Ales' PoV
Litong-lito akong umuwi. He needs me? Anong ibig niyang sabihin?
"What happened, Ales? Is there something bothering you?" Tanong ni Ate Sam.
"Wala naman," sinuntok ko ng malakas ang punching bag na nasa harapan ko.
Kailangan niya ako? Hindi pa ako dapat mamatay?
Alam na kaya niya?
Nakarinig ako ng malakas na pagkahulog ng punching bag, may punit na rin ito.
"Wala ka ngang problema," natatawang saad ni Ate Sam at lumabas ng training room.
Napaupo ako sa sahig at nag-isip. I really need to make a plan.
I smirked nang may naisip ako.
Good one, Ales.
Kinabukasan
Paggising ko, may itim na box akong nakita. I wonder?
Binuksan ko iyon at halos lumuwa na nang mata ko sa gulat.
This gun...
Nakaramdam ako ng adrenaline rush at excited kong kinuha ang baril. Kamukha talaga nito.
Hinawakan ko ang bawat sulok, at takang taka ako kung bakit napakasimilar nito sa gamit ko noon.
Pagtingin ko sa box, ay may sulat na nakalagay. Imbis na sumaya ay bigla akong nainis.
My dear daughter,
Its been years since we've seen you. Kahit wala kang plano magpakita, okay lang. Mabuti na rin ang buhay namin, unlike noong iniwan mo kami. I've decided na ang baril na yan ang ipadala ko, kasi I know na napakamemorable niyan sayo. That was the first gun you've ever used! Thank you for everything Ales!! Your mom and I are very thankful sa lahat ng ginawa mo.
Your Dad..Thankful? Dahil umalis na ako sa kanila?? What a surprise, I should've known that they won't send me a letter of apology. They're thanking me, rather.
I just did my morning rituals faster dahil nasayang ang lahat ng oras because of that surprising gift.
"Ales, may natanggap ka raw, sabi ni Mang Lito kaninang madaling araw," salubong ni Ate Rina sa akin sa dining table.
Pinakita ko naman yung baril na pinadala ng mga magulang ko.
"Ohh...-"
"Kintab niyan bunso ah! Pahawak nga!" Akmang aagawin na sana ni Kuya Tris ang hawak ko pero agad ko siyang ibinalibag. "Aray!"
Nagtawanan nanan silang lahat at nagsimula na kaming kumain.
Harper University
Kagabi ay mas nakapagresearch ako. Hinack ko ang account ni Laurence, and nalaman ko kung sino pa yung pinagbebentahan niya at meron din pala siyang kakompetisyon sa school na toh. One of the reasons why drugs are such a blockbuster, it's because of the upcoming event in this school.
And the major sponsor is the Valdez family. Or should I say, Viestronni.
I was walking on the hallway, when a group of girls caught my attention. Unlike the others, they don't show any emotions on their faces, naka eye liner sila and they wear black. At pansin kong umiiwas ang mga estudyante sa kanila. They might be gangsters.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. On my peripheral view, I saw Harry Jake Son with his fellow soccer players. And something suddenly crossed in my mind.
Carrying my bag I went to the nearest rest room.
*Riiiiiiinggg*
Wearing my black mask, ay lumabas ako sa CR at...
"Psst..." Tawag ko ng pansin kay Harry. At ang gago, nagpaiwan pa. Nasa isang tagong parte ako ng school, and no one will ever know if I'll kill someone. Papunta na si Harry sa tinataguan ko kaya agad ko siyang hinila at tinakpan ang bibig.
Pilit na nagpupumiglas si Harry but sad to say that I'm a trained strangler.
"Hey Harry..." I greeted him with a smirk. Nilabas ko yung pocket knife na dala ko at itinutok sa kanyang leeg.
"Hmmmff..." Tarantang-taranta siya sa ginawa ko. Kaya napatawa ako ng mala-demonyo.
"Hindi naman kita sasaktan, if you'll follow my commands," tumango-tango naman siya. "Pero kung may sasabihan kao tungkol dito, then I won't be hesitant to kill your family especially your mother," namawis siya at tumango ulit. Napag-alaman kong gumagawa rin pala ng illegal ang pamilya ni Harry kaya may mabuting reason din ako to eliminate them.
"You know Laurence Adriano, right?" Tumango naman ito. "And you always buy something to him, right?" Tango rin ang kanyang sagot. Tinanggal ko na ang pagkakatakip ng bibig niya.
"W-what d-do y-you w-want?" Tsk. Mga addict nga talaga, hindi makapagsalita ng maayos. Uutal-utal pa kapag may kaharap na patalim.
"Sino pa ang mga binibilhan mo ng droga dito, Son?" Straight to the point na tanong ko.
"S-sila Vince Formosa, I-ivan Chavez a-at sila...." Diniinan ko ang patalim sa kanyang leeg. Syete naman, sino pa ang isa?
"Sila? Sinong sila?!" Inis na tanong ko.
"S-sila V-valdez,"
BINABASA MO ANG
She's The Vigilante
ActionAko? Sabi ng mga kamag-anak ng mga biktima ko, ay halang daw ang bituka ko. So? Sila, wala ba silang masasamang ginawa? Meron. Hindi naman ako papaslang ng mga inosente dahil lagot ako sa amo ko. Yes, you're right, isa akong vigilante. Paano nangya...