Chapter 13 : Please go out in a date with me

123 4 0
                                    

Aileen ~

Please go out on a date with me .

Laging nagflaflashback ang mga salitang iyan sa isip ko . For the first time niyaya nya akong makipag-date . Syempre kahit naman alam namin sa isa't isa na gusto namin ang isa't isa ei , Kinikilig pa rin ako . 

Flashback 2 hours earlier ~

"De-date ?" Tanong ko sa kanya . Sa sobrang kaba ko , ay nag-dulot ito ng pagka-utal ko .

"Hoyy ' Sino ka ba ha ?" Tanong sa kanya ni Bryan , Nang may maangas na boses . 

"Wala ka nang pakeelam kung sino ako , Ang mahalaga naunahan kitang makipag-date kay Aileen " Sagot naman ni kris sa kanya . 

Ano bang problema nitong si Kris ? Ano yun , Sa tingin nya makikipag-date dapat si Bryan sakin ?

"Sino bang nagsabing ide-date nya ako huh ?" Tanong ko kay Kris na may galit na boses .

"Walang nag-sabi , pero mas magandang maunahan ko na sya ." Sabi naman nya sakin habang iniiwas ang tingin nya sakin . 

"Huh ! Kaibigan lang ang tingin ko kay Aileen , Pero wala naman sigurong masama kung makikipag-date rin ako sa kanya diba ? " Sabi ni Bryan kay Kris , Sa mga unang salita ay wala sana akong problema pero nung dinugtong niya na makiki-pagdate rin sya sakin , nawalan ng emosyon ang muka ko . 

"Huwag mo kong subukan ." Sabi ni Kris habang halata ang galit na ekspresyon sa muka niya . 

"A-anong date ka dyan ?  " Tanong ko kay Bryan , habang nauutal . Naiilang siguro ako sa kanya . 

"Easy ka lang BOY ! I'm just kidding . Hindi ako pumapatol sa mga kaibigan ko no ' at isa pa mas maganda kung mag-kaibigan na lang kami . " Sagot naman ni Bryan habang tumatawa . 

"Aa ' Mabuti naman . " Sagot ni Kris na napa-buntong hininga .

"Pero kapag minahal ko . Kaibigan ko man o hindi pag-lalaban ko . " Sabi ni Bryan na halatang nang-aasar .

Mula sa pagiging kampante na muka ni Kris ay napalitan na naman ito ng asar na muka . 

Alam ko na kung saan hahantong itong usapan na'to . Hindi mahaba ang pasensya ni Kris . Kapag galit sya para syang gorilla na nagwawala sa park .

Agad kong hinatak si Kris papunta sa kotse ni Albert at bilang pamamaalam kay Bryan ay sumigaw na lang ako "Sige , Bryan ! Text text na lang !" . 

Naka-sakay na kami ngayon ni Kris sa kotse ni Albert . 

"Anong text text na lang ?" Tanong sakin ni Kris na halatang halata ang pagseselos sa muka niya . 

A Tragic DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon