Chapter 13

95 3 6
                                    

CHAPTER 13

Kahit papano masakit saking marinig yon...

Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ng babaeng yon ang mahal ko o hindi! Syempre, ayokong pinaglalaruan siya nuh. Kung hindi man siya sakin mapupunta sa huli, gusto ko yung makakatuluyan nya matino. Hindi sa isang malanding babaeng bruha!

Oo na, OA nanaman ako. Pero wala akong pakialam!

Tumahimik nalang ako at kumain. Iniiwasan ko nalang na may marinig pa ako sa mga kaibigan niya at pati narin kay Katrina mismo. Kung may marinig man ako, kasalanan na nila yon dahil ang lalakas ng boses nila!

Teka... hindi ako galit ah? Naiinis lang naman.

"Hoy! Ano ba?"

"Bakit nanaman?"

"Ayan ka nanaman eh! Tulala."

"Bakit ba? Nag-iisip lang ako."

Ang sinungaling na talaga ng dating ko sa mga kaibigan ko... Hindi rin naman sila nagtatanong kung totoo ba sinasabi ko eh. Ibig sabihin, convincing! Hindi naman ako nakokonsensya sa ginagawa ko. Basta kapag nagtanong sila kung nagsisinungaling ba ako at hindi ako umamin, doon na ako magiguilty sa kanila. Hindi pa naman nangyayari yon, kaya safe pa ako.

"May crush ka nuh?"

"Ha? Hindi ah. Uh, wala talaga."

"Sinungaling ka 'teh! Halata ka na."

Awsh*t. I stand corrected na pala. Pero hindi, hindi parin nila ako mapapaamin ngayon! Lalo na dahil andyan lang si Katrina sa paligid, baka marinig nila.

"Anong halata?"

"Crush mo si Kuya Gwapo!"

"Kaya pala nagmamadali kang manuod ng BOB, tas ngayon napapaisip ka kung paano mo siya makakasayaw dahil sa ginawa niya kanina!"

"Hindi kaya! Maraming bagay naman ang pwedeng pag-isipan ah? Tska sa lahat ng lalaki, siya pa naisip niyo? Never akong magkakacrush sa taong taken na nuh!"

Wew. Kaya ko 'to. Ang dating kasi sakin ng dalawang kaibigan ko, eh parang nasa korte - ang daming tanong at pambara. Basta't hindi ako pumalpak, matatakasan ko 'to.

Magaling ako sa mga ganito! Pwede na ako maging lawyer, kaso hindi ko trip eh. Lagi ko kayang napapanalo yung team namin kapag may debate sa usapan...

But maybe except this debate.

Sa debate kasi... dapat consistent ang sinasabi mo kundi matatalo ka. Sa kaso kong ito, may nasabi akong hindi ko dapat sinabi. Nawala na sa isip ko.

"Eh diba kakaagree mo lang kanina na hindi pa siya taken?"

"Umamin ka na kasi. Bestfriends mo naman kami ah?"

"Ok. Fine. Edi crush ko siya. Masaya na kayo?"

"Oo, malamang. Hindi ka naman nag-iisa eh, ba't kailangang itago?"

"Eh, bakit ba?! Kaya dapat itago niyo rin."

Wala na akong choice eh. Bahala nalang kung anong mangyayari.

"Akala ko imposibleng magkagusto ka dun kaya di ko nalang pinansin hinala ko."

"Ba't naman?"

"Parang hindi mo naman type mga heartthrob eh."

"Sus. Basta gwapo, may sense of humor at marunong tumugtog. Parang di nyo ako kilala ah?"

Grabe. Ngayon ko lang napansing sakto pala si Anthony sa ideal crush ko. Ang galing naman, baka siya na nga ang magiging destiny ko. Baka kami yung magkakatuluyan sa dulo tapos happily ever after na. Siguro noong una ko palang siya nakita, eh may force nang nag-attract saming dalawa. Este, sakin palang pala. Kasi siya nga ang destiny ko! Nung first day hindi ko naman alam na magaling kumanta at mag-gitara yon ah? Instinct nalang yon ng puso ko!

She will be Loved || ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon