Chapter 15 : Carmella Pelagrosa

117 4 0
                                        

Carmella ~

Hahanapin ko sya ! 

Hahanapin ko ang taong dahilan kung bakit naging ganto ang buhay ko .

Kung bakit naging ganto ka-miserable ang nangyare sakin .

Kung ikakamatay ko , Gagawin ko . MAKAPAGHIGANTI lang .

Kay Kris deCastro .

Laging ganyan ang tumatakbo sa isip ko . Gusto ko syang patayin ! Dahil sa kanya nawala ang papa ko , Dahil sa kanya naging ganto ako ka-baba . 

Habang naiisip ko ang mga katagang iyan , ay bumabalik sa isip ko lahat ng kag*guhang ginawa nya sakin . Lahat ng ginawa nya na magiging dahilan ng isang miserable kong buhay . 

Flashback (9 Years ago ) ~

"Carmella ! Gusto mo chocolate ? " Tanong sa akin ni Kris .

"Oo naman ! " Kukuha na sana ako ng bigla nya itong hatakin pabalik sa kanya sabay sabing .

"Edi bumili ka !! " -  : P

First Year ako ng panahon na yan at sya naman ay 2nd Year , Kilala sya sa buong school , Maraming nag-kakagusto sa kanya , at isa na ako duon . 

"Hoy ! Kris ! Pinagtritripan mo na naman yan si Carmella ! " Sigaw ng isa nyang ka-tropa na si Reymond . 

"Hayaan niyo na lang ako . Okey ? " Sigaw naman nya pabalik at pinagpatuloy na asarin ako . 

"Hoy ! Ikaw bakit ang taba taba mo ? !" Pang-aasar nya sakin . 

Oo tama kayo ng rinig isa akong panget at matabang istudyante sa school na to . Kaya normal na sakin ang bullihin ng mga kaklase o schoolmate ko , Pero sanayan lang naman yan ei . 

RINGGGG ~!

Sa wakas tumunog na rin ang bell , Ibig sabihin dapat ng pumasok sa kanya kanyang room ang mga istudyante , at sa wakas tinantanan nya na rin ako . 

Tuwing inaasar ako ni Kris , parang okey lang , Kasi nga gusto ko sya . 

Simula ng araw na yon , Ang araw na inasar nya akong mataba, Nag-sumikap akong magpapayat . Syempre nung una mahirap , Pero kapag nasanay ka na medyo madali na lang naman . 

After 6 Months ~

From 200 lbs , Naging 120 lbs na lang ako , Medyo chubby pa rin ako , Pero mas okey na rin to , Kesa naman sa date diba ? 

"Oy ! Carmella ! Mukang sumesexy ata tayo ngayon aa . " Nang narinig ko yun napa-lingon ako sa likod ko , at nakita ko si Kris naka tayo doon .

"Salamat ." Sagot ko sa kanya , Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niyang yun . Napansin ako ni Kris !

"Anong diet ba ginawa naten ? " Tanong nya sakin sabay tabi sa akin sa upuan na kinauupuan ko . 

"ahmmm ' Vegetables lang tapos kapag gabi na kahit wag ka nang kumain . " Sagot ko sa kanya . Kinakabahan ko ! Katabi ko ba talaga sya ngayon ?

"Aa ' Ma-try nga . " Sabi naman nya sakin sabay ngiti . 

Dahil sa ngiti nyang yun ay mas lalo akong namula at kinabahan . 

"Bakit pinagpapawisan ka ? " Tanong nya sakin . 

"Aahmm , Wala . " Natataranta kong sagot sa kanya . 

A Tragic DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon