CHAPTER 14
Ang sakit lang.
Ilang araw na ang lumipas, at papasok na ulit kami bukas - pero hindi ko parin makalimutan ang ginawa ni Anthony nung araw na yon.
Ang layo na ng kwento ko nuh?
Hindi rin. Pare-parehas lang naman kasi yung nangyayari araw-araw. Araw-araw na nag-eemote, araw-araw na tulala. Pasko pa naman, tapos ganyan ako... Minsan nga nagtataka na ang nanay ko kung bakit ako nagkakaganito. Tumatahimik lang ako at sinasabing wala akong problema. Gusto ko ngang sabihin, si Anthony lang ang dahilan. Siya lang talaga.
Araw-araw kong pinaplastik ang sarili ko na ok lang ang lahat. Pero kahit anong gawin ko, hindi talaga mababago ang sitwasyon ko.
Bakit ba kasi siya pa minahal ko?! Madami namang gwapo dyan sa paligid, bakit siya pa? Dun pa ako nahulog sa isang taong kailanman hindi magkakagusto sakin.
Puro nalang sugat ang inaabot ng puso ko. Araw-araw lang nadadagdagan, o kung hindi man, lumalala. Kung literal ngang nagkasugat ang puso ko, malamang na-comatose na ako nito sa ospital. Matagal na.
Kung sino ba naman kasi ang nagbibigay ng sugat sakin, ang tanging makakapagpagaling nito. Kaso paano kung ayaw ka naman niyang gamutin?
Ang tanging solusyon? Self-medication.
Ang unang step: lumayo sa kanya sa lahat ng pagkakataon.
Iwasan siya sa anumang paraan para mabawasan ang sakit. Kahit siya man ang magparamdam sayo, huwag mo parin intindihin!
KASO. Bagsak nako sa unang step palang. Nung Pasko kasi, binati ko talaga. Nagmessage ako sa kanya sa Friendster at sa YM, naglagay din ako ng comment. Tapos tinext ko pa! Nung New Year's Eve at nung pasko mismo. Hindi ko talaga mapigilan sarili ko! Hindi rin naman niya ako nabati kahit ganon pa ginawa ko. Nag-GM lang, nagpapasalamat sa mga taong bumati sa kanya. Wow ah, alam mo yung effort, dre?
Ang pangalawang step: Tama na ang pag-eemote!
Ilabas mo lang ang lahat ng pasakit mo ngayon tapos panibagong tao ka na bukas. Hindi mo siya dapat pag-aksayahan ng panahon mo!
KASO, hindi ko rin nagawa. Yung shout-out ko sa Friendster ay ang emo ng dating, yung mga GM ko puro brokenhearted ang quotes at tag. Nakagawa rin ako ng anim na tula para sa kanya nung bakasyon! Hindi naman niya napansin, kaya balewala lang.
Hindi nga kami man lang nakapag-usap simula nung bakasyon eh. Gusto ko sana... kaso baka naman isipin nya na adik na adik ako sa kanya. Kaya hihintayin ko nalang siya, hanggang bati lang ako. Pero kahit kamusta, wala. Bati nga wala na, kamusta pa kaya?!
Sana naman alam mo yung ginawa mo sakin. Hindi mo lang kasi alam eh, ang manhid-manhid mo kaya! Masakit kasi ang feeling na matanggihan diba? Ikaw na nga yung nagbuhos ng lahat mo, tapos ikaw pa ang tatanggihan. Ikaw na nga ang umaalala sa kanya, tapos ikaw pa ang babalewalain. Diba masakit?
Ang third step: Gumising na sa katotohanan!
Huwag ka nang mag-ilusyon. Dahil doon, mas nagkakaroon ka pa ng dahilan para umasa at masaktan. Ipamukha mo na sa sarili mong wala ka nang pag-asa sa kanya kahit masakit aminin.
Isipin mo nga, ang dami nyang sinayaw na babae nung gabing yon. Karamihan pa doon mga di niya masyadong kakilala, pero ikaw, nakayanan niyang tanggihan?!
Ay eto, sinusubukan ko nang gawin. Kapag nagawa ko 'to, magagawa ko na rin yung iba pa. Ayoko nga naman maging tanga dahil lang sa kanya. Ayoko naman maging emotera habambuhay, gusto ko ring sumaya!
Alam nyo ba kung ano ang New Year's Resolution ko? Ang makalimutan siya!
Magawa ko naman kaya...?
-------------------------------------
Sorry talaga late na ako nakapag-update! Busy sa school eh. XD Comment-Like-Vote lang po! Thank you. :) Sana magustuhan nyo pa yung kwento ko. Hahahaha!
BINABASA MO ANG
She will be Loved || ON-HOLD
Genç KurguHe was everything she could ever want, but could she be everything he could ever want as well? I don't know yet.