Byahe 1

12.4K 147 5
                                    




Ako nga pala si Brian Santiago isang hamak na estudyante sa isa ymga hindi naman masyadong kilalang Aeronautical School sa Pasay, isa lang din akong hamak na estudyanteng pilit na pinagbubuti ang pag aaral makapag tapos lang ng kolehiyo, dahil ako nalang din naman ang inaasahan ng aking nanay.

IT(Information Technology) student ako at kasalukuyang 2nd College na, at isa din sa mga Varsity Team ng Cheering.

Sa pagiging Varsity Team ko sa aking paaralan ay nakakakuha din naman ako ng ilang pursyento para maka-menos sa pambayad sa aking matrikula, nagbibigay din naman ng konteng allowance ang school namin kada-buwan, sapat na din para matustusan ang mga kaylangan ko sa mga gastusin sa mga project o kung ano pa man ang kaylangan sa pagaaral.

Sa tutuusin hindi naman talaga pagiging IT ang gusto, wala na din kasi akong ibang makitang magang course na pwede kong kunin, may school talaga ako na gustong gusto kong pasunkin kaso hindi na nga kaya ng magulang ko na tustusan ang matrikula na gusto kong kunin na kurso. Isa na din sa naging dahilan kasi pumanaw na ang tatay ko bago ako maka-graduate ng High School kaya medyo nabaon din kami sa utang.

TAPOS na ang buwan ng Inter-School sa aming paaralan at medyo makakapag pahinga na ako sa mga training namin sa cheering at matutukan ko na din ulit ang mga subject na napag iiwan na ako sa mga lecture dahil na din kulang na sa oras para makapag review sa ibang subject kaya pinangako na din sa sarili ko na babawi ako para hindi naman masayang ang mga pinagpaguran ng magulang ko para dito.

MIDTERM exam na at medyo nakaka-cope in na ulit ako sa mga subject na napag iiwanan na ako. Uwian na at makakapag pahinga ulit ako medyo naiinis din ako sa araw na yun kasi biglaan namang umulan, at syempre alam naman ng lahat na pag dating ng tag-ulan sobrang hirap sumakay.

Habang nag lalakad ako at naka-salpak ang Headset ko sa aking tenga at parang nakikisabay pa ang playlist ko sa panahon, more OPM nakakaloka diba? May isang lalaking nakabangga sakin na akala mo walang mata. Pero pinag kibit balikat ko nalang kasi ayoko ng dagdagan pa ang inis ko sa araw na yun.

Agawan sa jeep dahil punuan

Walang masakyan.

Wasted na ako.

Pagod ang utak.

Ano pang sunod?

Mga halos dalawang oras na ata akong naghihintay ng jeep at literal na wala pa din akong masakyan. medyo basa na din ako dahil wala din akong dalang payong sa araw na yun, hindi ko naman kasi expect na uulan, pero di naman liretal na ulan, mga ambon ambon lang naman.

Mga ilang minuto may lumapit sakin na lalaki na nag alok ng payong kasi mukang napansin niya ata na basa na talaga ako, baka nga ata pati yung mga gamit kong dala e basa na din.

Matangkad, at same school kami, mukang mabait naman pero di ko kasi masyadong napansin yung itsura nya kasi nahihiya din naman ako kaya nagpasalamat na din ako, at nakakahiya din kasi dikit na dikit siya. Hindi naman maliit ang payong. Thankful na din naman ako kasi kahit papano di na ako mababasa ng sobra at baka pag dating ko ng bahay eh may sakit na ako.

Sakto naman ang may pumara ng jeep at madaming bumaba, nag paalam na din ako at sabi ko "Salamat sa payong ah, sige una na ako."

"OK lang jan din naman ako sasakay" ani nya sabay ngiti sakin.

Dun ko nakita yung muka niya, bigla akong napayuko kasi hindi ko alam pero bigla akong parang kinabahan, hindi ko alam pero may iba talaga akong naramdaman. Kilala ko siya, ay hindi pala, kilala siya sa buong campus, siyempre meron bang hindi makakakilala sa isang lalaking tinaguriang MR. Campus?

Nailang ako ng konte pero nag pasalamat ako ulit at una na akong sumakay, at sumunod siya. Kaharap ko siya at iba talaga ang kabog ng dibdib ko, nahihiya ako na naiilang kasi bawat tingin niya sakin eh bigla siyang ngingiti. Hindi ko alam kung namumula na ba ako nun o ewan.

Una siyang bumaba ng jeep.

"Oy dito na ako, ingat ka ah"

"A-Ahh. Sige ikaw din, salamat pala ulit" kiming ani ko.

ISANG ngiti na alam ko sa damdamin ko na hindi ko makakalimutan ang tangin nyang iniwan sakin bago siya bumaba, kabog ng kabog ang dibdib ko ng hindi ko maintindihan, para akong natatae na ewan, na-eexcite sa susunod na pagkikita namin, masaya sa pakiramdam na may takot dahil hindi ko naman expect sa wasted na araw ko na yun eh, biglang liliwanag nalang ng bigla ng dahil sa isang ngiti na yun.

Lovers in Jeepney (TAGALOG) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon