Chapter 11 : Continuing where we stop (Shanelle ~)

155 4 0
                                    

Shanelle ~

Andito kami ngayon ni Les sa bahay nila . Malaki naman ang bahay nila at mukang silang dalawa lang ni Nash ang nakatira rito . Ilang minuto lang ang lumipas ay bumaba sya mula sa hagdan dala-dala si Nash . Nagulat ako dahil kamukang kamuka ni Les si Nash . Mag to-two years old na si Nash , Hindi naman ako nahirapan alagaan si Nash kasi mabait naman sya tsaka hindi masyadong na-iyak . May pagka-suplado , pero mukang madali naman syang pakisamahan . 

"Pasensya na aa , Yan tuloy ikaw pa nag-aalaga kay Nash , May pinapaayos kasi ako sa katulong sa taas ei ." Sabi ni Les sakin na paulit-ulit humihingi ng tawad . 

"Ano ka ba ? Okey lang naman sakin yun no . Atlist nakakaroon kami ng bonding kahit papaano . " Sagot ko naman sa kanya habang natawa tawa . 

Ilang minuto lang ay natapos na ang niluluto niya , at bumaba na rin mula sa taas ang katulong nila . Mukang bata pa ang katulong nila mga 20 Years old siguro . May itsura naman , pero mas maganda ako ! Bwahahahah !!

"Tara , Shanelle ' Kain na tayo . " Yaya sakin ni Les para kumain . 

Nagluto sya ng Adobo . Agad ko naman itong tinikman , Masarap naman pero siguro mas masarap yung luto ng mama ni Aileen . 

"Anong masasabi mo ? Na-miss mo luto ko no ?" Tanong nya sakin na halatang pinagmamalaki ang ADOBO niya . 

"Ahahahah ' Ikaw talaga hanggang ngayon di pa rin nagbabago . " Sabi ko sa kanya habang natawa . 

Natapos na kami kumain kasama ng katulong nila . Ewan ko ba kung bakit laging pumapasok sa isip ko ang katulong nila , parang may SOMETHING ei , pero hindi naman ganun kababa si Les para patulan yung katulong na yun . Ahaha xD

"Shanelle , Parang may problema ka aa . " Sabi sakin ni Les na halatang nag-aalala . 

"Wa-wala aa " Sagot ko sa kanya , pero parang meron talagang something duon sa katulong ei , kaya tinanong ko na rin si Les tungkol rito . "Ahmm ' Sino yun ?" Tanong ko sa knaya sabay turo duon sa katulong nila . 

"Halata naman sa suot nya na katulong sya diba ? " Sabi niya sakin , sinundan naman ito ng isang ngiti . "Teka , Wag mong sabihing nagseselos ka sa kanya ? " Tanong nya saking habang may nakakalokong ngiti pa rin sa labi niya . 

"A-a-aa , Anong sinabi mo ? Ako magseselos . Alam ko namang akin ka lang . " Sabi ko sa kanya habang kinukurot-kurot ang pasngi niya . 

"Ahahha , Akala ko nagseselos ka na ei , SAYANG !" Sabi niya .

"Bakit naman sayang ?" Tanong ko sa kanya . Ano yun gusto nya talaga akong mag-selos ?

"Kasi marami ang nagsasabi na kapag , nagselos daw ang taong mahal mo , ibig sabihin mahal ka rin nun . " Sabi niya sakin habang nakatitig sa mga mata ko .

Nagka-eye to eye contact ata kami . Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko . 

"So--so ? Anong pangalan nya ? Ilang taon na sya ? Mas bata ba sya sakin . " Nauutal kong tanong ko sa kanya .

"Actually mas bata sya sayo ng 2 months , pero kaidaran lang rin naten sya . " Sagot nya sakin , at agad nya rin namang sinagot ang tanong ko kung anong pangalan ng katulong . "Sya si Carmella Pelagrosa . "

"Aa , Ang ganda ng pangalan nya aa . " Sabi ko sa kanya na medyo naiilang pa rin . 

"Mas maganda ang pangalang Shanelle Nicolas ." Sabi niya sakin habang ginagamitan pa rin akong nang mala-killer smile nya . 

A Tragic DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon