Aileen ~
Back to present na tayo .
Ako nga pala si Aileen Ramos , Nurse Graduate , at ako yung nagkwekwento na babae sa chapter 1-3 . Ang kulit kasi ng kaibigan ko ei , By the way 7 Years na mula ng mangyare ang pag-iwan sakin ni Kris . Diba ang astig usapan five years lang pero na dagdagan pa ng 2 years .
"Oy ' Ano ng nangyari after kang iwan ni Kris ?" Tanong sakin ni Shanelle na interesadong - interesado .
"Ayon hinantay ko sya after 5 years pero walang Kris ang nag-pakita sakin . " Sagot ko naman na halatang hindi pa na kaka-move on .
"7 years na te , mula nung iwan ka ng Kris na yun , tingin mo babalikan ka nun ?" Tanong nya ulit sakin .
"May posibilidad naman na balikan nya ako diba ? Baka naman busy lang sya sa states, busy lang sya sa trabaho niya . " Sagot ko naman na meron lungkot na nararamdaman .
"Aa, Basta ako , ayaw ko si Kris para sayo . Andami mo na kayang ni-reject na nanliligaw sayo para lang dyan sa Kris na hindi manlang napanindigan ang pangako nya . " Galit na galit nyang sabi sakin .
"Grabe ka naman Shanelle , Una sa lahat ayaw ko talaga sa mga nanliligaw sakin no ." Sagot ko sa kanya na may pagka-himig bata .
"Ok , ok , Easy , easy . " Sabi naman nya sakin .
"Andito na tayo , dapat galingan naten kasi first day naten . Okey ?" Sabi ko sa kanya na merong napaka-taas na confidence .
"Ok . " Sagot naman nya sakin na medyo kinakabahan .
Malakas ang kaba ni Shanelle sa pagiging nurse kasi una sa lahat pasang-awa lang sya sa board exam at naniniwala sya na hindi sya deserving para sa pagiging nurse .
"Oy , Ano ba yang sagot na yan parang kanina lang ikaw yung hyper na hyper ngayon . Nga-nga ka . " Sabi ko sa kanya na pilit na pinapataas ang self-confidence nya .
"ok , ok , ok . Gagalingan ko kasi first day naten !" Sigaw nya sa loob ng train .
Maraming tao ang nagtinginan samin . Mukang napasama pa ang pagbibigay ko ng self-confidence sa kanya aa .
"Mamaya na po ang autograph . " Sabi niya sa mga taong nakapaligid sa kanya .
Pigil na pigil ang tawa ko . Muka kasing otnis tong si Shanelle , parang kanina HYPER tas naging MALUNGKOT tas ngayon HYPER ulit . Masaya maging kaibigan si Shanelle , para kasi syang si Kris , ang pinag-kaiba lang babae sya .
"Oh , anong nangyare sayo ? Parang kanina lang gustong gusto mo akong maging hyper tas ngayun ikaw ang nga - nga ! " Sabi niya sakin .
Parang daily rotation na name to . Sya ang hyper - Ako ang hyper - sya ang hyper - ako ang hyper . Hay ' Kapag kaibigan mo nga naman .
"Tara na . ?" Tanong ko sa kanya .
"Sure , Sus nursing ? Diyos ko pinakamadaling course ." Sagot naman nya sakin habang nagyayabang .
Pagdateng namen sa tapat ng hospital , nanahimik na naman si Shanelle .
"Sus nursing ? Pinakamadaling course " Pang-aasar ko sa kanya .
BINABASA MO ANG
A Tragic Destiny
Teen FictionPaano kung sa sobrang gulo ng Love story na to ay , Pati Author ay maguguluhan ? Samahan niyo si Aileen Ramos tahakin lahat ng problemang mararanasan nya sa mundo ng PAG-IBIG . <3 Welcome to A TRAGIC DESTINY ~