CHAPTER 17: THE MAGICAL KISS
Denver's POV:
*kringg!* *kringg!*
Tumayo ako at pinatay yung alarm ko. Shoot. May semis pala kami ngayon! Tinignan ko yung phone ko. 6 am kailangan nandun na kami sa school. And it's already 5:45!!
Matagal pa naman ang byahe papuntang school. Shoot.
Wala pang ilang minuto ay tapos na din akong maligo. Nakapagbihis na din ako. Bumababa ako at nakita si Manang.
"Manang! Si ate? Sasabay ba sakin? Gising na ba siya?" tanong ko habang kumuha ng isang tinapay at sinubo ito.
"Magandang umaga iho, tulog pa ata ang kapatid mo" sagot ni Manang.
Tumakbo ako papunta sa kwarto ni ate. "Ate!!! Gumising kana! Sasabay ka ba sakin?!" sigaw ko.
Humikab muna ito bago ako sinagot. "Putek Den! Mamaya pang 4 pm yung pasok namin! Di pa ako nakakatulog!" sigaw niya.
Sht. Nakalimutan ko yung schedule nila. 4 pm hanggang 8 pm pala sila mamaya. Haisst.
Tumakbo ako papalabas. "Manang! Papasok na po ako!" sigaw ko sa labas at sumakay na sa kotse.
Nang makarating ako sa SJH ay agad akong nagpunta sa gym. Marami akong nakitang mga taga ibang section. Yung iba naman ay mga galing sa Senior High.
"Bro! Sa wakas dumating kana din! Magpaparactice pa tayo" narinig Kong sabi ni Cypher sakin at inakbayan ako.
"Medyo magagaling tong makakalaban nating semis. Junior Knights Academy bro" sabi niya.
Isa ang Knights Academy sa mga rivals ng Sevit High. Kagaya ng school ay halos lahat ng estudyante doon ay mga rich kids. Malaki din ang standards nila. Pati nadin ang popularity.
But they couldn't beat Sevit High's Campus heartthrobs and princesses.
Isa na din ako at si Cypher dun. Yung tatlo naman naming tropa sila Wade, Xavier, at Red ay campus heartthrobs din ng SJH.They also call us 'Crimson Kings'. Hindi ko alam kung bakit yun yung tinawag nila samin.
Nakita ko sila Wade nagpapractice para sa laro. "Ano bro? Ayos pa ba yang paa mo?" tanong niya.
Nakalimutan ko din pala yung paa ko. Nainjure ako habang nagpapractice nung isang araw. Pero natatakbo ko pa naman.
"I think you need some rest, Denver. Ikaw ang star player at team captain" narinig kong sabi ni Coach Patt.
"No, okay lang ako coach. Papasok nalang ako kapag 3rd quarter na" sabi ko at nilagyan ng bandage yung paa ko.
Apat na oras din kaming nagpractice. 12:00 kasi yung start ng game. At 11:00 palang. May isang oras pa.
"They're here" sabi ni Xavier. Habang pinapaikot yung bola.
"Who's here?" tanong nung isa naming kateammate.
"The Junior Knights Academy" sabi ni Red na may kasamang smirk.
Narinig kong nagsigawan yung mga taga Knights Academy nang pumasok yung mga manlalaro sa school nila.
Hindi naman nagpatalo yung mga taga-Sevit High at nagsihiyawan din.
Lumapit sila samin at nakipagshake hands. "So this is Crimson Kings" narinig kong sabi nung isa sa kanila.
"I'm Wendell the team captain" bigla niyang inabot yung kamay niya kay Cypher.
"We heard that the five of you are the campus heartthrobs of this school. I'm not shocked. We also have ours. This is Rio, Xenon, Sev, Lucas, and me" paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
The Campus Nerd meets The Campus Heartthrob
Novela Juvenil"Be my girlfriend" Yan lang naman ang mga salitang nagbago sa boring at normal kong buhay. Nagbago sa kung sino ako ngayon. With just those simple words he said, I changed, everything changed. Out of all places, can you imagine being the campus hea...