Aileen ~
Nakanganga pa rin ako hanggang ngayon sa loob ng coffee shop , Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa tapat ko na si Kris . Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya o yayakapin ko sya nang napakahigpit .
"Aileen ." Sabi niya sakin , pero hindi ako sumasagot sa bawat tawag nya sakin , Hindi dahil sa galit ko sa kanya , Kundi dahil hindi pa rin ako makapaniwala .
"Kris ?" Sa wakas na ka pag salita na rin ako .
"Aileen ." Sagot naman nya sakin .
"Maiwan ko muna kayong dalawa huh ." Singit naman ni Albert .
"Sige pre , Salamat aa . " Sagot naman ni Kris sa kanya .
"Ikaw na ba talaga yan ? " Tanong ko sa kanya habang hinihimas ang pisngi nya .
"Oo , Ako na talaga to , at itong Kris sa harapan mo ay di ka na iiwan kahit kelan . " Sagot nya sakin habang hawak hawak ang kamay ko .
Hindi ko namalayan ang pag-tulo ng luha ko mula sa mga mata ko . Sobra akong naiinis sa kanya ' Sobra ko rin syang nami-miss . Ano ba yan !
"Aileen ? Are you Okey ?" Tanong nya sakin na halata naman na concern .
" Oo naman , Im okey . Iniwan lang naman ako ng taong pinakama-mahal ko , Bakit ba naman ako hindi magiging okey ? " Sarcastic kong sagot sa kanya , kahit ayaw kong sabihin sa kanya yung mga salitang yun , Parang kusa na lang ito lumabas .
" Hindi ba sayo sinabi ni Albert ? " Tanong nya sakin na pilit hinahawakan ang kamay ko kahit ako naman ay pilit inaalis ito .
"Ang sabi niya sakin 5 years ! Hindi 7 years ." Sagot ko sa kanya sabay alis na naman ng kamay ko .
"Okey , Aileen . List-- , " Hindi nya na natuloy ang mga sasabihin niya dahil pinangunahan ko na sya agad .
"Ayan na naman tayo sa LISTEN LISTEN na yan e' Tapos ano ? Puro kasinungalingan lang rin naman . " Sagot ko sa kanya habang patuloy ang paglabas ng luha ko mula sa mga mata ko .
"Kung ayaw mo ako ang mag-explain sayo . I'll let Albert to explain it to you . " Sabi niya sakin na halatang medyo naiinis na rin .
Pagkatapos nyang sabihin lahat ng katagang iyon ay tumayo na sya at handa na sanang mag-lakad pa palayo , pero hindi pa sya nakakalakad ay agad ko syang niyakap .
"Oo na nga . I'm going to listen na nga . " Humahagulgol habang yakap yakap ko ang likod nya , Imaginin niyo na lang na yakap ko sya mula sa likuran nya tapos sobrang lakas ng iyak ko parang baby .
"Haha . " Mahina man pero sapat para marinig ko ang mahina nyang tawa . "Bahala ka na dyan . " Dugtong nya . Alam kong nakakanwarian na lang sya , at pinagtritripan nya na lang ako , na kunwari ay galit pa rin sya .
"Edi wag na . " Sigaw ko sa kanya sabay bitaw mula sa pagkakalakad ko .
Nang papalabas na sana ako , ay agad nyang hinawakan ang kaliwa kong kamay sabay sabi . "Hindi na kita iiwan , kaya sana wag mo na akong iwan . "
Bumilis ang pagtibok ng puso ko ng marinig ko ang mga katagang iyon , Agad akong tumalikod at hinarap sya , Sinalubong ko sya nang isang mahigpit pero masarap na yakap , Halata sa muka nya ang pagkagulat , kaya naman mas lalo ko itong hinigpitan .
BINABASA MO ANG
A Tragic Destiny
Teen FictionPaano kung sa sobrang gulo ng Love story na to ay , Pati Author ay maguguluhan ? Samahan niyo si Aileen Ramos tahakin lahat ng problemang mararanasan nya sa mundo ng PAG-IBIG . <3 Welcome to A TRAGIC DESTINY ~