Author's Note : Well ' Hindi pa Father's Day pero itong chapter na to ay gagawin kong Father's Day kasi birthday ng papa ko ngayon , kaya prang dedicated to sa kanya kahit hindi pa naman Father's Day .
Aileen ~
Father's Day na !! Pupuntahan namin si Papa ngayon . I'm sooo excited .
"Aileen, Anak . Okey ka na ba ? " Tanong sa akin ni Mama para malaman niya kung ready na ako para pumunta kay Papa .
"Opo , Ma ! " Sagot ko .
"Shanelle , Sasama ka ba sa amin ? " Tanong ni Mama kay Shanelle .
"Hindi na po , Tita . Dadalawin ko rin po si Dad ei , Alam niyo na Father's day ! " Sagot naman ni Shanelle .
"Okey ka na bang mag-isa ? " Tanong ko sa kanya .
"Oo naman Aileen ! Ano ka ba ? Ang tanda tanda ko na no ! Dapat nga sa edad kong to may asawa't anak na ako ei . " Sagot naman niya sa akin , "At isa pa pupuntahan niyo ang Papa mo diba . " Dugtong niya .
"Okey , Sabi mo ei . " Sagot ko sa kanya . "Una na kami aa ! " Dugtong ko .
"Okey okey ! Ingat kayo aa ! " Sagot naman ni Shanelle sa akin .
"Bye !! " Pamamaalam namin ni Mama .
Lumabas na kami ni Mama sa bahay at sumakay na ng jeep papunta sa lugar kung asan si Papa . Hayy ' Sobrang saya ko ! After 2 months makikita ko na naman sya .
"Para po . " Sabi ko sa driver ng jeep .
Huminto na ang jeep at bumaba na kami ni mama .
"Handa ka na ba Anak ? " Tanong sa akin ni Mama .
"Opo , Ma ! " Sagot ko sabay hawak sa kamay niya .
Lumakad na kami ni Mama papasok sa Gate at ilang metro lang kami naglakad ay nakita na namin si Papa .
"Kamusta na Papa ? " Tanong ko sa kanya , Habang nakatapat sa puntod nito . Di ko namalayang unti unti na palang tumutulo ang mga luha ko .
"Sorry kung dalawang buwan na akong di nakakadalaw sayo aa ! " Sabi ko , habang pinupunasan ang mga luha ko .
"Miss na kita Papa ! Kelan ka ba mare-reincarnate ? " Tanong ko . Dahil dun ay mas mabilis ang pagtulo ng mga luha ko , kahit ilang beses ko tong punasan ay tuloy tuloy pa rin ang tulo nito .
4 Years na rin ang lumipas ng mamatay si Papa , Ang masakit pa duon ay hindi ko sya nakita bago pa sya malagutan ng hininga . Hindi ko man lang naparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal . Namatay sya dahil sa Cancer . Busy ako sa pag-aaral ko sa Laguna kaya naman minsan lang ako makadalaw sa bahay . Nang nalaman kong sinugod si Papa sa Hospital ay dali dali akong pumunta duon ngunit huli na ang lahat , Huli na ng malaman namin Stage 4 na ang Cancer nya .
"Dad, I'm sorry . " Sabi ko .
"Anak , Tama na yan ! Sige ka kapag sumagot yan ! " Pananakot sa akin ni Mama .
"Mama naman ei ! " Sagot ko naman kay Mama .
"Anak , Pwede ako naman .? " Tanong ni Mama sa akin .
"Eddie , May nanliligaw sa akin ! Yung kumpare mong si Gardo . " Sabi ni Mama kay Papa .
"Mama naman ! pati ba naman yan ? " Sabi ko kay Mama .
BINABASA MO ANG
A Tragic Destiny
Teen FictionPaano kung sa sobrang gulo ng Love story na to ay , Pati Author ay maguguluhan ? Samahan niyo si Aileen Ramos tahakin lahat ng problemang mararanasan nya sa mundo ng PAG-IBIG . <3 Welcome to A TRAGIC DESTINY ~
