Chapter 11

165 5 17
                                    

CHAPTER 11

Akala ko late na ako! Hindi pa pala, nagkaproblema sila sa pagset-up kaya hindi pa nagsisimula pagkadating namin sa school. Ang galing, sumakto pa! Tumatakbo na nga kami ng mga friends ko nun eh.

"Alyssa, sabi mo nagstart na. Hindi pa naman ah!"

"Ok lang yon! Buti nga hindi pa nag-iistart eh."

"May crush ka sigurong tutugtog nuh?!"

"Wala ah! Baka music lover ako?"

"Sige na nga. Sabi mo eh."

Sige na, si Anthony lang naman talaga ang bisita ko dito. Kung hindi siya tutugtog, edi nasa Powerplant pa kami nito. Baka malakas siya sakin?

Tapos nalaman ko na 2nd band silang tutugtog. Malamang, alangan namang magtutula siya dun. Nakalagay kasi sa bulletin board sa may gate yung sequence ng mga banda. "Fatal Romance" yung pangalan nung kanila. Andun din yung band picture nila oh. Ang gwapo nya talagaaaa! Siya na ang pinakagwapong makikita ko sa stage mamaya.

Nakalagay din doon na dapat pala dalawang kanta yung ipeperform ng bawat banda at pati na rin ang criteria. Sila na bahala kung anong genre o kung gagawan ba nila ng cover o hindi ang isang kanta. Pagalingan nalang ng boses at diskarte 'to.

Wow, so ibig sabihing kay Anthony nakasalalay ang banda nila? Uhm, parang ganon na nga. Basta, excited na akong mapanuod siya!

Pumunta na agad kami sa grounds, tapos umupo kami sa masasabing "front row" doon. Syempre, gusto kong makita nang malapitan si Anthony one and only ko! Sa totoo lang, nakisingit nalang kami doon. Ganito kasi yon: kung fully occupied na yung front row, edi gumawa ng bagong front row! Nako... mga nagagawa nga naman para sa pag-ibig.

Edi nagstart na. Magaling yung unang banda, first song palang eh sulit ka na sa kanila! Puro pa sila babae. Astigin nga eh! Iba talaga tingin ko sa banda pag puro babae sila dun. Hindi naman sa discrimination at dahil sa babae rin ako, pero kadalasan na kasi yung mga boy bands. Tapos bihira ka lang nakakakita ng babaeng magaling sa drums, piano o kahit guitar. Ang astig talaga! Nakakaelibs silang panuorin. Yung naiinggit ka... kasi tulog ka nung sumabog sa mundo ang musical talent. Ang naabutan mo lang ay musical appreciation. Ginusto ko nga namang matuto, lalo na yung gitara... Pero ayaw niya sakin eh. Hindi ako mahal ni gitara, ako lang nagmamahal sa kanya. Edi wag! Kung meant para sa akin ang tumugtog, edi matututunan ko rin yan someday.

Wew. Ang lakas talaga nung unang banda! Hindi ako maka-getover sa kanila.

Pero mas lalo pa pala akong hindi makakaget-over sa susunod, dahil sila Anthony naaaaa!

Nung lumabas palang si Anthony eh... ang lakas na agad ng sigawan ng mga babae. Kinuha niya na yung mic at siya rin pala ang mag-iintroduce sa banda nila. Walang duda, perfect na agad sila sa audience impact!

"Kami ang Fatal Romance. Hindi naman kami magkakalat dito, so ayun. Ang first song namin pala... ay dinededicate ko sa isang espesyal na babae sa puso ko. Mamaya malalaman niyo ring lahat iyon. Salamat."

Grabe. Nagtilian yung mga estudyanteng nasa school nung sinabi niya yun... Syempre, ang feeler ng dating nilang lahat. Eh ganon talaga, baka si Anthony yan. Nakakakilig naman kasi rin kung gagawin yun sayo ng isang lalaki... tapos gwapo pa! Nakiki-"Go Anthony!" nalang ako sa mga ibang tao doon, pero sa totoo lang gusto ko nang isigaw "I love you Anthony!!!". Pero may nauna na sakin eh, este, may mga nauna na sakin. As if namang masasabi ko diba?

Leshe, ang ganda pa ng kakantahin nila. Favorite song ko yata yan! Yung Always Be My Baby ni David Cook.

We were as one babe,

She will be Loved || ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon