Chapter 1

36.2K 757 51
                                    

(A/N: First chapter is here :D)

CHAPTER 1: THE CAMPUS NERD

[Sabrina's Point Of View:]

"Jusko ko Sabrina! Gumising kana jan! Alas otso na nang umaga, tulog ka pa din!", Napatakip ako ng unan nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Mama.

Akmang ipipikit ko na sana ulit yung mga mata ko para matulog, nang sumigaw ulit si Mama. "Baka nakakalimutan mo, unang araw ng pasukan ngayon! At male-late ka na!",

Biglang nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni Mama. Sh/t, first day of school pala ngayon! Napatayo ako sa pagkakahiga at nagaaligagang tumakbo papunta sa banyo.

Akalain mo yun, tapos na kaagad ang bakasyon. Pasukan nanaman (¬_¬)
Sampung buwan nanaman akong maghihirap sa eskuwelahan. Wala namang mga ganap nung bakasyon, since kami-kami lang ni Mama at Denver ang magkakasama. Tambay lang kami dito sa bahay. Saya diba?

Nang matapos kong suotin yung uniporme ko ay kaagad akong bumaba sa kusina para kumain ng almusal. Nakita ko ang pinakamama-hal kong kapatid na si Denver Axle Montefalco na nakaupo sa salas. Second-year highschool palang siya at sa Sevit High din siya nag-aaral kagaya ko.

To be honest, minsan natatanong ko kay Mama kung magkapatid ba talaga kami. Siya lang naman kasi ang campus heartthrob sa campus ng junior high. Plus, basketball captain ng junior basketball team.

Ako naman yung estudyanteng makikita mo lang sa pinakadulo ng classroom. Nakasuot nang salamin, medyo magulo ang buhok, hindi kagandahan ang itsura, at katamtam-an lang ang kaya ng pamilya ko. They call me "the nerd" \( ̄▽ ̄;)/

Nilapitan ko si Denver at binati. "Hi, Denver! Whatcha doin'?", Tanong ko. Kahit obvious naman na nagbabasa siya ng libro, gusto ko lang talaga siyang asarin.

"Ano nanamang trip mo ate?", Tanong niya. I can sense the annoying tone of his voice. "Wala lang, nasaan si Mama?",.

"Nasa kusina, kanina ka pa hinahantay. Ang tagal mo kasi magising", Sagot niya. Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad papunta sa kusina.

"Goodmorning, Ma!", Bati ko at niyakap si Mama. "Salamat naman at nagising ka din. Tawagin mo na yang kapatid mo para makaalis na tayo! Male-late pa kayo sa ginagawa niyo!", Utos niya. Tinawag ko si Denver para makakain na kaming tatlo at makapunta na kami sa school.

"Mag-iingat kayong dalawa! Huwag magpapasaway ha?!", Sabi ni Mama nang makarating kami sa tapat ng malaking gate papasok sa Sevit High.

Nang makapag-paalam na kami kay Mama, maririnig mo ang mga malalakas na tilian at hiyawan sa main hallway ng senior high building.

"Unang araw palang nang pasukan mga tilian kaagad nila yung maririnig ko-_-", Inis na sabi ni Denver.

Sigurado ako nandyan na yung Infinity5, who are they you may ask? Sila lang naman ang campus heartthrobs ng senior high. Believe me, they are really popular. Pati nga taga-labas kilala tong mga toh.

"Don't mind them, pumasok ka na. Magkita nalang tayo mamayang uwian", Sabi ko kay Denver at binigyan siya ng ngiti. "Okay, stay out of trouble ate. Tawagan mo ko kapag may nambully sayo", Ani niya.

Umiling nalang ako at naglakad papasok sa hallway ng senior high building ng Sevit High. Hindi lang basta-basta ordinaryong school tong Sevit High. It's one of the most prestigious schools. Halos lahat ng mga estudyante dito puro mayayaman at may itsura. And, halos lahat makikita mo dito. Lahat meron sila.

Hindi ko din alam kung bakit ako napadpad dito. Siguro dahil sa scholarship na ibinigay nila sakin nung nagtapos ako ng elementary. Since isa ako sa mga scholar students dito.

The Campus Nerd meets The Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon