Chapter 20 : Bestfriend Forever .

105 2 0
                                        

Aileen ~

Asan na kaya yun si Shanelle , 4 hours na akong naghihintay rito . Wala pa rin sya . Yung babae talagang yun . Napaka ! Ang daming problemang dapat lutasin , Inuna pa ang gimik ! Hayaan ko na nga lang sya . Alam ko naman na magiging kawawa rin sya sa huli . 

TOK TOK TOK ! 

Binuksan ko na ang pinto , at sumalubong sa akin ang isang babaeng hindi ko ma-mukaan .

"Shanelle ? " Tanong ko .

"Aileen , Ang hirap . " Sagot naman nya , Amoy alak sya . Yung buhok nya gulo gulo  , natatakpan ang muka nya . Kamuka nya si Sadako ang pinakaiba lang walang dugo ang damit nya . 

"Anong nangyare ? " Tanong ko ulit sa kanya .

"Wala . Nasasaktan lang talaga ako . " Sagot naman nya sa akin . Naramdaman ko ang pagpatak ng luha nya mula sa kanyang mga mata . 

"Bakit ka naglasing ?! Tingin mo ba matutulungan ka ng alak ?! " Galit kong tanong sa kanya . Sobra akong nag-aalala sa kanya . Hindi ko akalaing maglalasing sya . Ang kilala kong Shanelle ay hindi umiinom ng alak . Ni-hindi nga alam ni Shanelle ang ALAK ei . 

"Nakalimutan mo na ba ? Sabi mo sa akin . Makakatulong ang alak , para makalimutan mo ang problema mo . " Sagot nya .

Huh ? Sinabi ko yun ? 

Flashback ~ 

"Ano to ? " Tanong sa akin ni Shanelle sabay turo sa hawak nyang bote . 

"Alak . " Sagot ko naman sa kanya . 

"Para saan to ? " Tanong nya ulit .

Ano ba tong babaeng to . Ang mangmang . (Hindi pa sila close ng mga panahon na yan . Magkasama lang sila sa iisang dorm . )

"Sabi nila malilimutan mo ang problema mo kapag uminom ka niyan . " Sagot ko . 

"Aaa , Talaga ? " Namamangha nyang sabi . 

"Paulit ulit ? " Sabi ko sa kanya . 

"Ang sungit mo ! " Sabi niya sabay pamewang . 

"Kulit mo ei ! " Sagot ko naman . 

"Bili ka nito . Baka malimutan mo yung problema mo sa utak ! " Sabi niya sa akin .

"Una ka ! " Sagot ko naman . 

"Ewan ko sayo . " Sabi niya . 

"Mas ewan ko sayo . " Sagot ko naman . 

Pagkabalik namin sa Dorm , ay nagulat ako nung makita kong nilabas nya mula sa plastik bag ang isang red horse . 

"Bumili ka talaga ? " Tanong ko .

"Sa dami ko ba namang problema , Bakit hindi ? " Sagot naman nya .

"Hayyy ' " Buntong hininga ko .

Tumayo ako sa sofa at kinuha ang red horse na binili nya sabay tapon sa lababo . 

"Anong ginagawa mo ? " Tanong nya .

"Tinatapon ko ." Sagot ko naman .

Agad kaming nag-agawan sa bote , sa huli ako ang nanalo at naubos na ang laman ng bote .

A Tragic DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon