Kinabukasan ~
"Aileen , Aileen anak gising na . May naghahanap sayo " Gising sakin ni mama , habang tinatapik tapik ang binti ko .
"Mama , 7:30 am pa pasok ko . Ano ba ." Sabi ko sa kanya habang kinukusot ang mga mata ko .
"Yun nga ei , 7:30 pasok mo ei 8:00 Am na ei" Sigaw niya sakin .
"Whaaaaaaaaaaaat O________0" Sigaw ko sa kanya sabay pag-mamadaling kuha ng damit at twalya , deretso sa banyo . Sa tingin ko 5 Minutes lang ako nakaligo . Tooth brush - suot ng damit - labas sa banyo . Sobrang pag-mamadali ko at dahil basa pa rin ang paa ko nadulas ako .
"Aileen , Okey ka lang " Nag-aalalang sabi sabi sakin ni Kris . Teka Kris ? Nananaginip ba ako ? pero teka si Kris nga to .
"A-aaa okey lang ako , Bakit ka nandito ?" Tanong ko sa kanya habang hinimas-himas ang ulo .
"Masama ba ? Akala ko kasi hindi ka papasok kaya sinundo na lang kita . " Sagot nya sa akin habang inaalok ang kamay nya para makaupo ako .
Natulala ako , nakita ko ang brown eyes , well-pointed nose at ang kissable lips nya ng malapitan .
"Oy ! Masakit ba ? Bakit tulala ka dyan ?" Sigaw nya sakin .
"Wala . Wait lang magsasapatos lang ako ." Sabi ko naman sa kanya , sabay tayo at dumire-diretso para kunin ang sapatos ko .
Time Check , 8:45 . Lagot na . Late na late na late na late na late na ako .
"Tara na ." Sabi ko kay Kris sabay hila sa kamay niya .
Pag-sakay namen sa jeep nakita kong may kinukuha sya sa bag nya , sabay abot sakin ng isang juice box at isang sandwich .
"Para saan to ?" Tanong ko sa kanya .
"Para sa maganda kong bestfriend na hindi nakakain ng breakfast dahil sa pagmamadali niyang pumasok ng school ." Sagot naman nya sakin .
Namula ang mga pisngi ko , ewan ko ba kung bakit tuwing tinatawag nya akong maganda , nawawala ako sa katinuan ko .
Kinain ko agad ang sandwich at ininom ang juice box . "Gusto mo ?" Alok ko sa kanya .
"Ayoko . Umay na ako dyan ei naka 3 na ata ako nyan . " Sagot naman nya sakin habang iniiling ang ulo nya .
"So ? anong ginawa mo duon sa States ?" Tanong ko sa kanya .
"Wala nag-bakasyon lang . Tsaka ." Sagot naman nya sakin pero meron pa syang sasabihin na mapapatahimik na lang ako .
"Tsaka ano ?" Tanong ko sa kanya .
"Tsaka inayos yung mga dokyumento ko para sa permanent na live duon . " Sagot nya sakin habang nakatingin ang malungkot nyang mata sa akin .
Nanahimik ako . Hindi na ako naka-pagsalita . Umabot kami sa school na hindi ko sya pinapansin . Hindi ako galit . Hindi rin naman ako asar , Kasi alam ko sa sarili ko na wala akong magagawa sa gusto ng nanay niya .

BINABASA MO ANG
A Tragic Destiny
Fiksi RemajaPaano kung sa sobrang gulo ng Love story na to ay , Pati Author ay maguguluhan ? Samahan niyo si Aileen Ramos tahakin lahat ng problemang mararanasan nya sa mundo ng PAG-IBIG . <3 Welcome to A TRAGIC DESTINY ~