Chapter 10

119 4 10
                                    

CHAPTER 10

Siguro may napapansin ka na sa kwento ko... Kung bakit ang bilis lumipas ang oras? Nasabi ko naman dati, walang nangyayaring bago sa buhay ko. Kaso hindi lang yon ang dahilan, balang araw... malalaman mo rin yan.

Di tulad ng kwento ko, mabagalang pangyayari ang makekwento ko tungkol sa araw na 'to. Pano ba naman kasi, may tatlong events ang mangyayari ngayon.

Una, yung Christmas Party namin. Tapos, may Battle of the Bands. Last part na yung Dance Night.

Malamang familiar na kayo sa naunang dalawa. Yung Dance Night, para siyang Prom na casual. At dahil first experience ko ngayon, excited na ako.

Pero mamaya na yon... mag-Christmas Party muna tayo!

Maaga akong dumating sa school. Hindi namang halatang excited ako diba? Haha. Dumiretso na ako agad sa room namin sa 3rd floor. Marami din naman palang napaaga ang pasok, lalo sa mga kaklase ko. Grabe, ang gagarbo naman ng mga suot ng mga kaklase kong babae! Karamihan sa kanila, puro naka-bestida o naka-makeup. Eh samantalang ako, simpleng t-shirt lang at pantalon ayos na. Feeling ko tuloy OP ako sa kanila. Di bale, hindi ko naman sila mga katropa.

Konti nga lang dala kong mga regalo di tulad ng iba. Para lang naman kasi sa mga close friends ko, adviser at mga ibang teacher na gusto ko.

Aba, syempre... hindi ko siya nakalimutan.

May regalo si Anthony galing sakin. Tatlong panyo lang naman laman nun. Para "I Love You" ba? Haha, hindi rin. Gusto ko lang na tatlo. Natatakot nga ako baka kasi hindi niya magustuhan kasi ganon lang... Tandaan mo Anthony, galing sa puso ko yan!

Kahit naman hindi niya ako bibigyan ng regalo, ok lang sakin. Alam ko naman na hindi niya ako bibigyan kasi hindi kami ganong kaclose di tulad ng iba niyang mga kaibigan. Ang importante lang naman sakin ay mabigyan ko siya. Para ba naman malaman niya na naaalala ko siya ngayong Pasko.

Kaso... hindi ko pa alam kung paano ko ibibigay sa kanya yung regalo ko. Simpleng abot lang ba? O di kaya, kakausapin ko muna bago ko ibigay?

Tinry ko siyang nahanapin baka kasi dumating na pala siya, hindi ko lang alam. Pero wala. Late siguro darating yon, atleast mas marami pa akong oras para pag-isipan kung paano ko ibibigay. Alam ko, masyado akong OA.

Pagkatapos ng ilang minuto, nabigay ko na lahat ng regalo ko... except yung kanya. Kasi hindi pa siya dumarating.

Nagstart na yung program namin sa room, wala pa rin siya. Nagtataka tuloy ako kung aattend pa ba yon ng Christmas Party namin. Kaso imposible naman yata kung hindi.

Nakatingin lang ako sa oras habang nagsasalita yung class president namin. Tas biglang may dumating sa pinto.

Akala ko siya na! Pero hindi, si Jeremy lang pala. Nakalimutan ko... mahilig din 'to magpalate kung minsan.

Ang tagal naman ni Anthony... baka masira tuloy ang diskarte ko nyan. Yun pa talaga naiisip ko! Pero kasi, alam mo naman ugali ko kapag kaharap ko na siya diba?

Nagmumuka akong ewan - ayoko pang mabuking na crush ko siya!

Naka-tingin nanaman ako sa oras. Natapos na magsalita si president, wala pa rin siya. Nag-aalala na ako. Ano kaya nangyari dun??

Edi nagpalaro na sila. Pinoy Henyo yung unang laro. Hindi naman ako mahilig sumali sa mga ganyang laro, edi tumunganga parin ako sa orasan.

Hay nako... lagi nalang ba ako maghihintay para sayo?

Tapos, ayun na! Dumating na rin siya. Yehey! Sabi ko na nga ba hindi siya pwedeng hindi umattend. Ang gwapo pa niya, hindi lang simpleng t-shirt ang suot niya. Basta. Iba ang dating niya ngayon.

Kukunin ko na sana yung regalo niya nung biglang nagsalita ulit sa mic yung president namin.

"Anthony, dahil ikaw nalang ang hinihintay namin... sasali ka sa Pinoy Henyo."

Wala na kasing nagvovolunteer para sumali nun, tapos yung isa kong kaklase wala pang kapartner. Edi siya nalang daw. Ok lang naman yata sa kanya, for fun lang naman kasi.

O diba? Nasira diskarte ko. Di bale, hindi naman siya forever maglalaro eh.

Sila yung unang pair na naglaro. Si Anthony yung taga-hula. Kaso hindi pa niya nakuha! Madali na nga lang hindi pa niya nakuha. Ang napunta kasing word sa kanila ay yung pangalan ng principal namin. Eto na, moment of truth na - ibibigay ko na sa kanya. Bahala na nga lang.

"Anthony, ito nga pala oh."

"Thank you."

"Welcome. Tanong lang, bakit ka nalate?"

"Uh, may dinaanan lang muna. Sige, salamat ulit ha."

Baka dahil kay Katrina nanaman yon. Pero... akala ko ba... Ewan, eto nanaman si babaeng OA. Wala pa akong naririnig na balita kung ano man ang nangyari na sa kanila tapos nagrereact na agad ako.

Nagtataka nga lang ako kung bakit parang nagmamadali siyang makipag-usap sa akin, hindi na nga siya late sa party namin kasi andito na siya! Parang ayaw niya ba? Ang hirap nga naman ng sitwasyon ko sa kanya oh. Pero kahit papano, kinilig naman ako kahit ganon lang ang usapan namin.

After ng lahat ng palaro, intermission numbers at bigayan ng exchange gift, nagkaroon na kami ng awarding. Sila-sila lang naman yon eh. Nakita ko na kaya yung mga certificates bago pa magstart yung party sa isang close friend ko na nagprint ng mga yon. As usual, wala doon yung pangalan ko. Si Anthony, nanalo siya ng "Most Worthy Award" pati "Mr. Crush-ng-Bayan". Hindi naman sila nagkamali doon. Minor awards nalang yung iba eh, tapos yung iba naman parang napagtripan lang. Ay teka, meron pa pala! Yung nanalong "Mr. and Ms. Newton" ay si Jeremy at Elena. Sino pa ba? Sila lang naman yata yung loveteam na pinaka pinag-uusapan sa klase namin. Ayun.

Ang boring nga naman ng party namin. Hindi naman ako sumasali sa mga palaro nila. The whole time, nakaupo lang ako. Nagpapaka-vain at nakikipagkwentuhan nalang ako kasama ang mga kaibigan ko. Yun lang. Ang boring ng buhay ko. Wala naman kasi akong talent para magperform. Mahilig lang ako magsulat, eh pwede ba yon sa Christmas Party? Hindi. Marunong akong kumanta, kaso sintonado. Marunong akong sumayaw, kaso matigas naman galaw ng katawan ko. Marunong ako magpatawa, pero corny. Marunong akong umarte, hindi nga lang convincing. Ano pa ba magagawa ko? Edi manuod, kumain at magsaya.

At ganon lang ang ginawa ko hanggang matapos ang Party namin.

Pagkatapos... pumunta na kami sa mall malapit lang sa school namin para gumala saglit. Dito lang naman ang bagsak namin tuwing may okasyon o stipend eh. Walking distance lang naman kasi. Hindi na kami kumain kasi nabusog na kami sa mga kinain namin kanina. Naghanap lang kami ng mga mapagpipicturan tapos tumambay sa Fully Booked.

Ilang oras nalang... Battle of the Bands na!

Oo nga pala, ngayon ko lang nabanggit... May banda kasi si Anthony. Kasama niya sa banda yung mga higher years eh. 3rd year yung sa lead guitarist pati bass, 2nd year yung sa piano tapos 4th year sa drums. Si Anthony? Siya lang naman yung lead vocalist nila. Astig niya talaga kahit kelan. Ang gagaling din nga ng mga kabanda niya eh. Feeling ko, sila siguro mananalo ngayong year. Alam ko nga, lagi silang nagpapractice sa bahay nung lead guitarist nila araw-araw after class last week.

Hindi ako dapat malalate doon! Susuportahan ko pa kasi ang mahal ko.

She will be Loved || ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon