Chapter 3*

94 4 3
                                    

CHAPTER 3

Naninibago parin ako dito. Minsan nga, parang nawawala parin sa isip ko na high school na pala ako. Grabe, dito talaga ako matututong maging baliw.

Konti palang parin ang nagiging kaibigan ko sa Newton. Nahihirapan nga ako makipagclose sa kanila eh. Hindi ako marunong maki-ride sa mga trip nila. Tahimik lang kasi ako diba? Tapos sila, mga akala mong naka-unli kung maka-salita. HALOS lahat sa kanila.

Pero higit sa lahat, isa lang naman ang pinaka-target kong maging close sa Newton nuh!

Aba, sino pa ba?

Edi nagkaroon ako ng plano, syempre. Alam mo yung mga papel na pinapasa-pasa sa klase para sa YM at Friendster? YUN!

Weeeeell, para-paraan din kasi yan. ;)

Syempre, sisiguraduhin kong makakasulat si Anthony sa papel na yon! Kung gusto mo nga, siya pa yung una kong pasulatin dun eh.

Hahahaha, kung kaya ko ba, edi yon na yung ginawa ko! Wala nang paligoy-ligoy, dapat tinanong ko na si Anthony kung ano yung YM at cellphone number niya.

Edi ayun nga. Sinulat ko "NAME" tapos "Cellphone No." tapos "YM/Friendster" naman sa dulo. Tapos sa taas nakalagay, "Pakibalik nalang kay Alyssa Marcelo. Salamat! Eto YM ko: paupersprincess@y.c."

Sa katabi ko unang binigay, tapos pinasa-pasa na! Pare-parehas sila nang reaksyon pagkapasa sa kanila nung papel: titingin sa akin, o magtatanong kung sino ba si Alyssa Marcelo. Hay nako, pag di ka talaga pansinin o. Isang buwan na ang nakalipas, tapos hindi ka parin ganong kakilala?! Sabagay, ganon din naman ako sa iba kong kaklase na bihira kong makausap.

At umabot na rin tayo sa puntong magsusulat na si Anthony sa papel! Yehey, my plan is all coming into place now. Wahahahahaha! Este, hahahahaha. Nagmumuka tuloy akong may masamang balak dito eh.

Nakatitig lang ako sa kanyaa habang nagsusulat siya. Para sa kanya naman kasi talaga yon eh, sunod nalang yung mga kaklase ko if ever kailangan ko silang ma-contact. Siya kasi ang main priority ko diba! Echosera.

Tapos, pinasa niya na sa iba. Dapat pala siya nalang yung hinuli ko! Para siya sana yung mag-aabot sa akin pagkatapos niyang magsign! SAYANG.

Edi hindi ko na pinansin yung papel ulet. Tapos nanaman si Anthony eh, wala na akong iintindihin. Balik sa paggawa ng homework! (Oo, ngayon palang ako gagawa ng homework. Baet ko nuh?)

AY TEKA! Baliw rin ako nuh? Kailangan kong makita kung sino yung huling pipirma para malaman ko kung sino tatanungin ko kung hindi makabalik sa akin yung papel! Alangan namang paulitin ko yun sa kanila pag mawala nuh!

"Alyssa. Eto na pala oh."

"Salamat ah."

Si Jeremy pala yon! Siya yung huling nakapirma don sa papel. Wew, buti nalang siya rin. Basta gwapo! HAHAHAHA, joke lang.

"Sensya. Wala akong YM, Friendster palang."

"Ok lang yun."

"Add mo na ren, gagawan ko ren yon."

"Sige lang."

"Ge."

Ngayon ko nga lang yon nakausap eh, dahil lang dun sa papel. Hindi naman kasi siya ganong kadaldal o kakulit. Hindi rin naman siya close sa mga girls. Si Elena lang naman kasi yung kinakausap nun sa mga babae, na madalas ah.

Hay nako! Tama na nga yan. Atleast nakabalik yung papel. Tinignan ko agad yung mga pangalan nila, tapos ayun, yung kay Anthony!

"Anthony Arnaiz - 0917******* - anthony_arnaiz19@y.c."

Oucha. Globe pala siya! Nge, alam kong tao siya. Pero globe siya! Magkaiba kami ng networks! Oh well, magpapalit na rin naman ako kung ano naman ang major network dito sa school.

Tapos binilang ko rin kung ilan yung nagsign. 28 lang? 34 kami sa klase ah.

Bahala na nga! Basta ang importante, alam ko na ang personal info ni Anthony na kailangan ko!

Excited na akong makauwi para ma-add ko na sila sa contacts ko. Lalo na yung isa dyan!

Siya yung inuna kong i-add, tapos yung mga kakilala ko, tapos yung mga hindi. Ganon talaga! Hindi naman nila malalaman kung sino yung una at huli kong inadd diba?

Maya-maya, nagsi-datingan na yung mga confirmation ng pag-add ko sa kanila. Hinihintay ko lang kung kelan lalabas ang pangalan ni Anthony, tapos saka na ako maglalog-out. Wala namang homeworks eh, wala rin naman akong kachat edi log-out na ako.

Kaso may biglang nag-pop-up na di tulad ng ibang confirmation na kanina ko pang nakikita.

"Camille Medina (camedina_xoxo23) would like to add you in their contacts"

SINO 'TO?! Ngayon ko lang naencounter 'tong Camille Medina na 'to.

Pero inaccept ko nalang din... kung hindi ko siya schoolmate o kung kaladkarin type siya edi saka ko nalang idedelete!

Mag-oout na sana ako, nang biglang...

"camedina_xoxo23: hi po ! :D"

"paupersprincess: Hello din. :)"

Bigla ba naman akong chinat! Sino ba 'tong babaeng 'to? Stalker ba siya, at paano niya nalaman YM ko?

"camedina_xoxo23: musta ??"

"paupersprincess: Ok lang naman. Ikaw?"

"camedina_xoxo23: ganon din ! hehehe. :)"

"paupersprincess: Magschoolmate ba tayo?"

"camedina_xoxo23: hahaha opo !! anong section nyo po ba?"

Wew... basta alam ko nang di siya isang random person. Makiki-ride na nga lang muna ako dito, malay ko maging close pa kami nito sa personal. Malay ko rin, baka kabatch ko pala siya.

"paupersprincess: Newton. :)"

"camedina_xoxo23: nice !! einstein ako .. :)"

"camedina_xoxo23: batchmates pala tayo .. ^^"

"paupersprincess: Nga eh. :) Pano mo ba nakuha yung YM ko?"

"camedina_xoxo23: naghanap ako sa Friendster, tas ayun .. :P"

"paupersprincess: Hehe, nice meeting you. Sana maging close pa tayo. :)"

"camedina_xoxo23: hahaha !! tama .. :D"

"camedina_xoxo23: ay teka .. edi ibig sabihin kilala mo si anthony arnaiz ??"

Ako pa ang tinanong niya tungkol dyan ha! Si Anthony Arnaiz ba, yung mahal, este crush ko?? Tama, siya nga yon. At sino ba naman ang hindi makakapagkilala sa kanya diba? Baka Anthony Arnaiz yon!

"paupersprincess: Uhm, oo naman, kaklase ko siya."

"camedina_xoxo23: close po kayo nun ??"

"paupersprincess: Hindi, ayos lang. Bakit? :P"

"camedina_xoxo23: ahm, ate .. pwede pong favor ?? :D"

"paupersprincess: Uh, sure. Ano yun?"

"camedina_xoxo23: pwede po bang patulong ??"

"camedina_xoxo23: kung ok lang po sa inyo .. :D"

"paupersprincess: Oo naman. Saan ba kita matutulungan?"

"camedina_xoxo23: kay anthony po .."

"camedina_xoxo23: crush ko kasi siya eh .. :x"

ANO BA 'TONG GULONG NAPASOK KO.

She will be Loved || ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon