Chapter 12 [第12章]

2.4K 55 4
  • Dedicated kay Sa aking mga kababayan na sinalanta ng bagyong Yolanda: My prayers are with you.
                                    

Chapter 12 [第12章]

PINULOT KO ang sakura na dumapo sa aking balikat at pinalipad ito sa hangin sabay bati sa aking sarili ng maligayang kaarawan. Napakabilis ng mga pangyayari. Isang taon na rin ang lumilipas simula nang may maganap na aksidente sa amin nina Kazuki at Shizumaru, at ngayon ay panahon na naman ng pagsibol ng sakura.

Nakatayo ako sa gilid ng kalsada at naghihintay sa pagdating ni Kazuki. May dadalawin kasi kami ngayon sa panteon. Dati-rati, tuwing kaarawan ko ay nasa beach ako, o nasa Hanami festival, subalit ngayon, sa aking ika-labingwalong kaarawan ay nasa sementeryo muna ako. May ilang sandali pa at narinig ko na ang busina ng magarang sasakyan ni Kazuki.

Dahil matindi na ang pagkasira ng kaniyang Lamborghini ay nagpalit na siya ng sasakyan. Sa ngayon ay nagmamaneho na siya ng pinakabagong labas na itim na convertible Camaro. Nang huminto ito sa harapan ko ay hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at dali-dali na akong umupo sa front seat. Umusad na ang sasakyan.

"Ayos ka lang ba, Yuu?" Tanong sa akin ni Kazuki. Tumango lang ako.

Nadaanan pa namin ni Kazuki ang parke kung saan kami nagkita noong nakaraang taon, at dahil Hanami festival din ngayong araw na ito ay maraming tao doon upang mag-picnic. Nagkatinginan kami ni Kazuki at napangiti kami. Napakaraming ala-ala ang daladala ng sakura sa amin:

Matapos ang malagim na gabi nang dukutin kami ng mga tauhan ng mga Ishida ay nailigtas din kami sa wakas ng iba pang mga tauhan ng Kaneshiro clan at naisugod sa pagamutan. Napag-alaman ko na hindi buo ang suporta ng mga Ishida sa ginawang iyon ng ama ni Shizumaru, at ang lahat ay bunga lamang ng kaniyang personal na paghihiganti sa pamilya ni Kazuki.

Sa loob ng isang taon na kasa-kasama ko si Kazuki ay napakarami ko ng natuklasan. May bahagi nga ako sa kayamanan ng mga Kaneshiro lamang ay hindi kalakihan subalit sapat na upang makatulong sa mga gastusin ko sa aking pag-aaral dito sa Japan. At dahil sa mga ibinunyag ng ama ni Shizumaru ay pinag-aaralan na ng mga matatanda kung maaari na bang kilalanin muli si Kiyo at ang kaniyang ina bilang bahagi ng angkan ng mga Kaneshiro.

Ang sabi ni Kazuki, mukhang matatagalan pa bago makabuo ng pasiya ang mga ito. Ang sabi ko naman, bahala sila. Sa tingin ko naman ay masaya si Kiyo sa kung anong buhay ang mayroon siya ngayon. Natigilan ako sa ideyang iyon: buti pa si Kiyo, masaya.

Bigla na namang sumagi sa isip ko ang dahilan ng lahat ng ipinapakitang kabutihan sa akin ni Kiyo: tumatanaw lamang siya ng utang na loob sa pamilya ko. Hindi ako kayang mahalin ng bestfriend ko. Nagulat na lamang ako ng tapunan ako ni Kazuki ng panyo. Hindi ko kasi namalayan na lumuluha na pala ako.

Si Kazuki...

Si Kazuki na tuluyan nang nagtapat ng pagmamahal niya sa akin ilang araw matapos niyang makalabas ng pagamutan. Si Kazuki na minamahal ni Shizumaru ay ako ang gusto. Hindi na dapat ako magulat noong araw na nagtapat siya sa akin dahil nasabi na ito ni Shizumaru sa simula pa lang. Subalit para bagang iyon ang unang pagkakataon na nalaman ko kung ano ang nararamdaman niya. Hindi ako nakasagot nang tanungin niya ako kung mahal ko rin ba siya. Hindi ko pa rin kasi nasasabi ang tungkol kay Kiyo. Ang tanging alam lamang niya ay matalik ko itong kaibigan. Maghihintay naman daw si Kazuki hanggang sa dumating ang panahong handa na ako. Napailing lang ako.

Macho Hearts Book 3: Sakura HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon