Chapter 9

121 4 11
                                    

CHAPTER 9

Hay.. eto nanaman tayo. 3rd quarter na, tapos wala paring nangyayari saking maganda. Ang bilis nga naman kasi ng 2nd quarter - tatlong buwang lang. Dedmahan kami forever ni Anthony sa school, at siya naman, forever pumoporma kay Katrina.

Nga pala... AP Month na sa school namin. Ibig sabihin, oras na para sa Mr. and Ms. UN ng Social Studies Department.

Oo, meron silang ganito dito. Bongga nga eh. Ito yung parang mga pageant na nakikita sa TV, yung may mga representative per countries sa bawat continent na members ng UN.

Ang sabi samin, ang bawat batch daw ay kailangan ng isang pair per section as representatives - at ngayon na ang araw para pumili kami.

"Newton, sinong gusto niyo para sa lalaki?"

Iba-iba sila ng sinabi eh. Pero halos dalawang pangalan lang ang nangibabaw sa kanila. Si Jeremy at si Anthony. Lagi naman sila eh, no offense sa mga iba kong kaklaseng lalaki, pero sila naman talaga ang pinipili ng klase. Sila pa yung sikat sa school, kaya malakas sila pagdating sa mga ganyan.

"Anthony, gusto mo ba?"

"Ok lang po... sino kasama sa Faraday?"

"Si Gab yata pati si Katrina"

"Sige Ma'am, ok lang sakin."

Wasak nanaman ako. Syempre, gusto lang naman ni Anthony sumali kapag involved si Katrina sa usapan! Yumuko nalang ako, kunwari nalang wala akong narinig. Iniisip ko nalang wala akong narinig na nakakasakit sakin. Kahit paulit-ulit na sumasagi sa isip ko yon.

"Sige, si Anthony na ha. Sa babae naman, sino?"

Eto nanaman ako, nangangarap. Gusto ko sana - pangarap ko kasing sumali sa mga ganito. Isa pang dahilan si Anthony, gusto ko siyang makapartner. Pero nahihiya naman akong magpresenta sa mga kaklase ko, dahil alam kong iba ang gusto nila. Nakakahiya naman kung tanggihan nila ako, kaya huwag nalang siguro..

Tapos ayun... Tama nga hinala ko. Naging unanimous kasi sila pagdating dito. Si Elena daw. Sino pa ba?

"Elena, ok lang din ba sayo?"

"Opo, Ma'am."

Alam ko namang hindi tatanggi si Elena sa mga ganitong bagay. Nahihiya lang din siya magsalitang gusto niya maging representative namin, kaso dahil naman sa mga kaibigan niya at sa ganda niya, kahit hindi na siya magsalita - sa kanya parin pupunta ang usapan. Diba tama ako? Bagay naman talaga sa kanya. Hindi tulad sakin.

Ang swerte naman ni Elena. Nililigawan na nga siya ng gwapo, makakapartner pa niya si Anthony sa Mr. and Ms. UN. Marami sigurong nagwiwish na maging si Elena ngayon. Kahit nga ako eh.

Ay teka, hindi naman si Jeremy ang habol ko dito ah... si Anthony!

Mas swerte parin si Katrina! Nasa kanya ang puso ni Anthony diba? Kahit ba si Elena ang makapartner niya sa Mr. and Ms. UN, hanggang doon lang yon.

Nakita ko na nga pala si Katrina nang personal! Aba, ginawa ko yung trabaho ko syempre! Nakalimutan ko palang ibanggit - magaling ako pagdating sa pag-iistalk.

Diba binigay ni Camille yung YM ni Kat kay Anthony? Hindi ko namang kayang kunin yun kay Camille. Kaya ako nalang ang kumuha nun mag-isa.

Hindi ko siya tinanong! Gumamit ako ng people finder. Nakita ko lahat ng mga accounts niya sa Internet, tas natrack ko yung email address niya. Ayun, nakuha ko na YM niya!

Oo, maganda nga siya...

Pero... Ano ba nagustuhan ni Anthony sa kanya?

Meron pa namang ibang babaeng mas maganda sa kanya sa campus, even outside the campus!

She will be Loved || ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon