Vigilant 4

65 4 1
                                    

After that situation the other day ay agad na akong umuwi pa Manila. And today, I'll be transferring to a new university. Honestly, may misyon ako sa school na ito kaya lumipat ako.

Laganap na raw ang pagbebenta ng droga. And my target is to find out kung sino ang binibilhan nila and as always, I need to eliminate them.

"Oh? Ales, nasa labas na yung surpresa ni boss para sayo. Job well done daw," sabi ni Ate Sam habang kumakain. Kami lang nina Kuya Tris at Ate Sam ang nasa lamesa. May misyon kasi ang iba, ang iba naman ay may pasok.

"Oyy... Inggit ako, gusto ko rin ng ganun," natawa pa ako. Napansin kong may sinusulat si Ate Sam habang kumakain.

"Ano yan, Ate Sam?" Tanong ko.

"Ahh... Eto? Kukunin na kasi ni Manong Lito yung ipapadala natin sa mga magulang natin. Magpapadala ka ba, bunso?"

"Hindi. Alis na ako, bye!" kinuha ko na ang backpack ko at ang susi.

About my parents, sa three years ay muling naka-ahon ang kompanya namin. They tried to send me things before through kay Manong Lito but I refused to accept it. Nagpapadala kasi ng mga grocery at pera sa mga parents namin. Somehow, yan ang isa sa benefits namin.

Last month nga, they sent me a Sports Car pero pinabalik ko sa kanila.

They shouldn't spend big amounts of money on me dahil I was their downfall before and their mistake now.

Paglabas ko, halos malaglag ang panga ko sa gulat.

Isang Lamborghini Aventador ang nasa harap ko.

Impossible!

But pinaandar ko rin ito and drove it to my new school.

Harper University

Pansin kong puro spoiled brats ang mga nag-aaral dito base na rin sa actions nila.

Dumiretso na ako sa room ko. I have no plan of asking the way papunta sa room, I'm avoiding cliché situations cause as I've said they're mostly spoiled brats and jerks.

Nasa harap pa lang ako ng pinto, ay may bumangga sa aking antipatiko.

Gago.

"Miss, sorry pala sa ginawa ng kuya ko," pagpapaumanhin ng lalaki sa akin.

"Anong kuya mo? Kita mo na! Kita mo na, Kuya Sander! Inaangkin na naman ni Kuya Silver si Kuya Saber. Kuya rin naman namin siya ah!" Nakapout na sigaw ng isa pang childish na lalaki habang hila-hila ang kuya kuno niya.

"Kalma lang Baby Sandro. May magandang babae sa harap natin, atin itong batiin," sabi nito Sabah kindat.

Playboy.

"Pasok na ako," sabay ring pumasok yung Silver ang pangalan. Pansin kong medyo kahawig nila yung Viestronni noong isang gabi. I need to investigate.

Nang nakaupo na kami, ay agad akong nag tanong sa kanya.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko.

"Ay! I'm Silver. Silvestre Nicholai Vies- Ahem! Valdez." He looked tense and I'm very certain that he was about to say a surname that starts with Vies.

"Alexandra Roseborne," I lied. Yan ang gamit kong pangalan sa misyon ko ngayon.

The class ended fast and I just got the exact plan para simulan ang mission ko.

I need to be close with them. I need more information.

Paglabas ko, nakita ko na yung mga kasama ni Silver whom I guess are his brothers.

"Hi miss beautiful," bati sa akin nung playboy. Tumango lang ako and smiled.

"Beautiful ba yung pangalan niya, Kuya?" Tanong nung isip-bata.

"I'm Alexandra, not beautiful," sabi ko at dinaanan sila. I've heard them laugh.

Naging lutang ako sa paglalakad kaya hindi ko napansin na nasa likod na bahagi na ako ng school.

"Oh? Asan na yung order ko?"

"Nandito na? Sampung gramo yan ha?"

"Eto oh,"

Tiningnan ko kung sino yung nagbebenta, at tama pala ang research ko. Si Laurence Adriano, anak ng isang drug pusher.

At yung binebentahan niya? Si Harry Jake Son, varsity ng soccer.

Aalis na sana ako but I stepped on a branch and unfortunately, it made a noise.

"Sino yan?" Tanong ni Laurence and I heard their steps coming to my position.

Ilalabas ko na sana ang baril na nasa taguan nito pero may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko habang kinakaladkad ako.

What the fvck?

"What do you think are you doing?" Malamig na tanong niya nung tinanggal na niya yung kamay niya sa bibig ko.

"It's none of your business," sagot ko. Pero marahas niya akong hinarap.

Kahit medyo madilim, nakikita ko pa rin ang berde niyang mga mata na mariing nakatingin sa akin.

"Masyado pang maaga para mamatay ka," tumalikod siya at nagsimulang naglakad pero muli siyang nagsalita. "Kailangan pa kita, so try to keep yourself alive,"

And there he left me dumbfounded.

Do you know who I am? And what do you mean about that Saber Asher Valdez or should I say Saber Ashqill Viestronni?

She's The VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon