CHAPTER 27:I'M NOT OKAY FT. THE MURDERED CASE AT THE SCHOOL'S LIBRARY
Sabrina's POV:
"Earth to Sabrina!!" sigaw ni Casey sakin. Kanina pa pala niya ako tinatawag.
"H-ha? Bakit?"
"Kanina pa kita tinatawag! Lutang ka na naman!" tinignan ko lang siya at nagpeace sign.
Dalawang araw nang absent sila Grey at Bianca. Dalawang araw na din akong lutang.
"Nung isang araw ka pa lutang, cheer up Sabby!" sabi sakin ni Jonathan.
Bakit nga ba ako lutang? Bakit ganito palagi yung nararamdaman ko? Bakit parang masakit??
I was snapped out of my imagination nang makita namin yung prof namin. "Ms. Montefalco? Are you listening?"
nakita ko si Mr. Herrera na nakatingin sakin."Y-yes sir, I was listening" sagot ko at umayos ng upo. "Looks like it. So, for you Ms. Montefalco. What is love?? Yan ang mga pinagkakaabalahan ngayon ng mga kabataan"
Nanlaki yung mga mata ko. "Sir? Can you repeat the question again?" tanong ko.
Napatawa na lamang siya. "What is love for you??" ulit nito.
Tinignan ko silang lahat. God, para akong matutunaw sa mga tingin nila.
Huminga ako ng malalim at sumagot.
"For me, love is a matter of acceptance. It is knowing someone's weaknesses and not taking advantages of them. Knowing their flaws and accepting who they are. Love has no reasons, no meaning, and no explanation. A million poems have been written. A million songs have been sung. And yet, we still can't explain it. We are always blind about love. Even if we're falling for the wrong person. We also fall for the unexpected person at a unexpected time. Mainlove ka sa taong kaya kang ipaglaban. Hindi sa taong basta-basta ka nalang bibitawan at iiwan" sagot ko.
Biglang natahimik yung room. They were all looking at me like I'm they're prey. May nasabi ba akong mali? Mali ba yung sagot ko?
Bigla ko nalang narinig si Mr. Herrera na pumalakpak. "What a great answer, Ms. Montefalco! It was very deep!" sabi nito habang pumapalakpak.
Bigla nalang nagsihiyawan yung mga kaklase namin. "Woohh!! May pinagdadaanan si Sabrina!!" sigaw nila.
"Wala na kasi siyang lovelife"
"Break na sila ni Grey"
"Ang lalim ng hugot mo nerd!"
"Wala kasing poreber!!"
Narinig kong sabi nung iba naming babaeng kaklase. Geez, sinagot ko lang naman yung tanong ni Sir Herrera parang mga baliw nakaagad.
"FYI! Hindi bagay si Grey at si Bianca! Kailangan munang magend of the world bago mangyari yun!" sabi ni Casey.
"Be quiet! You may now take your seat Ms. Montefalco" sabi sakin ni Sir Herrera.
Mga ilang oras din ang lumipas at dinismissed na kami. Wala akong planong kumain ngayon, gusto kong magpunta sa library.
Matagal ko na ding hindi napupuntahan yung tambayan ko dun. Atsaka hindi ko na nakakasama yung mga paborito kong libro.
Papasok na sana ako ng library kaso napansin ko ang daming estudyante sa labas. May mga pulis din sa loob.
"Ms. Yumi! Ano pong nangyari? Bakit may mga pulis?" tanong ko kay Ms. Yumi, ang school librarian ng Sevit High.
"Hindi ko din alam eh! Basta kanina pagpasok ko may estudyanteng nakahiga sa loob. Tutulungan ko sana kaso patay na siya!" natatakot na sagot niya.
Agad akong napatingin sa loob, nakipagsiksikan din ako sa mga estudyante na nakaharang sa daanan.
BINABASA MO ANG
The Campus Nerd meets The Campus Heartthrob
Teen Fiction"Be my girlfriend" Yan lang naman ang mga salitang nagbago sa boring at normal kong buhay. Nagbago sa kung sino ako ngayon. With just those simple words he said, I changed, everything changed. Out of all places, can you imagine being the campus hea...