Chapter 2 : Flashback to my story (Part 2)

258 9 4
                                    

Kinabukasan ~ 

           Sinalubong ako ni Kris mula sa gate ng school , sabay abot ng isang juice box sabay sabing "Sorry sa kahapon aa ."

            Nagulat ako sa sinabi niyang yun . Hindi ko na naman alam kung anong gagawen kaya sinabi ko sa kanya na "Okey lang yun , Ikaw naman bakit nag-abala ka pa ." Sagot ko sa kanya na may pekeng ngiti sa aking labi .

             "Tara ! sama ka sakin !" Sabi nya sakin sabay hatak sa kaliwang kamay ko . Nagulat ako at walang nagawa kundi ang sumunod kung saan nya ako dadalhin .

           Pumunta kami sa Canteen . Maraming tao ang nakatingin samin , andyan ang teachers , vendors , at mga studyante . 

            "Makinig ka sakin , simula ngayun August 12 2013 , ito ang araw nang pag-kakaibigan naten . " Sabi niya sakin habang nakangiti . 

             Sa hindi namen na mamalayan na magkahawak pa rin ang aming kamay . Namula ang aking pisngi at kinakabahan . "A-aaa , Oh Sige " Nakangiti kong sabi sa kanya , sabay hugot sa kamay ko .

            Ringgg ~

            Malakas ang tunog ng bell . "Sige pasok na ako . " Paalam ko sa kanya habang kinakaway ang aking kaliwang kamay . 

            "Sige ! Mag-ingat ka aa. Makinig ka sa teacher mo ." Sagot naman nya sakin na may kasamang paalala .

             Pagpasok ko sa room sinalubong ako ni Carmella . 

             "Bakit magkasama kayo ng Kris na yun ?" Pabungad na tanong nya sakin . 

             "Aa, nakikipag-kaibigan lang . " Nakangiti kong sagot ko sa kanya . 

              "Sabihin mo sa kanya , Na kung makikipag-kaibigan sya . Huwag yung sa harap harapan ko pa" Sagot nya sakin habang nagkakasalubong ang dalawa nyang kilay . Mabilis syang umalis pagkatapos nun .

               Nag-tataka ako sa kinikilos ni Carmella . Kung bakit nya ganun kaayaw si Kris , kaya naman tinanong ko si Lira tungkol dito  . 

               "Lira , Bakit parang galit na galit si Carmella kay Kris ? " Tanong ko sa kanya .

             "Ewan ko lang . Imposible naman na dahil yun sa pag-hindi pagpansin sa kanya ni Kris nung 1st Year highschool kami .." Sagot naman nyang mabilisan sakin . "Bakit mo natanong ?" Tanong nya sakin . 

              "Aa, wala , wala , Sige Lira una na ako  ." Tumayo ako at nagpa-alam na sa kanya .

             Nagulat ako sa sinabi ni Lira . Ano yun crush ni Carmella si Kris nung 1st year sila ? 

             Dalawang oras kaming nakaupo sa upuan at hinihintay ang break time .

             Ringgg ~

             Sa wakas nagring na ren ! :3 Pagkalabas ko ng pinto hinahantay ako ni Kris sa labas . 

             "oh , Kris anong ginagawa mo dyan ? " Tanong ko sa kanya . 

             "Ina-antay yung bago kong kaibigan ." Sagot naman niya sakin ng naka-ngiti .

            Grabe naman pala makipag-kaibigan tong lalaking toh  , Kaya naman pala naging campus hearthrob to ei . 

A Tragic DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon