Chapter 16 : Bad News

105 5 0
                                    

Aileen ~ 

Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-paniwala na niligawan ako ni Kris . Hindi ko alam kung bakit . Alam ko naman na gusto niya ako diba ? pero bakit parang nagtataka pa rin ako hanggang ngayon ? Na-o-otnis na ba ako ?

Naglalakad ngayon ako pauwi sa bahay . Buti na lang at tumigil rin ang ulan . Hindi na ako nagpahatid kay Kris kasi malayo-layo pa ang lalakbayin non , Tsaka isa pa tumawag yung nanay niya sa kanya . 

Hindi rin ako nakasagot sa proposal niya . Siguro dahil na rin sa sobrang kaba , Tsaka syempre babae rin naman ako noh ! Nagpapakipot rin . Tsk tsk :3

Binuksan ko na ang gate papasok na ako ng biglang lumabas si Shanelle , parang malungkot ang muka niya , ay hindi parang MALUNGKOT talaga .

"Shanelle ? Problema natin ? " Tanong ko sa kanya . 

"Aileen , Pwede ba tayong mag-usap ? " Tanong nya pabalik sa akin . 

"Nag-uusap na tayo ngayon diba ?" Tanong ko ulit sa kanya , nahalatang namimilosopo .

"Huwag ngayon Aileen , Tara duon tayo sa kwarto . " Mahinahon niyang sabi sa akin . 

Papunta na kami ngayon ni Shanelle sa kwarto . Hindi ko alam kung bakit ang tamlay tamlay niya . Hinipo ko na ang noo niya pero wala naman syang sakit . Ano kayang problema nito no ?

"Aileen , May sasabihin ako sayo " Sabi niya sakin na parang tutulo na ang luha niya . 

"Ano yun ?" Tanong ko sa kanya . 

"Si dad , malubha na ang sakit niya . " Sagot niya sa akin kasabay nun ang pagyakap niya sakin habang humahagulgol sa iyak . Agad kong hinimas himas ang likod nya upang mabawasan ang pagkalungkot nya .

"Kanino mo na laman ? Tsaka kelan pa ? " Sunod sunod na tanong ko sa kanya . 

"Naalala mo nung sinabi ko sa yo na parang may laging sumusunod sa akin ? Ayon sya yung nagsabi sa akin , last week pa daw . " Nauutal na sabi niya . Halatang halata ang pagkalungkot ng mga mata niya . Halata rin ang sobrang bigat na pinagdadaanan niya ngayon . 

Hindi ko sya masisisi kung bakit sya ganyan makaiyak , Lumayas sya at simula nun hindi na sila nagkita ng dad nya . Maaring huli na rin ang lahat kung magkikita man sila . 

"So , Anong plano mo ? " Tanong ko sa kanya .

"Gusto ko siyang makita . Aileen . Yun lang , Bago pa man mahuli ang lahat . " Sabi habang patuloy na tumutulo ang mga luha nya .

"Sige , sasamahan kita . " Sabi ko sa kanya .

A Tragic DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon