Chapter 4

12K 446 28
                                    

CHAPTER 4: BULLIED BY THE QUEEN B

[Sabrina's Point Of View:]

"Pagpasensyahan niyo na kung hindi ko kayo napagluto ng hapunan kagabi. Nagpadala kasi ako sa mga anak ko sa probinsya", Paliwanag ni Manang Flory saaming dalawa ni Denver.

"Ayos lang ho yun, Manang. Nagluto naman po ako kagabi", Sagot ko sabay subo ng pandesal sa bibig. "Nga pala, ate. Nakita ko kagabi may naghatid sayo. Si Ate Casey ba yun?", Tanong ni Denver dahilan para masamid ako.

Kaagad akong binigyan ni Manang Flory ng tubig. "Oh ate! Bakit nasamid ka?",

"H-Ha? Si Casey yung naghatid sakin kagabi. Gumawa kasi kami ng science assignment para sa science fair", Pagsisinungaling ko. Buti naman at naniwala tong mokong na toh.

"Tch, I heard na yung si Grey daw yung kapartner mo sa science experiment na yan", Nasamid ulit ako sa sinabi niya. How did he even know that?!

"Narinig namin nila Cypher sa senior building kahapon ng uwian. They said na magkapartner daw kayo, and they were really envious and pissed", Paliwanag niya.

Napanganga nalang ako sa gulat. Great, so now I have to deal with this.

"Kaya nga ako nalang ang gagawa ng experiment namin mag-isa. Kasi ayoko ng gulo. Lalo na't mababangis yang fangirls nila", Saad ko.

"By the way ate, gagabihin ako ng uwi mamaya. So, hindi nanaman tayo sabay umuwi. May basketball practice kami", Narinig kong sabi ni Denver ng makasakay kami ng sasakyan.

Pinaandar na ni manong yung kotse at dumiretso sa school. "Mauna na ako ate! Tawagan mo ko if anything happens!", Sigaw ni Denver bago tumakbo papunta sa tropa niya.

Nakita ko si Casey na naglalakad papasok ng main hallway kaya agad akong tumakbo papunta sa kanya. "Casey~", Tawag ko habang naka-hawak sa braso niya.

"Sabby! OMG! Marami akong iku-kwento sayo about kagabi! Sayang nga wala ka! Pero anyways, hinatid ako ni Drake saamin kagabi!", Kwento niya habang naglalakad kami papunta sa classroom namin.

"By the way! Nakita mo na ba yung nakapaskil sa bulletin board?", Tanong niya. Umiling ako bilang sagot, kaya agad niya kong hinila papunta sa bulletin board na nasa tapat ng classroom namin.

Nanlaki yung mga mata ko. Nakapas-kil lang naman yung mga pairs na inasign ni Ms. Park nung isang araw.
Napahawak nalang ako sa mukha ko ng makita ko yung pangalan ko at yung pangalan ni Grey.

I'M DOOMED

"Hindi lang yung sa atin yung naka-paskil. Halos lahat ng sections may nakapaskil na ganyan. We gotta be careful, Sabby. Lam mo naman yang mga ahas na yan", Ani ni Casey sa akin. Tumango ako bilang sagot

Naglakad kami ni Casey papunta sa desk namin nang bigla akong mapatid. "Oops! Sorry, hindi kita napansin. Akala ko kasi basura", Narinig kong sabi ni Bianca, kasunod ang malalakas na tawa ng mga kaklase namin.

Tinulungan ako ni Casey na tumayo. Nanahimik lang ako at naupo sa desk ko. "Okay ka lang, Sabby?", Tanong ni Casey. Tumango ako bilang sagot.

Ilang minuto pa ang nakalipas, pumasok na si Ms. Park sa classroom. "Good morning, in four weeks magsisimula na ang dry run para sa science fair. I hope na gumagawa na kayo ng mga experiments niyo. Since we have a teacher's meeting today. I will give you one hour to discuss with your partners", Paliwanag niya.

Nagsimula na silang mag-usap tungkol sa mga experiments nila. Habang yung iba, nagdadaldalan at nagkukulitan lang.

"Sana naman nagets ni Drake yung inexplain ko sa kanya kahapon", Sabi ni Casey habang nagd-drawing.

The Campus Nerd meets The Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon