Vigilant 13

46 4 0
                                    

Determined and full of courage, I opened the door at inihanda ang dalawang baril sa magkabilang kamay ko.

"I'll go out first," sabi ni Saber pero pinigilan ko siya.

"Like you said, we'll go out together," kaya hinila ko siya palabas at tinalikod sa akin.

"Back to back. Babarilin ko ang mga nasa harap, ikaw ang sa likod." Sabi ko. Nagsimula na akong maglakad paharap at naramdaman ko namang sumunod si Saber sa akin.

May mga armadong lalaki ang paparating sa amin kaya itinutok ko na ang mga baril ko sa kanila.

"I think you have company," bulong ni Saber sa akin.

"Yes, and also you," tumingin ako sa salamin sa gilid at nakitang may mga armado na rin sa likuran ko.

Isa-isa kong binaril sila. Pero may ibang lumalapit kaya sinusuntok ko na lang sila.

Biglang may dumating na tatlong lalaki. Pagtingin ko sa likuran, busy na rin si Saber dahil marami na rin siyang kalaban.

"Isang babae na may dalawang baril, mapapatay mo ba kami niyan?" Nagawa pang mang-asar ng lalaking may malaking pangangatawan.

"I can," tinanggal ko muna ang magazine ng dalawa kong baril at nakitang may isang bala pa sa isa at wala na sa kabila.

Mapapasubok talaga ako nito.

"Upakan na yan!" Kaya Sabay silang sumugod sa akin.

Suntok sila ng suntok pero umiilag lang ako sa kanila. Pagsuntok sa akin ng isa, ay daliang pinilipit ko ang kamay niya at tinumba siya. Agad ko naman siyang binalian ng leeg at tumayo.

Hinawakan ang magkabilang kamay ko ng natitirang dalawa kaya sinipa ko ang nakahawak sa kanang kamay ko. Lumuwang ang pagkakahawak niya nito kaya agad kong hinila ang kamay ko at sinuntok ang nasa kaliwang banda ko. Hindi pa siya natinag, at nakatayo pa rin kaya niround house ko siya.

"Matibay ka," sabi ko dahil hindi pa rin siya natutumba. Siya yung may malaking katawan, kaya mahirap-hirap siyang patumbahin.

"Mahina ka," napantig ang tenga ko sa sinabi niya kaya sinipa ko siya sa alaga niya at siniko siya sa may tagiliran at sinuntok ang mukha niya. Natumba siya at may pinulot at muling tumayo.

Tumingin ako kay Saber, marami ang kalaban niya pero hindi siya dehado.

Agad akong napamura dahil pagharap ko, ay binigyan ako ng malakas na suntok ng kalaban ko.

"Gago ka ah," gamit ang thumb ko, hinawakan ko ang bibig ko at naramdaman ang malapot na likido.

Dugo.

"Katapusan mo na, babae." Sabi niya habang itinutok ang baril sa akin. Pero agad kong pinulot ang isang baril ko sa sahig at gumulong sa kabilang pwesto at itinutok sa kanya.

"Baka nakakalimutan mo, na isa sa mga baril mo ay walang bala," pang-aasar niya sa akin. Ngumisi ako sa kanya at mas inayos pa ng anggulo ng baril ko.

"At baka nakakalimutan mo, na isa rin sa mga baril ko ay may bala," ganti ko sa kanya. Tumawa naman siya ng malakas kaya tumawa rin ako. "Hindi mo alam? Kaya kong pumatay ng tao kahit walang bala ang baril na hawak ko,"

"Talaga? Oh! Edi ipakita mo!" In a blink of an eye, sinipa ko ang baril na hawak niya at nilabas ang dagger na nakatago sa stockings ko.

"Ganito oh," sinaksak ko sa puso niya ang patalim na dala ko at pinulot ang baril niya sa sahig. "Good bye," I pulled the trigger exactly at his head kaya natumba siya na walang buhay.

She's The VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon