?"

"camedina_xoxo23: dme ehh .. school, labblyf, buhay .. yon !"

LABBLYF?!?!

Este, lovelife??? Inamin niya na kaya kay Anthony na may gusto siya sa kanya? Marunong din yata 'tong dumiskarte eh, pero may feeling lang ako na may sabit parin. Not being negative and all... pero yun yung feeling ko eh.

"paupersprincess: Teka... umamin ka na?"

"camedina_xoxo23: di pa nuh .. :) pero gs2 ko sana !!"

"camedina_xoxo23: baka maunahan pa ako ng ibang tao dyan e .."

Buti alam mo! May nakabantay yata dito kay Anthony na umaaligid lang...

AY teka lang... alam nya na kaya na may gusto din ako kay Anthony kaya nagpaparinig siya?

"paupersprincess: At sino naman?"

"camedina_xoxo23: dami kaya !!"

"paupersprincess: Hindi, meron ka bang kilala na may gusto sa kanya?"

"camedina_xoxo23: madami nga po .."

"camedina_xoxo23: tpos may mahal siya eh .. =(("

SINO?!?!?! OHMAYGASH. Taken na pala puso ni Anthony tapos hindi ko alam! Naturingan akong nakabantay pero wala akong alam dun!

"paupersprincess: Inlove na pala yon?"

"paupersprincess: Kilala mo ba kung sino? :|"

"camedina_xoxo23: ahm .. hindi po eh !!"

"camedina_xoxo23: kinukulit ko kaso ayaw eh .."

Hindi kaya... si Camille yung tinutukoy niyang mahal niya kaya ayaw niyang sabihin sa kanya? Hindi pwede yon! Natulala na lang ako sa screen ng laptop ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko pagkatapos. Baka kasi masaktan lang ako nito sa susunod kong mga galaw.

"camedina_xoxo23: sa tingin nyo .. sino kaya ??"

"paupersprincess: Hindi ko alam e. Wala ba siyang sinabing iba?"

"camedina_xoxo23: ahm .. meron po"

"camedina_xoxo23: maganda daw .."

"camedina_xoxo23: freshman din .."

"camedina_xoxo23: hindi pa nya ganong nakikilala .."

Baka nga si Camille talaga yon? Maganda, check. Freshman, check. Hindi pa niya ganong nakikilala, check. Eh ako? Sa maganda palang, wala na.

"paupersprincess: Baka ikaw?"

"camedina_xoxo23: weh ?! imposible nmn .."

"paupersprincess: Ayaw mo?"

"camedina_xoxo23: eh ? sadyang imposible lang .."

"paupersprincess: Check ka naman sa tatlong yon a?"

"camedina_xoxo23: anu naman ?? di pa nga nya yta ako kilala sa personal e .."

"paupersprincess: Kaya nga! Hindi pa niya ganong nakikilala."

"camedina_xoxo23: onga nuh !! :D waaaaaah .. :">"

"camedina_xoxo23: ayy .. out muna ako .. lunch lng. :)"

"camedina_xoxo23: update mko ah !!"

"paupersprincess: Ge lang."

Wew. Sa wakas, nakatakas na rin sa kanya. Oo, alam kong kasalanan ko 'to dahil pumayag ako maging tulay. Tignan mo, ang sakit na dahil parang inaapak-apakan niya ako. Pag hindi ko na kaya 'to, dadalhin ko talaga siya sa may Guadalupe para makahanap siya ng mga totoong tulay doon! Mag-oout na sana ako, nang biglang...

"anthony_arnaiz19: Alyssa!"

Uy! Nananaginip ba ako? Tama ba 'tong nakikita ko na chinat ako ni Anthony Michael Arnaiz? Tinignan ko ulit yung message... at tama nga! SA WAKAS, makakachat ko na rin siya, at siya ang unang nagchat hindi ako!

"paupersprincess: Anthony! :)"

"anthony_arnaiz19: Hindi ka na sumagot sa PM ko kahapon.."

"paupersprincess: Sorry naman... Hindi na ako nag-OL e. Bakit ba?"

"anthony_arnaiz19: Wala lang. :)"

"anthony_arnaiz19: Musta ka nman?"

Nakakakilig namaaaan! Tinatanong ako ni Anthony kung kamusta na ako. Wow, baka nananaginip lang ako nito. Si Anthony ba 'tong kausap ko??

"paupersprincess: Ok lang. Ikaw?"

"anthony_arnaiz19: Ganon dn. Haha"

"anthony_arnaiz19: Busy ka ba?"

"paupersprincess: Hindi pa naman, mamaya oo."

"anthony_arnaiz19: Ano ba mga test bukas?"

"paupersprincess: GenSci, AP, English, MAPEH."

"anthony_arnaiz19: Ah, ganon ba?"

"anthony_arnaiz19: Sige... next time nalang. Baka maistorbo pa kita."

Si Anthony ba talaga 'tong kausap ko?! Hindi kaya poser account 'to? Sumosobra na siya eh, masyado niya na akong pinapakilig! Concerned siya sakin. WAAAH, di ko na kaya 'to!

"paupersprincess: Hindi, ayos lang yon sakin. :)"

"anthony_arnaiz19: Kilala mo ba si Camille Medina?"

"paupersprincess: Bakit, crush mo siguro nuh?"

"anthony_arnaiz19: Hindi. Wala lang, lagi kasi akong chinachat."

"paupersprincess: Sige. Out na rin ako."

"anthony_arnaiz19: Ge. Goodluck. :)"

"paupersprincess signed out"

Mali pala ako... hindi yata si Camille yung crush ni Anthony eh. Unless nalang kung sobrang torpe nito ni Anthony at hinihintay niya lang palagi si Camille para ichat siya. Madami namang posible eh. Madami din naman yung maganda sa batch namin na hindi pa niya masyadong nakikilala.

Pero kahit na ganon, kilig na kilig parin ako kay Anthony! Ayoko ko pa ngang mag-offline eh, gusto ko pa siyang makachat. Sandali lang kami nakapag-usap, pero masaya na ako doon! Pwede ba ako nalang crush niya? Parang ang sarap niyang mahalin eh.

Kaso hindi. Kung imposible na kay Camille, mas lalo naman sakin!

Pero... sino kaya yung maswerteng babaeng yon?

She will be Loved || ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon