CHAPTER 7: PRETEND
[Sabrina's Point Of View]
"Hoy, Ate!!", Naiinis na tinignan ko si Denver. Paano ba naman kasi, kanina pa ako ginigising. "Maaga pa, Den!", Ngawa ko habang naglulumpasay dito sa kama. "Kanina pa kita ginigising! May naghihintay sayo sa baba! Kaya kung ako sayo, tumayo ka na jan!", Siga niya saakin bago ako hagisan ng unan sa mukha.
I groaned at him at tinatamad na tumayo sa kama at dumiretso sa banyo. At dahil sa pagkaantok ko, muntik ko pang malagyan ng sabon yung mga mata ko. -__- UghNang matapos akong magbihis ay bumaba ako sa salas. Laking gulat ko nang makita ko si Grey na nakaupo sa sofa namin, habang nakangiti saakin. "Anong ginagawa mo dito?!", Sigaw na pabulong ko sa kanya nang lapitan ko siya.
Napakunot siya nang noo sa tanong ko. "What do you mean? Today is the start of our act, remember?', Paalala iya sakin. Shoot, I completely forgot about that ridiculous deal yesterday. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Buti naman at gising ka na, iha. Kanina ka pa hinihintay ng boyfriend mo", Narinig kong sabi ni Manang Flory saakin. Napaupo ako sa upuan at kumain nalang nang almusal. "So, you and Grey huh Ate?", Asar nitong kapatid ko sakin habang nakangisi.
Pagkatapos kong mag-almusal ay nilapitan ko si Grey sa labas ng bahay. "Let's go?", Aya niya bago ako pagbuksan ng pintuan ng kotse.
-
Tahimik lang ako sa byahe, at tanging yung tugtog lang ang maririnig mo sa loob ng sasakyan. Masyadong nakakapanibago tong ginagawa ko. Just imagine all of their reactions kapag nakita nila akong kasama si Grey. And damn, I'll be in serious trouble.
"Calm down, Sabrina. You're really tense. It'll be fine, I promise", Sabi ni Grey bago niya i-park yung kotse sa harapan ng gate ng Senior building. Pinagbuksan niya ako ng pinto, dahan-dahan akong lumabas and believe me. Halos lahat ng estudyante ay nakatingin saaming dalawa.
"Ignore them, let's go shall we?", Aya ni Grey bago hawakan yung kamay ko. Muntik na akong mapatalon nang maramdaman ko yung kamay niya. His hands were cold, mine was too.
Damn, the skinship. Hihiwalay na sana ako kaso, naglalakad na kami sa hallway. Kaya wala na akong nagawa."Sabby!!", Tawag sakin ni Casey sa di kalayuan. Magkakasama sila nila Drake sa locker. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Grey at tumakbo papunta kay Casey.
"Casey!", Bati ko sa kanya atsaka niyakap. "Naks naman! Magkasabay silang pumasok!", Asar ni Jonathan habang nakaakbay kay Grey.
"Tara pasok na tayo!", Aya nitong si Drake. Naglakad kami papunta sa classroom namin, kaso may mga crazy fangirls na sumalubong samin. Kaya ayun, nagkagulo nanaman.
"Psst! Sabby! Dito tayo daan!", Pabulong na sigaw sakin ni Casey habang hinihila ako sa kabilang hallway. Medyo malayo ito sa classroom namin, kaya sigurado ako malalate kami sa klase ni Ms. Jean.
"Sinundo ka ni Grey kanina?! OMG! Alam na ni Tita at Denver?!", Tanong niya sakin nang makwento ko sa kanya yung pagsundo sakin kanina nitong si Grey.
"Si Denver at Manang Flory palang, busy pa si Mama. And believe me! Maski ako nagulat nang makita ko siya na nakaupo sa sofa namin!", Sagot ko.
"Well ano pa nga ba?! Syempre, kailangan hatid-sundo siya sayo! That's what couples do!~",
Binigyan ko siya nang are-you-serious look. "Seriously? Eh wala namang kami! Fake girlfriend lang. FAKE", Protesta ko.
"Sus! You never know, Sabby! May mga nabasa na akong ganyang storya sa wattpad! When the guy and the girl acts like a couple! They eventually end together!", Saad niya pabalik sakin. Para kaming mga batang nag-aaway dito sa hallway. Pasalamat nalang at walang estudyante.
BINABASA MO ANG
The Campus Nerd meets The Campus Heartthrob
Fiksi Remaja"Be my girlfriend" Yan lang naman ang mga salitang nagbago sa boring at normal kong buhay. Nagbago sa kung sino ako ngayon. With just those simple words he said, I changed, everything changed. Out of all places, can you imagine being the campus hea...