CHAPTER 6: GURLFRIEND?!⊙_⊙
[Sabrina's Point Of View:]
"Be my girlfriend",Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Halos matanggal na yung mga mata ko dahil sa pagkagulat.
"What?!", Gulat kong tanong.
"You heard it right, be my girlfriend", Kalmado niyang sagot.
Bigla bumilis yung tibok ng puso ko at paulit-ulit kong naririnig yung mga salitang sinabi niya kanina.
Be my girlfriend
Be my girlfriend
Ilang minuto kaming hindi nagsalitang dalawa. I was still in shock. Has he gone insane?! Ako magiging girlfriend niya?
"Don't leave me hanging, Sabrina. I want an answer, will you take it?", Tanong niya.
"Are you serious? Naka-drugs ka ba? Are you in your right mind? Ako magiging girlfriend mo? Grey, there are thousands of students here in Sevit High", Ani ko.
Narinig ko lang siyang tumawa ng bahagya. "I'm not taking drugs, I'm in a perfect state. And I'm serious on what I said, Sabrina", Napatingin ako sa kanya. Halata naman sa mukha niya na seryoso siya.
"Then I will repeat it for you",
"Sabrina Anlia Montefalco, be my girlfriend", Hindi ko mapigilan na mapahinga ng malalim. "Please, be my girlfriend. Just for act. My parents are going to arrange a marriage for me. And I need your help", Paliwanag niya.
I looked at him like I was about to bet my whole life in this situation. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung anong isasagot ko. Nagsisisi na talaga ako ngayon, okay lang kahit saktan na ko nila Bianca. Tatanggapin ko yung sakit, kaysa sa itaya yung buhay ko sa ganito.
"Sabrina, please..", Pagmamakaawa niya sakin. I admit, I can see the sincereness and please to his eyes. Hindi ko magawang ibuka yung bibig ko at magsalita.
You have to choose Sabrina..
Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanya. "Fine, I will act as your girlfriend. Pero please, ayoko ng gulo", Saad ko sa kanya. Is this the right choice? Hindi ko din alam. Pero alam kong malaking gulo ang pinasok ko.
"Thank you!", Narinig kong sabi niya bago ako yakapin. Hindi nagsink-in kaagad yung ginawa niya sakin. Did he just hug me?
Isang minuto bago siya humiwalay. Feeling ko magkakaron akk ng heart attack dahil sa bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Nag-iinit din yung katawan ko because of that sudden skinship.
"Don't worry, it won't cause trouble. I will get everything under control. Thank you, Sabrina", Pasalamat niya.
Napatingin ako sa malayo para hindi makita ang mga nakakatunaw niyang mata. In addition to that, we're only inches away on each other. "P-Pwede bang lumayo kana?", Mahina kong tanong habang nakatingin pa din sa malayo.
Sumilip ako sa kanya sandali, nakita ko siyang nakangisi. Kaya agad akong umiwas ng tingin. "Why? Am I making you nervous?", Napa-pikit ako ng maramdaman ko ang bulong niya sa tenga ko. Ayokong magmukhang tanga at isipin niya na mahina ako. "Hindi, ang baho mo kasi", Sagot ko bago tumawa.
Nakita ko naman yung inis sa mukha niya. "Seriously? Ugh.. your a mood breaker", Inis na sabi niya. "Isang bote kaya ng pabango ang palagi kong nauubos sa isang araw, tas sasabihan mo ko nang mabaho!", Reklamo niya.
Mas lalo kong natawa. Pero, I admit. He smelled like a powerful poison when he was close to me earlier. Nakaka-adik ang amoy.
"Thank you, Sabrina. I really needed your help", Nginitian ko lang siya bago maglakad papalabas ng rooftop.
"Baba na tayo", Aya ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Campus Nerd meets The Campus Heartthrob
Fiksi Remaja"Be my girlfriend" Yan lang naman ang mga salitang nagbago sa boring at normal kong buhay. Nagbago sa kung sino ako ngayon. With just those simple words he said, I changed, everything changed. Out of all places, can you imagine being the campus hea...