Chapter 17 : Love and Acceptance

101 6 1
                                    

Shanelle ~

Andito ako ngayon sa tabi ng walang malay kong ama . Bakit kailangan maging ganto pa ang sitwasyon ? Bakit nung kelan nagkaroon ako ng lakas ng loob , Tsaka naman naging ganto ang mga nang-yayare . Kahit alam kong hindi ako mahal ni Dad , Kahit alam kong para lang akong hangin sa mga mata nya . Mahal na mahal ko pa rin sya .

Hawak ko ngayon ang kaliwang kamay ni Dad , na humihiling na sana ay magising na sya . Sobra na akong nagsisisi sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sa kanya . 1 Linggo na rin ng magkaroon sya ng heart attack , at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya gumigising . 

Dahan dahan tumutulo ang mga luha ko , Sobrang sakit . 

TOK TOK TOK ~

Narinig ko ang isang katok na galing kay Manang Teresita . 

"Shanelle . " Tanging sabi niya .

"Manang ." Sagot ko naman . 

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko . 

"Sobra syang nag-aalala sa iyo . Kung anong kalagayan mo , Kaya naman bumigay ang puso nya . " Sabi ni Manang Teresita sa akin sa isang mahinahon na boses . 

Hindi ako nakasagot , Dahil kusa na lang tumulo ang mga luha ko . Sobrang sakit ' Bakit kailangan ganito ang mangyare . Bakit ng kelang napatawad ko na sya tsaka naman nangyayare ang ganitong bagay . 

"Nalulugi na ang kompanya niyo . " Pabuntung hiningang sinabi ni Manang Teresita sa akin .

"A-ano po ?" Tanong ko , kahit alam ko sa sarili ko na narinig ko ang mga sinabi niya . 

"Kaya gusto ka nyang ipa-kasal sa taong hindi mo mahal dahil malaki ang pag-kakautang nya duon . Alam nyang masakit para sayo pero wala syang magagawa para maligtas ang kompanya . " Sabi niya sa akin .

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi ni manang Teresita . 

"Sige Ma'am , mauuna na po ako ." Sabi niya sa akin sabay tayo at lumabas nang pinto . 

Ilang minuto lang nawala si Mang Teresita ay may kumatok muli at saka pumasok si Aileen . 

"Best ?" Tanong niya sa isang mahinhin na boses .

"Hmm ? " Tanging tugon ko .

"Kamusta na ang Dad mo ?" Tanong nya muli sa akin .

"Ito wala pa ring malay . " Sabi ko naman sa kanya . 

Tumabi sya sakin at niyakap ako . "Kahit ano pa man mangyari sa buhay naten , hinding hindi kita iiwan ." Bulong nya sa akin habang nakayakap pa rin .

Habang nagkwekwentuhan kami ni Aileen ay gumalaw ang daliri ni Dad , at dahil dito ay napalingon ako sa kanya . 

"A-ne-lle " Sabi niya , Dahil may tubo ang bibig nya ay hindi ko sya masyadong maintindihan pero alam ko sa sarili kong ~Shanelle~ ang sinasabi niya , Maliit lang rin ang buka ng mga mata niya . 

"Dad ?" Sabi ko na halatang sobrang nag-aalala , Dahan dahan rin tumulo ang mga luha ko . 

"O-rry " Sabi niya , Pagkabigkas na pagkabigkas niya nun ay tumulo ang munting luha mula sa mga mata niya , at dahil din duon ay mas bumilis ang pagtulo ng mga luha ko . 

"Sorry rin Dad . " Sabi ko kasabay nun ang isang mahigpit pero isang matamis na yakap .

Dahil sa pagkagising ni Dad ay tumawag na kami ng Doctor para suriin sya , at sabi nito ay onting linggo na lang ang hihintayin ay babalik na rin ang dating lakas ni Dad . 

A Tragic DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon