Chapter 2

179 7 8
                                    

CHAPTER 2

Ang bilis nga naman ng oras. Isang buwan na ang lumipas pagkatapos ng first day namin. Ano nga bang nangyari na? Ayun, nagkaroon na ako ng mga bagong friends aside dun sa nakasama ko sa previous school ko nung elementary. Hindi naman kami close dati eh, pero dahil nga naging magkaklase ulit kami sa high school, dun na nagsimula ang friendship namin.

Tama nga naman pala ang mga sinabi sakin dati. Mahirap talaga sa science high school. Nakakapanibago, pero kinakaya ko naman.

Paunti-unti nang umingay ang classroom namin. Nakita ko na talaga yung mga ugali ng mga kaklase ko isa-isa. May mga nakita akong joker, yung mga madalas nagpapaingay sa room. Kahit corny joke nila, ayos lang naman. Ang saya nga lagi kapag nagpapatawa sila. May mga sadyang tahimik at mababait, yung mga bihira umimik kapag nagkaklase. Meron din namang mga grade-conscious, o yung mga GC kung tawagin namin. Sila yung mga adik sa pag-aaral talaga, mapa-recitation, quiz, long test, assignment o kung ano man yan, laging sila ang bida. 

Meron din namang mga malalanding bruha, yung mga laging lumalapit sa mga kaklase kong lalaki. Andami nga nila eh. Nakakainis, tapos kay Anthony pa. Ewan ko ba kung may gusto sila kay Anthony o sadyang malandi lang. Pero alam ko, merong may gusto sa kanya dun. Habang ako, tumatahimik lang...

Kung alam mo lang talaga.

Wala talaga akong balak na magparamdam ng bonggang-bongga sa kanya. Nakakatakot eh. Hindi ko pa siya ganong kakilala, tahimik rin kasi siya. Kaclose niya lang yung mga babaeng lumalapit sa kanya. Kaya napapaisip tuloy ako...

Pano kaya kung lapitan ko siya? Kaso... ewan ko talaga. Hindi naman ako maganda para patulan niya.

Alam nyo yung babaeng torpe? Ako talaga yun eh.

Teka, iniisip nyo siguro kung bakit ang daldal ko masyado, eh may klase... Wala pa kasi teacher namin kaya ganito ako. Seryoso naman ako pagdating sa pag-aaral ko eh.

"Alyssa... may homework ka ba sa AP?"

Nagulat nalang ako. Grabe, si Anthony pala yon! For the first time, kinausap niya na rin ako! Ang saya-saya ko talaga. Baka sakaling dito na magsimula ang lahat. Sa wakas, maaabot ko na rin ang unreachable star ko! Ang ganda pa talaga ng boses niya, tapos sinabi pa niya pangalan ko! Ang sarap pakinggan.

"Ui. Ok ka lang?"

Hala. Ang tanga ko! Natulala lang ako sa kanya. Ang ganda namang first conversation 'to. Hay nako.

"Ah! Oo, ok lang ako. Ikaw?"

Tanga ko talaga. Bakit ba kasi kapag siya na ang nasa harap ko, hindi ako makasalita nang maayos?

"Oo naman. May homework ka ba sa AP?"

"Uh, meron."

"Pwedeng pahiram?"

WAAAAH! Humihiram siya ng notebook sa akin. Sa akin! Hindi dun sa mga malalanding babaeng mga kaclose niya! Ang saya ko naman masyado.

"Sige... Huwag mo lang kopyahin lahat ah."

"Sure. Salamat!" 

Ang feeler ko pa. Bumalik na rin siya dun sa upuan niya at kumopya, may mga naki-epal pang mga babae. Hay, Alyssa... Wag kang magpapadala sa nararamdaman mo para kay Anthony. Wala lang 'to. Humihiram lang siya ng notebook. Ngayon lang 'to kasi wala siyang homework. Hindi nito ibig sabihin na humihiram siya sayo dahil may gusto siya sayo. Yung homework ang gusto niya, hindi ikaw!

Hay nako... Pasalamat ka lang talaga dahil crush kita, Anthony...

At ako lang ang nakakaalam nun. Hindi ko pa sinasabihan ang mga kaibigan ko tungkol sa doon eh. Alam ko kasi, yung isa sa kanila, may gusto din sa kanya. Syempre, yung iba kong kaibigan, in favor sa kanila. Edi tahimik nalang ako, kesa naman magkagulo pa kaming magkakaibigan.

Tumingin naman ako sa paligid ko, yung iba kong kaklase ay nagdadaldalan, nagsosoundtrip... Tapos nakita ko si Jeremy at si Elena na magkasama at nagkukulitan. May gusto yata si Jeremy sa kanya eh. Mukha palang sinadya talaga ni Jeremy na tumabi kay Elena nung first day. Isa nanamang case yata ng love at first sight? Mabilisang tingin naman nun. Ang swerte naman niya. Isang buwan palang ang lumipas at may nanliligaw na yata sa kanya, tapos gwapo pa! Pero tulad nga ng una kong nasabi, kapansin-pansin naman talaga si Elena.

Buti nalang hindi si Anthony ang nagkagusto kay Elena...

Napapaisip tuloy ako, may gusto na kaya si Anthony sa school namin?

Kaso Alyssa, tandaan mo...

Imposibleng maging ikaw yon.

She will be Loved || ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon