Agad kong tinapon ang dagger ko at tumama ito sa ulo niya. Nilapitan ko si Saber na nakahiga sa sahig.
"Saber!" Hinarap ko siya sa akin at nakita ang mukha niya.
"Saber naman. Huwag ka namang mang-iiwan." Tiningnan ko ang suot niya na may dugo. "Ikaw kasi, bakit ka ba nagpabaril,"
Nakita kong ngumiti siya.
"I told you I don't want to put your life in danger, right?" Napaluha ako dahil naalala ko naman ang scenario nang mamatay ang lolo ko.
"Gago ka! Tumayo ka na nga," inalalayan ko si Saber patayo at tinulungan papunta sa sasakyan.
"Alam mo naman na hindi tayo pwede pumunta sa hospital dahil kailangan pa nilang ireport ang nangyari kaya sa bahay na lang tayo dahil may first aid kit naman tayo," agad kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa rest house.
I'm quite thankful for having a gift of direction. Madali ko lang nalalaman ang dinaanan namin.
"Ano ba kasi yang pumasok sa isip mo at huwag mo akong bigyan ng sagot na sinagot mo kanina," patuloy parin ako sa pagsesermon sa kanya at tumingin ako sa gawi niya. Halatang masakit, pero parang sanay na siya.
"We still need each other," pagkatapos noon, ay nagpatuloy na lang ako sa pagmamaneho hanggang sa dumating na kami sa rest house ni Saber.
Maingat ko siyang binaba sa sasakyan at dahan-dahang dinala sa loob.
"Diyan ka muna," pinaupo ko siya sa sofa at kinuha ang first aid kit sa sasakyan.
"Hubarin mo ang jacket at damit mo, Saber." Utos ko na ginawa naman niya.
Hinanda ko ang mga apparatus na gagamitin.
"Don't try to kill me, okay?" Tinaasan ko lang siya ng kilay at binuksan ang sugat niya.
"Don't worry, sanay na ako sa mga ganito. I've done this for so many times. And so far, buhay pa ang lahat ng ginamot ko," pagkatapos ng ilang sandali.
"Crap," malutong na mura ni Saber ng mailabas ko na ang bala. Masakit talaga 'toh dahil walang anesthesia.
Pagkatapos tahiin ang sugat niya, ay nilinis ko na ito pero natigil ito ng hawakan nu Saber bigla ang kamay ko.
"Tatapusin ko lang-" agad kong nabitawan ang cotton na hawak ko dahil sa gulat.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Naramdaman ko ang labi niya na nakikiusap na tumugon sa sensasyong ginagawa niya.
And in an unknown reason, napahawak ako sa batok niya at tumugon sa mga halik niya.
"Ales," tawag niya sa akin sa pagitan ng mga halik namin. Natulak niya ako pahiga sa sofa at pinaibabaw niya.
"You're mine okay?" At binalik ang tingin sa akin. I smiled at him and pulled him to me.
I started to trace his biceps gamit ang daliri ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya because he's damn topless!
Nawindang na ako sa mga pangyayari kaya tinulak ko siya.
"It's my turn, Saber," ako naman ang pumaibabaw sa kanya at siniil siya ng halik.
I don't know what he's doing to me. And I know that this is very wrong, he's my target's brother for Pete's sake!
But if ever this is wrong, I don't want to be corrected.
Napahinto ako ng nakarinig ako ng ingay sa labas. Yapak ng mga tao at ingay ng mga dalang baril nila. Napansin rin ito ni Saber kaya dahan-dahan kaming tumayo sa sofa.
BINABASA MO ANG
She's The Vigilante
ActionAko? Sabi ng mga kamag-anak ng mga biktima ko, ay halang daw ang bituka ko. So? Sila, wala ba silang masasamang ginawa? Meron. Hindi naman ako papaslang ng mga inosente dahil lagot ako sa amo ko. Yes, you're right, isa akong vigilante. Paano nangya...