Vigilant 24

71 5 0
                                    

New character. Rash Bautista po, so update tayo sa rank natin. Nasa 255th spot tayo ngayon sa action. Yeheyyyy🎉🎉 enjoy the UD po. Sana naman mashare niyo tong story nato sa mga kilala niyong wattpader, para mas marami ang makakabasa sa story ni Ales. Lovelots, Vigilants😘

Ales' PoV

That awkward moment when everyone looks at you. Alam ko, ang awkward nga. Sa pagkakaalam ng mga nakakarami sa room, ay fiancé ko si Saber. And that's bad. Baka isipin pa nila na nagreunite kami ng self-proclaimed 'ex' ko.

I was about to answer him pero mabuti na lang at may humirit. Ang lalaking nasa pintuan, kararating niya lang actually. Tawa siya ng tawa hanggang sa nakitawa rin ang mga classmates ko. Tumawa rin ako ng pilit pero di ko ma gets kung ba't tumawa si Silver. Oo, si Silver. May klase kasi na magkasama kaming dalawa.

"Aren't you just funny? Two years na silang dalawa ni Saber at engaged na nga silang dalawa at iinsert ka pa?" Tawang-tawa niyang sabi habang pumasok ng tuluyan sa room. "So, kapag nasa simbahan na silang dalawa, ikaw ba ang sisigaw na itigil ang kasal?"

Mas lumakas ang pang-aasar ng mga studyante lalo na ng mga insecure na mga lalaki. Totoo naman, gwapo si Rash. Hindi ko maipagkakaila.

Umupo na lang ako sa upuan ko at nagsitahimikan na rin ang lahat matapos sitahin silang sitahin ng prof namin.

"Feel free to find yourself a comfy seat, Mr. Bautista," naghanap ng seat si Rash at saktong tumigil ang mga mata niya sa bakanteng seat sa likod ko. Lumapit siya at tinaas-baba pa ang mga kilay niya sa akin at pumunta sa may likuran ko.

Hindi naging maganda ang morning classes ko dahil naging kaklase ko siya sa lahat ng mga klase. At walang tigil ang pangungulit niya sa akin. Minsan, umaakbay siya o kundi, tinatapunan niya ako ng mga paper balls na agad ko namang naiiwasan kaya sa iba tumatama. At ang nakasulat pala sa mga crumpled paper balls, ay mga pick up lines dahil todo kilig ang mga natamaan ng bola matapos basahin ito.

Kasama ang DG, nagpunta kami sa Cafeteria for the break. Puro haggard ang mga itsura ng ibang DG dahil sa dami ng mga kailangang asikasuhin.

"Gahd. Haggardo Versoza is real talaga. Akala ko easy pie lang, tambak na palaaaa!" Nag-aalburoto si Megan dahil na rin sa tambak na mga projects. Kahit sa amin, marami-rami ring pinapagawa but managable lang naman.

"Can you stop using your gadgets, Hailey? Nakakainis na yan ah!" Reklamo ni Penelope kay Hailey dahil lagi itong nakatutok sa tablet at laptop niya. Hindi naman ito pinansin ni Hailey at parang wala lang na nagtytype sa laptop.

"Ohhh... Ang hard talaga ata ng state mo ngayon, beshie Alex." Nagtaka naman ako kay Megan. Ewan ko, pero parang may pilyang ngiti sa mga labi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko habang nginunguya ang sandwhich na nagsilbing lunch ko. Napahagikhik naman siya ng sobra.

"Oh my gahd, speaking of the hot devil," may ninguso si Megan pero huli na para iwasan ko. Biglang may umupo sa tabi ko at inakbayan ako.

"Ano ba ang problema mo?!" Mahina pero inis kong tanong sa kanya nang tumayo ako at lumipat sa kabilang side ng table. Tumawa siya at ngumisi.

"C'mon, babe. Huwag ka ngang pahard to get," agad na nanlisik ang mga mata ko dahil sa frustration at napahampas sa lamesa.

"Ano ba ang problema mo?!" Napalakas ang pagsigaw ko kaya napatingin ang mga studyante sa gawi namin. Lahat sila, ay napaka curious sa maaaring sunod na mangyari.

"Ohhh.... feisty, I see." Sumandal siya at nagcross arms. "Babe naman, let's get back together,"

Inis na inis ko na sana siyang sisigawan pero naunang sumabat si Hailey.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's The VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon