Nang makapagsink in na sa akin ang sinabi niya, ay naglakad na ako papunta ng quadrangle. But my mind can't avoid thinking about what he said.
I'm very sure that something unexpected will certainly happen tonight.
"Alex, you're here na! Let's go malapit the stage kasi it's malapit ng magsimula." Hinila ako ni Megan sa crowd ng mga tao.
Parang lahat ng tao ay nagsasaya pero ako? Gulong-gulo.
"Something's bugging you, Alex. You can share to me, you know," tumabi sa akin si Safe or Seraphina.
I gave her a fake smile at umiling.
"Nothing, Safe." Sagot ko. Kita kong nag-isip siya saglit.
"Well, hindi kita masisisi. You're engaged with someone dangerous," napatingin ako sa kanya. Tama. Maaaring may alam siya dahil isa siyang gang leader.
"Huh? Sino si Saber?" I acted na parang wala akong alam.
"Well, I guess you should know the real color of your fiancé," she paused and checked kung may iba pa bang nakikinig sa amin. "Kapatid ng isang Mafia boss ang fiancé mo, Alex."
Umakto akong nagulat pero alam ko na talaga ang totoo.
"At hindi lang yon, siya rin ay isang-"
"Mga police kami! Under surveillance ang party nato at napatunayan namin na may nagbebenta ng droga dito." Naputol ang sasabihin ni Safe dahil sa mga nakacivilian na mga police. "Damputin ang limang ito, may dala rin silang baril at droga,"
Lahat ng mga tao ay napatigil dahil sa nangyari. Binaling ko ang tingin ko kay Safe.
"Ano nga pala yon, Safe?" Tanong ko pero umiling lang siya.
"Sobra na ang nasabi ko, hindi na ako ang dapat magsabi sayo niyan," tumayo siya at umalis.
Isang ano rin si Saber?
Someone's POV
"Hanapin niyo siya," utos ko sa mga tauhan ko. Pumasok sa opisina ko ang anak ko.
"Dad, may nakapagsabi na nahanap daw nila siya" agad akong napatingin sa kanya.
"Nasaan daw?" Tanong ko habang mariing nakatingin sa kanya.
"Dito po, isang exclusive na university. At may magaganap na party diyan mamaya," napangiti ako ng wala sa oras. Kinuha ko ang litrato niya na kakakuha lang sa isang auction.
"Seventeen years din nating hindi nakasama siya, Allison." Naiiyak ako. Malalagot talaga ang kumidnap sa kanya, sisiguraduhin ko. Pero sa ngayon, kukunin ko muna ang anak ko.
"Dad, kunin natin siya ngayon. Mom will surely be excited about this. Tapos mabubuo na ang pamilya natin!" Mas sabik pa ang bunso naming anak na makita ang kapatid niya.
"Tonight at that party. Ihanda ang mga mafia natin. Tawagan mo rin ang mga host ng party na yan," utos ko.
"There's just one tiny problem dad," tumingin ako sa kanya. "Viestronni ang mga host ng party,"
"Damihan pa ang pupunta doon." Naglabas ako ng sigarilyo at nagsindi.
"Pwede akong sumama dad?" I smiled at her and nodded.
Our child, I hope we'll see each other soon.
Ales' POV
Nagsimula ng magconcert ang mga guests. I won't be surprised na mga sikat na artista ang mga dumating, the host is effin rich.Kumuha ako ng isang cocktail drink sa mga waiter na dumadaan at ininom ito.
Ano rin ba si Saber? May hindi ba ako alam?
Pwede naman yata akong manghingi ng tulong sa twin hackers or kina ate Rina. Pero baka malaman nila ang ginagawa ko.
Everyone was really having the best time of their lives pero biglang pumatay ang ilaw.
Wala naman toh sa plano namin ni Saber. What the heck is going on?
Nilabas ko ang night vision shades ko at nakitang may mga grupo ng tao na may dalang mga baril!
Agad akong umalis sa pwesto ko at nilabas rin ang baril ko. Narinig kong may nagpaputok ng mga baril kaya nagsigawan na ang mga tao.
*Bang
*BangNakipagputukan ako sa mga kararating lang na tauhan.
Nakita kong may sumusunod sa akin kaya sinubukan ko siyang walain.
Pero may humawak sa kamay ko.
"Alessandra," halos hindi ako makahinga sa narinig ko. May babaeng tumawag sa akin. Sa totoo kong pangalan.
"Sino ka?" Tanong ko. Ngumiti naman siya sa akin at akmang lalapit pa pero tinutukan ko siya ng baril.
"Don't shoot me. Hindi magandang nagsasakitan tayo," sa hindi ko malamang reason, ibinaba ko ang baril ko. May ngiti sa mga mata niya sa nagsasabi ng kasabikan.
"Sino ka?" Mahinahong tanong ko.
Pero hindi na niyang nagawang magsalita dahil nagkaroon na ng stampede.
Kahit ako ay natangay sa dami ng mga tao.
Nakarinig ako ng malakas na pagputok ng baril kaya mabilis akong tumakbo pero may humila sa akin at sinandal ako.
"Are you okay?" Sa boses niya palang kinabahan na ako ng sobra. Tinanggal niya ang shades na suot ko.
"S-saber?" Utal na tanong ko. Tumango siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Kahit madilim, kita ko pa rin ang kabuohan ng mukha niya.
"I'm sorry, okay?" Nagulat ako ng halikan niya ako sa noo.
"Ba't ka nagsosorry?" Tanong ko at tumingin sa mga mata niya. Ang mga matang 'yan. Bakit parang nalulunod ako sa mga tingin niya?
"Just trust me." Sa sinabi niya parang nawala na naman ako sa wisyo. I just nodded in response.
Hinila niya ako papunta sa parking lot. Lahat ng tao tila nagkakagulo pero parang nagslow motion ang lahat.
Humarap muna siya sa akin at pinasuot ang shades at hat na dala niya. Nagtaka naman akong tumingin sa kanya.
"Like I said, just trust me okay?" Sinuot ko na lang yon at muling naglakad papunta sa kotse niya.
"Alam mo bang mangyayari ito, Saber?" Tanong ko.
"Someone just reported that something will happen ten minutes before we left the house," sabi niya. Binuksan naman niya ang sasakyan niya kaya pumasok na rin ako.
"Sino pala ang mga yon?" Pinaandar niya ang sasakyan kaya dumungaw na lang ako sa bintana.
"I don't know." Sagot niya, tiningnan ko naman siya pero para bang may Mali sa sinabi niya.
Parang hindi totoo. Kung tama man ako, may tinatago nga si Saber at kailangan kong malaman kung ano 'yon.
Napatingin ako sa relo. Alas dose na ng gabi pero ang dami pa ring tao. Ang ganda ng mga ilaw.
Hinintay kong iliko ni Saber ang sasakyan pero dumiretso lang siya. Takang lumingon ako kay Saber na nakangiting nagmamaneho.
Yang ngiting yan. Para akong baliw na nahahawa.
"Saber, asan tayo papunta?" Tanong ko.
"We're going to a place where the only people existing there is you and me,"
BINABASA MO ANG
She's The Vigilante
ActionAko? Sabi ng mga kamag-anak ng mga biktima ko, ay halang daw ang bituka ko. So? Sila, wala ba silang masasamang ginawa? Meron. Hindi naman ako papaslang ng mga inosente dahil lagot ako sa amo ko. Yes, you're right, isa akong vigilante. Paano nangya...