Vigilant 18

43 3 0
                                    

Tinulak ko si Saber papasok sa roller coaster dahil ayaw niya. Hindi sa takot siya sa heights, pero-

"That looks like it's going to give up anytime from now," mukha raw'ng masisira na pero hindi naman.

"Don't be a coward, sakay na tayo." Pero huminto siya at tumingin sa akin.

"I'm definitely not a coward, Ales. I just don't want to put your life in danger." Umalis siya at iniwan akong nakanganga.

Argh! Viestronni, you!

"My life has always been in danger since the very beginning. Saber. So, you don't need to avoid me from it. Because, me, myself is danger's twin sister," kaya hinila ko siya sa roller coaster at nagbayad sa cashier at sumakay.

"Baka nga takot ka lang sa heights kaya nagkakaganyan ka eh," umandar na ang roller coaster ng sobrang bilis kaya napapasigaw ako.

"Woooohoooo!" Nasa pacurve na kami at nakarinig ako ng pagbangga ng mga metal sa ilalim. Nakita kong hindi talaga takot si Saber pero nagulat ako nang niyakap niya ang ulo ko tapos hinila sa may dibdib niya.

Nakarinig ako ng sigawan ng mga tao at mga ingay ng bakal.

"I knew it," bulong ni Saber. Hinila niya ako at akmang tatalon na ng roller coaster kaya nagets ko na ang plano niya.

"You go first," sabi niya pero wala na siyang nagawa ng itulak ko siya at napakapit siya sa pole na nasa tabi ng roller coaster at bumaba gamit noon kaya sumunod rin ako pababa.

"Okay ka lang? I told you, anytime pwede na yan masira!" Naparoll eyes na lang ako sa ginawa niya.

"Alright! Tama ka na, kaya kumain muna tayo," pumunta kami sa isang karinderya na nasa loob ng carnival.

Habang kumakain kami ay may nagsidatingan na mga tao ng carnival yata.

"Naku! Nasira daw yung roller coaster!"

"Nakakapagtaka naman, bagong dating lang daw yan galing Japan." Napantig ako sa sinabi niya. Bago?

"Kaya nga, baka naman may galit sa may-ari kaya sinira,"

"Baka nga. Sige, bibili muna ako ng pagkain baka mapagalitan na tayo,"

Nagkatinginan kami ni Saber. Malamang ay narinig niya rin ang usapan.

"That's odd," nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Doon tayo, Saber." Tinuro ko ang baril-barilan. "Paramihan tayo ng matamaan,"

Nauna akong maglakad kaya una akong nakarating. Sa unahan ko, may mga lalaking teenagers na naglalaro pero hindi sila masyadong nakakatama.

"Magkano po?" Nasa likod ko na si Saber at nakatingin sa mga lalaking naglalaro.

"Sampu po per magazine,” nag-abot ako ng 100 pesos.

Inabot naman niya ang sampung magazine.

"Give me ten magazines," nakita ko naman na nagbigay ng 500 si Saber. Ngumisi ako sa kanya sa naisip ko.

"Paramihan tayo ng matamaan diyan sa sampung magazines,” panghahamon ko sa kanya. Ngumisi rin siya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.

“I don't say no to challenges, Ales. Better to prepare yourself,” tumaas ang kilay ko at sinimulan na ang pagbaril sa mga laruan at ganun din siya.

"Luhh... Tingnan niyo oh, wala pa silang palpak ni isa,"

"Oh em gee! Ang gwapo ng lalaki, foreigner yata,"

"Yung babae nga, iba yung kulay ng buhok. Parang koreana,"

"Oo nga, ganyan yung kulay ng mga kpop ehh..."

She's The VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon